JULIA POV ;
"Kaylangan nating pumunta." Albie.
"Ano ka ba? Hindi na kailangan." Bea.
"Kailangan nating pigilan yung party!" Zharm.
Andito kami ngayon sa bahay nila Kath, pinadalhan kami ng invitation nung retokadang Bianca.
"Kath, huwag na tayong pumunta." Jake.
"Hinde! Pupunta tayo. Wala narin naman tayong magagawa e. Hindi na natin mapipigilan pa yung party nila. Pumunta na lang tayo dun para suportahan si Dj." Kath.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo ha Kath? Huwag na." Hindi na niya alam ang sinasabi niya, sa kabila ng lahat gusto niya paring suportahan si Dj?
Bwiset! Dalawang buwan na kaming iniiwasan ni Dj tapos gusto niya pang suportahan yung lalaking yon? Jusko.
"Basta pupunta tayo. Tapos!" Matigas niyang sabi.
"Pero --." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pigilan ako ni Diego.
Wala na rin naman kaming nagawa kundi pumayag sa gusto ni Kath. Napansin din kasi naming bumalik nanaman siya sa dati simula ng iwasan siya ni Dj. Kaya nga ayaw sana naming pumayag dahil siguradong masasaktan lang siya, pero wala e. Daig pa yung bata sa katigasan ng ulo.
***
Nakarating naman kami ng maayos sa party. Maraming bisita, halos mga mayayaman yung tao dito. Nandito din yung tatlong babaeng may bangs. Jusko! Speaking of palapit na sila samin. Tong barbie nato namumuru na sakin e.
"Oh. Look who's here." Sabay irap ni Barbie kay Kath. "Ang isang babaeng kawawa. Ano ka ngayon Kath? Asan na si Dj mo? Hahaha."
"Tumigil ka nga! Kung wala kayong magawa pakamatay na kayo." Inis kong sabi. At itong tatlo tumawa pa.
"Ang lalaking pinaka mamahal mo ikakasal sa iba, masakit ba ha?" Barbie.
"Pwedi ba Barbie?!" Albie.
"Tumahimik ka hindi kita kausap Albie." Barbie.
"Ikaw ang tumahik! Ikaw nga tong hindi kinakausap pero pa epal ka. Ganyan ka na ba kadesperadang mag papansin ha? At ikaw ang kawawa. Dahil kahit anung gawin mo walang mag mamahal sayo! Si Dj minahal niya si Kath. Pero ikaw? Hahaha. Ginawa mu nga lahat pero hindi ka napansin ni Dj diba? Kaya ikaw ang kawawa! Tara na nga. Na stress ako sa mga demonyo dito." Zharm.
Shit. Speechless kami dun. Haha. Bagay lang kay Barbie yon. Masyadong papa pel e.
Kanina pa kami pa ikot ikot pero hindi pa namin nakikita si Dj, asan na kaya yun? Engrande tong party nila mukhang tuloy na tuloy nato. Wala ng atrasan. Naaawa ako kay Kath, nakita nga niya si Dj pero hindi naman siya nito maalala. Ang masaklap pa, ikakasal na siya sa iba. Kung pwedi ko lang pigilan to gagawin ko e, pero syempre ayokong umepal. Si Kath nga hindi pinigilan tapos ako pipigilan ko? Ano to, ako yung nasaktan ako yung naiwan? Ts. Huwag ganun.
"Babe, tingnan mo si Kath. Umiiyak." Bulong sakin ni Diego.
Tama nga siya umiiyak si Kath pero ng makita niya kaming nakatingin sakanya pinunasan niya iyon tsaka siya ngumiti. Hay!
"Okay ka lang?" Tanong ko.
"Oo naman. Na puwing lang ako." Pag sisinungaling niya. Kahit naman sabihin niya na okay siya halatang hindi. Tsaka bff niyako kaya alam ko pag nasasaktan siya.
"Good evening Ladies and Getleman. Tonight we are here to Celebrate the engagement party of Kean Santiago and Kyla Bartolome." Emcee. "Please welcome, Kean and Kyla. Give them around of applause."
BINABASA MO ANG
Save the Last Dance
Fanfic(COMPLETE) Isang babaeng nag ngangalang Kathryn ang nakalimutan ng lalaking si Daniel. May pag-asa pa ba kayang maalala nya ito, o tuluyan ng makalimutan?
