KATHRYN POV...
Pagkalabas ko ng kwarto hindi kona mapigilan ang mga luha ko. Kusa na itong tumulo. Ang sakit mag salita ng mama ni dj, hindi kami hampas lupa. Lakad lang ako ng lakad, hindi ko alam kung san nako napad pad. Teka asan pa yung hagdan kanina.
Grr. Umaandar nanaman pagiging tanga ko e. Naliligaw na yata ako. Nahihilo nako sa kakaikot, at sa wakas! Natagpuan kudin bakit ba kc hindi ko tinandaan to. Pagkababa kita ko agad yung pinto kaya naman dali dali akong pumasok,
"Waaaaaaaaahhh!"
Mali pala! Ibang pinto ang napasukan ko! Tinakpan ko ang mata ko at agad akong tumalikod.
"Who the hell are you?! And why are you here in my room?!" Sigaw ng isang gwapong lalakeng walang suot pang itaas.
"Uhmm... Im-im sorry. Ano... a-." Hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng mag salita siya.
"Pasensya, hindi ko sinasadyang sigawan ka. Sino kaba ms?" Hindi parina ko humaharap baka kc hanggang ngayon wala pa siyang damit e. "Don't worry naka shirt nako."
Dahan dahan akong humarap sakanya muntik nakong mabilaukan ng nasa harapan kuna pala siya.
"Pasensya nadin. Hindi ko sinasadya, mali yung napasukan kong pinto akala ko kasi ito yung main door niyo." Pagpapaliwanag ko.
Mas nakita kong matitigan ang mukha niya ngayon. Ang gwapo pala niya, maputi, matangkad at matcho!
"Oh i see. By the way, who are you?" Ang sexy din naman ng boses
"Ako si Kathryn." Nahihiya kong sabi..
"Beautiful name. Im Derick, Derick Padilla." Padilla? Ibig sabihin padilla siya? Haha baliw! Iniabot niya sakin yung kamay niya para makipag shake hands, tinanggap ko naman yun. "Nice meeting you Kathryn." Ngumiti siya. (A/N: Siya po si Derick Monesterio)
"He he. Kath nalang, sige una nako. Bye!" Ngumiti ako sakanya at lumabas na agad ako ng kwarto nayun.
Tanga tanga ko kasi e. Nahanap kona din yung main door at dali dali akong lumabas. Sino kaya yun, kaano ano siya ni dj? Pagkatapos ng mahabang lakaran nakalabas nako ng bahay. Hay! Panu nako makakabalik ng skul neto? Naiwan kopa naman yung bag ko sa skul.
Bigla nalang mamg vibrate yung patay sindi kong phone at lumitaw ang pangalan ni dj tamang tama naman yung timing niya.
"Hello dj?"
[Shit kath. Nasan ka?]
"Ano, dito sa xxxx."
[Anong ginagawa mo diyan?! Kaya pala wala ka dito.]
"May pinuntahan lang ako. Dj, pwedi mu ba akong sunduin?"
[Sige. Wait for me. Huwag kang aalis, Iloveyou baby.]
"Iloveyou too babe."
Inend kuna yung call. Ayoko man mag sinungaling pero kailangan e, ayokong mag away sila ng mama niya ng dahil sakin. Ayoko! Kaya mas mabuti pang ilihim kuna muna ito kay dj.
Kalahating oras din at nandito na si dj. Bumaba siya sa sasakyan niya at agad niyakong niyakap.
"Ano bang ginagawa mo dito kath? Bakit hindi ka pumasok?! Alam mo bang sobrang alala ako sayo ha! Kala ko napano kana, hinanap kit sa buong PU pinuntahan pa kita sainyo per-."
Hindi kuna siya pinatapos. Hinila ko siya at agad na hinalikan bakas sa mukha ni dj ang pagkagulat. Ayokong layuan ang lalaking to. Mahal na mahal ko siya. Sa bawat halik namin ramdam ko yung pagmamahal namin sa isa't isa. Humiwalay narin ako pagkatapos niyakap ko siya..
