KATHRYN POV...
"Hayy! Ang boring." Nakapa ngalumbabang sabi ni julia.
Narito kami ngayon sa lugawan. One week na ang nakalipas ng makabalik kami galing sa boracay.
Maayos naman ang naging huling araw namin duon, sinulit namin ang oras sa pamamasyal, sa kakakain at lahat ng iyon ay gastos bi daniel. Haha! Iba talaga pag madaming pera.
Siya nga pala si Janella nag resign na sa trabaho, kaylangan niya kasing bumalik sa probinsiya dahil kailangan siya ng lola at lolo niya. And guest what? Itong si julia ang pumalit sakanya hindi ko nga alam sa babae nato kung bakit naisipan niyang mag trabaho dito sa dami na nga ng pera niya. Kesyo gusto daw niya na pag hirapan ang pag kakaroon niya ng pera, ayaw da niya na umasa siya mga magulang niya.
"Oo nga. Bakit ba kasi walang costumer ngayon?" Tanong ko. Kaya naiinip kami kasi walang costumer. Kanina pa kami ganito ni julia, nakaupo sa kesa habang nakapangalumbaba kami.
"Kelan moba sasagutin si dj?" Julia.
Tama ang nabasa niyo, nililigawan ako ni daniel.
FLASHBACK,
Ayssss. Andito ako ngayon sa skul gym nag momoment. Charot! Ewan ko kung bakit napadpad ako dito. Siguro kailangan ko ng katahimikan. Nag sasawa na kasi ako sa pag mumukhan ng mga girls. Haha. Biro lang.
Pero totoo gusto kolang mag isip isip. Para kasing naguguluhan na talaga ako e. Yung feelings ko kay daniel hindi ko alam kung aaminin kona ba.
Kung aamin ako, malalaman ko kung may nararamdaman din ba siya para sakin. Kung hindi ako aamin, poreber nang maraming tanong sa isip ko.
Ano kaya ako for him? Gusto niya din ba ako? Sa mga pinapakit niya sakin parang meron din siyang feelings sakin. Ayoko naman ng umasa dahil baka bandang huli e masaktan lang ako.
"Hey!" Hidni ko napansin na andito nadin pala si dj.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Hmmm. Hinahanap ka?" Patanong niyang sagot. Baliw yata itong si dj e.
Hinahanap daw niya ako? Bakit naman kaya. Umupo siya sa tabi ko at napa buntong hininga.
"Ang lalim non dj ah." Bahagya akong natawa sa sinabi ko. Mas baliw yata ako.
"Haha. Baliw! Hmm, kath?" Natawa din siya pero sa huling part naging seryoso ang mukha niya. Ang bilis mag mood swing niting si dj.
"Bakit?"
"Ah. P-pweding, pwedi bang man-manligaw?" Kanda utal utal niyang tanong. "I want you to be my girl for real. Hindi yung dahil pinag kalat ko lang na girlfriend na kita kaya wala kang nagawa kundi sakyan yung kalokohan ko. Kaya, pumapayag kaba kung manliligaw ako?" Seryoso niyang tanong habang nakatingin sakin.
Nabigla naman ako sa mga salitang binigkas ni dj. Ibig sabihin ba neto ay kaya niya ako nililigawan dahil may nararamdaman na siya para sakin? Dahil gusto niya daw e for real.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. Pero gusto ko si dj! Kaya walang dahilan para tanggihan ko siya.
"Ahhm. D-dj, seryoso kaba?"
"Syempre. Mukha ba akong nag bibiro kath? Believe me im serious! Gusto kita kath"
"S-sige."
BINABASA MO ANG
Save the Last Dance
Fanfiction(COMPLETE) Isang babaeng nag ngangalang Kathryn ang nakalimutan ng lalaking si Daniel. May pag-asa pa ba kayang maalala nya ito, o tuluyan ng makalimutan?
