KATHRY POV ;
"Anak, kumain kana." Hindi ko siya pinansin. "Kathryn, buksan mo yung pinto may dala akong pagkain."
Hindi ko siya pinansin. Wala akong gana! Ayokong kumain! Ayoko!
"Iiwan ko nalang ito dito. Sana naman huwag munang pahirapn ang sarili mo Kath, isang taon na ang nakaliaps. Sige na bababa nako."
Tama ka mama, isang taon na ang nakakalipas pero masakit parin. Isang taon nakong nagkukulong dito sa kwarto ko! Hindi ko nga alam kung paano pako nabubuhay e! Isang taon nakong nag durusa. Ayokong lumalabas, ayokong makipag usap sa kahit na sino. Isang taon ku nang sinisi ang sarili ko sa pagkawala niya. Isang taon na ng mamatay si Dj pero hanggang ngayon masakit parin.
Kung hindi ako naging tanga, kung hindi ko pinairal ang galit ko sana hanggang ngayon buhay pa siya!
Flashback,
Ng tawagan ako ni julia pumunta agad ako sa lugas na sinabi niya, pagkarating ko dun nakita ko agad ang barkada.
"May balita na ba?"
"Wala pa Kath e. Hanggang ngayon hinahanap pa siya ng mga pulis." Sagot ni julia.
Ilang oras na kaming nag hahanap pero hindi parin namin makita si Dj. Jusko, nasan ka ba Dj? Sobrang nag-aalala nako sayo. Kung saan saan kami nakapunta pero wala kaming Dj na nakikita. Sinusubukan namin siyang tawagan pero nakapatay ang phone niya. Pumunta din kami bar na lagi niyang pinupuntahan, sabi nung bartender kakaalis lang ni Dj at lasing na lasing siya.
Pati yung mga pulis hindi nila nakita si Dj, tumingin ako sa wrist watch ko at alas dose na ng madaling araw. Hindi man lang ako nakaramdam ng gutom at pagod ang nasa isip kolang ay ang mahanap yung lalakeng mahal ko.
"Mag-pahinga kana muna Kath tatawag nalang kami pag may balita na." Jake. No way!
"Ayoko! Kailangan kong mahanap si Dj!"
"Kath kailangan mong magpa hinga dahil baka mag kasakit ka!" Julia.
"Mag pahinga?! Alam mo ba kung anong sinasabi mo ha Julia?! Paano ako mag papahinga kung nawawala yung lalaking mahal ko?!!" Hindi niya alam ang sinasabi niya. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nakikita si Dj!
"Ano ba Kath?! Kasalanan murin naman yan e! Kung hindi ka nag padala sa lintek na galit mo hindi mangyayare ito! Kung hinayaan molang sanang mag paliwanag si Dj edi sana hindi kayo humantong sa ganito!" Natahimik ako sa sigaw ni Bea. Tama siya! Ako ang may kasalanan.
"Tumahimik kana Bea!" Saway ni zharm.
"Ikaw ang tumahimik!"
"Hindi ba kayo titigil?! Walang may gusto nitong nangyayare! Pwedi ba imbis na mag sisihan tayo mag tulungan nalang tayo sa pag hahanap kay Dj!" Diego.
Napahagulgol nalang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Dj. Nag pasya na muna kami ni Julia na umuwi, sasamahan nalang daw niyako sa kwarto ko matulog.
Agad naman akong humiga sa kama ko at umiyak, niyakapa ako ni Julia.
"Tahan na, makikita din natin si Dj."
"K-kasalan ko to Julia. *sniff* Tama si Bea, d-dapat hinayaan k-kong mag paliwanag sh Dj. *sniff*"
"Shh. Huwag mong sabihin yan Kath, wala kang kasalanan okay? Mag pahinga kana at hahanapin pa natin siya bukas. Hindi ka kayang iwan ni Dj. Mahal kanun e."
BINABASA MO ANG
Save the Last Dance
Fanfiction(COMPLETE) Isang babaeng nag ngangalang Kathryn ang nakalimutan ng lalaking si Daniel. May pag-asa pa ba kayang maalala nya ito, o tuluyan ng makalimutan?