"Mahal kita dj. Mahal na mahal."
Hinawakan niya ang mag kabila kong pisngi, "Mahal na mahal din kita baby."
Umuwi nadin kami agad. Gusto ko munang mag pahinga hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung mga salitang binitawan ni dj.. ang sakit lang kasing isipin na ayaw sayo ng mama ng mahal mo. Tahimik lang kami kanina sa buong biyahe.
Pagkarating ko sa bahay ang tahimik. Hindi ko alam kung san nag pupunta yung mga yun. Nag decide nakong umakyat na muna ng kwarto ko, dahil pagod din naman ako. Hindi pa man nakakalipas ang kalahating oras nakatulog nako.
****
DANIEL POV...
"Alam mo dj baka naman oa kalang." Diego.
Andito kami ngayon sa bar na lagi naming pinupuntahan pagkatapos kong ihatid si kath tinawagan ko silang tatlo para uminom.
Hindi ako oa pansin kolang kasi kay kath na parang may mali? Para bang may iniisip siya na hindi ko alam. Ang pinagtataka kopa ay pano siya napunta sa lugar nayon? Malapit saamin.
Nung hanapin ko siya sa university nakausap ko yung isang kaklase niya. Ang sabi niya may sumundu daw na lalaki kay kath na naka tux. At sino naman yon? Psh ewan. Mababaliw nako! Tinanong ko siya kanina sabi niya may inasikaso siya, ayoko namang mangulit dahil halata talga sa itsura niya na hindi siya maayos.
"Hindi pre e iba talaga yung itsura niya."
"Tanungin mo nalang siya ng maayos dj." Albie.
Ininom ko muna yung alak sa baso ko bago ako mag salita, "Mahirap mag tanong lalo na't ayaw naman niyang sagutin ng maayos."
Kilala ko si kath, alam ko kapag may tinatago siya sakin.
"Basta andito lang kami tol." Jake.
Ngumiti nalang ako sakanila, kahit naman papano maaasahan mo tong mga gago nato sa oras na may problema ka.
"Whooo. Tama na drama! Cr nga lang ako." Diego.
Si albie naman pumunta sa dance floor kasama si jake mga naiinip na daw e. Mga gago talaga! Pagka inom ko ng alak may biglang babaeng tumabi sakin,
"Barbie?!"
"Yeah. Hello my dearest dj."
Psh kalandi. Ano namang ginagawa niya dito hindi kona siya pinansin at uminom nalang ako.
"May problema kaba dj? C'mon tell me baka matulungan kita."
"Wala kang maitutulong."
"Ow stop that dj." Hinawakan niya yung braso ko pero agad ko namang binawi iyon. "Relax! Dahil ba kay kath kaya ka namomroblema huh? Well ikaw naman kasi e, sa dinami dami ng babae sa PU siya pa yung napili mo. Why not me?"
Tiningnan ko siya ng masama. Bakit hindi siya? Hindi ako baliw para magka gusto sakanya. Hindi kona siya pinansin dahil wala namang kwenta yung mga pinag sasabi niya.
"Pansinin mu naman ako. Alam mo mas mabuti pang mag enjoy nalang tayo ngayong gabi. Im free tonight babe."
"Pwedi ba?! Layuan moko! Hindi kita kailangan dito! Tsaka wag mu nga akong matawag tawag na babe nakakadiri kasi e!"
Ininom kuna yung last shot ko. Tumayo nako para umalis mas lalo ako naiinis sa babae nato! Si kath lang ang may karapatang tawagin akong babe.
Hindi pako nakakalayo hiniila ni barbie ang braso ko pagkatapos,
Fvck! Hinalikan niya ko! Damn you barbie!
BINABASA MO ANG
Save the Last Dance
Fanfiction(COMPLETE) Isang babaeng nag ngangalang Kathryn ang nakalimutan ng lalaking si Daniel. May pag-asa pa ba kayang maalala nya ito, o tuluyan ng makalimutan?
