DANIEL POV ;
"Tahan na Dj. Sa tingin mo ba masaya si Kathryn sa ginagawa mo?" Tita Min.
Dalawang buwan na. Dalawang buwan ko ng hindi nakakausap yung babaeng mahal ko. Dalawang buwan ko ng hindi nakikita ang ngiti niya.
"Magpaka tatag ka anak. Ayusin mo yung sarili mo. Ayaw ni Kath na nagkaka ganyan ka, magagalit yun sayo sige ka." Andito ako ngayon sa bahay nila Kath at kausap ko ang mama niya.
"Namimiss ko na po siya. Namimiss ko na yung kakulitan niya, yung pag tawa niya." Umiiyak ako ngayon sa harap ni Tita Min. Walang araw na hindi ako umiiyak, alam kong nakaka bakla pero wala akong pakelam. Masakit e!
"Alam ko yon. Kami rin naman miss na namin siya, pero heto kami nagpapaka tatag. Kaya sana Dj ganun din ang gawin mo."
"Pero tita hindi po ako sanay e. Hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita at nakaka usap. Dalawang buwan na yung lumipas, sa araw araw na hindi ko siya nakakasama para akong unti unting pinapatay." Hindi ko na talaga mapigilan yung luha ko. Tuloy tuloy na yung pag patak ng mga to.
"Basta nandito lang ako Dj para sayo. Tatagan mo lang ang loob mo, alam kong kaya mu yan. Ikaw pa? Alam mo mabuti pa halika na puntahan na natin si Kathryn."
Tumango nalang ako kay Tita at pumunta kami kung nasaan si Kath. Inilapag ko yung bulaklak na dala ko sa tabi niya.
"Miss na miss na kita, Kath. Bakit ba kasi ang daya mo? Sabi mo diba walang iwanan? Dapat tuparin mo yun e. Nangako ka sakin."
Tumulu nanaman yung luha ko. Shit! Kailan ba to titigil? Kahit na pigilan ko hindi ko kaya. Nasasaktan ako e. Sobra!
"Kung kelan naman mag papakasal na tayo tsaka pa nangyari to. Alam mo bang nakakulong na ngayon si Bianca? Hindi ko hahayaan na makalaya siya duon. Kailangan niyang mag bayad."
Hinawakan ni Tita Min yung balikat ko. Walang araw na hindi ako kinomfort ng mama ni Kath. Sakto naman yung pag dating nila Diego.
"Anung pong balita?" Julia.
"Wala parin iha." Tita Min.
Lumapit yung mga babae sa tabi ko.
"Ang daya naman Kath e. Bakit hindi ka pa gumising diyan?" Zharm.
"Dalawang buwan kana naming hinihintay." Bea.
"Please, wake up Kath. Imissyou so much na." Julia.
"Sige maiwan ko na muna kayo. Tatanungin ko lang yung doctor kung kamusta na si Kath." Tita Min.
"Okay po Tita." Jake.
**
Bakit kailangan maging ganito yung sitwasyon ko? Ayaw ba talaga akong maging masaya ng lintek na tadhana na yan? Bakit hindi nalang ako hayaang maging masaya! Fvck! Shit! Shit!
Mahigit dalawang buwan ng hindi gumigising si Kath. Ang sabi ng doctor nakay Kathryn na daw iyon kung lalaban siya o hindi. Nabaril siya malapit sa puso kaya delikado yung kalagayan niya, ipinag pasalamat nga namin na hindi sg mismong puso tumama yung bala kundi dead on the spot na siya.
Andito ako ngayon sa kwarto ko, hindi ko alam kung anung gagawin ko. Ayoko ngang umuwi dahil gusto ko paggising ni Kath ako yung una niyang makita. Kaso pinauwi muna ko ni Tita Min tatawagan daw niyako pag naggising si Kath.
"Kath, please wake up. Imissyo so damn much."
***
KATHRYN POV ;
Asan ako? Saang lugar to? Bakit puro puti yung nakikita ko. Asan sila mama? Yung mga kaibigan ko at si Dj asan sila?
Naglakad lakad ako para malaman kung saang lugar ako, pero hindi ko talaga alam. Wala man lang katao tao dito. Bukod sa ulap, mga bulaklak ang nakikita ko.
"Tao po! May tao po ba?" Sigaw ko pero walang sumasagot.
Ahhh! Asan na ba si Dj bakit hindi ko siya kasama? Psh. Yung lalaking yon iniwan ako kung saan saan kainis!
"Anak." Napatalon ako sa boses na narinig ko. Si mama yun ah, asan siya?
"Kath, please wake up!" Kuya.
Asan ba sila? Hindi ko sila makita!
"Ma, kuya asan kayo?!"
"Kailangan mong gumising anak, marami kaming nag hihintay sayo." Papa.
Ano? Gising ako. Paano ko kailangang gumising? Anu bang pinag sasabi nila. Atsaka asan ba kasi talaga ako bakit hindi nila ko nakikita?
Putek! Patay na ba ko? Teka! Yung nangyari natatandaan ko yung nangyari, baril. Oo nabaril ako, sinalo ko yung bala na dapat kay Dj. Ibig bang sabihin nito patay nako?
"Ahhh! Hindi pwede! Hindi ako pweding mamatay!" Sigaw ko habang humahagulgol.
Hindi ko pweding iwan sila mama. Si Dj, mag papakasal pa kami e. Ayoko pang mamatay! Ayoko pa. Marami pa akong gustong gawin, gusto ko pa silang makasama ng matagal! Bubuo pa kami ng pamilya ni Dj!
"Dj! Ayoko pang mamatay!" Sigaw ko habang nakaupo at hawak hawak ko ang ulo ko.
"Kath." T-teka.
"Kath." L-lola?
"Kath, apo."
Napatayo ako bigla. Bakit pati si lola naririnig ko na? Nag lakad lakad ako para hanapin si lola, hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan na parang garden. May hawak hawak syang yellow roses.
"L-lola?"
Nakangiti siya habang naka tingin sakin. Napaluha nalang ako bigla, patay na si lola pero bakit ko siya nakikita? Isa lang naman ang ibig sabihin nun e. Patay na nga talaga ako.
Siya si Lola Merdy, mama ni papa. Sa totoo lang nung bata ako siya palagi ang kasama ko. Maaga kcng namatay yung parents ni mama kaya hindi ko na sila nakilala, 1 year old daw ako ng mamatay sila sa isang aksidente. Kaya ng lumaki ako laging si Lola Merdy ang kasama ko. Close kami ni lola kung hindi ko man na ikwento paggising ko ng umaga nasa kwarto ko na siya at may dala siyang isang basong gatas at isang slice ng chocolate cake, siya ang nag papakain sakin.
Kaya ng mamatay si Lola ng 10 years old ako sobra ang iyak ko. Ayokong kumain, ayokong lumabas ng kwarto. Paggising ko ng maga hinahanap hanap ko siya, ayokong inumin yung gatas at yung cake na dinadala ni mama sa kwarto ko.
"Apo." Naiyak ako ng marinig kong muli ang boses ni Lola. Sobrang namiss ko siya. Sobrang namiss ko yung mahal kong lola dali dali akong tumakbo papunta sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Lola nasaan po ako?" Tanong ko ng bumitaw ako ng yakap.
"Sa tingin mo ba apo nasaan ka?" Naka ngiti niyang sabi.
"Ayoko man paniwalaan lola pero patay na ba ako?"
"Sa totoo lang? Hindi ka pa patay apo." Nag liwanag naman ang mukha ko sa aking narinig. "Nag lalakbay pa yang kaluluwa mo, malakas ka apo kaya hindi pa bumibigay yung katawan mo. Nasa iyo ang desisyon kung gugustuhin mu pang mabuhay kasama sila o mananatili kana lang dito."
Kung ganun may pag asa pang mabuhay ako? Kung ganun makakabalik ako sa pamilya ko kay Dj. Pero paano si lola? Pano ko siya iiwang mag'isa?
"Pero lola --."
"Okay lang apo. Piliin mo yung makapag papasaya sayo, huwag mo akong intindihin sapat na sakin na makita, mayakap at makausap kitang muli." Naka ngiti niyang sabi.
"Salamat po lola. Namiss ko po kayo ng sobra." Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.
"Sige na apo, buwalik kana sakanila. Matagal din nilang hinihintay ang pag balik mo."
"Salamat po ulit lola. Mahal kita." Sinubukan kong pigilan ang luha ko pero hindi ko kaya kusang bumuhos ito.
"Mahal ka din ni lola."
Pagkasabi niya bigla nalang siyang nawala ng parang bula. Masaya ko dahil nakita ko ulit si lola. Ngayon kailangan ko ng bumalik dahil hinihintay nako nila mama at dj pati nading ang barkada.
BINABASA MO ANG
Save the Last Dance
Fanfiction(COMPLETE) Isang babaeng nag ngangalang Kathryn ang nakalimutan ng lalaking si Daniel. May pag-asa pa ba kayang maalala nya ito, o tuluyan ng makalimutan?