CHAPTER 42

367 4 0
                                    


KEAN POV ;

"Bakit mo ba ginawa yon?"

"Babe, ayoko lang na sabihin niyang Boyfriend ka niya! Sa kinikilos niya parang napaka landi niya e."

"Kahit na Kyla, hindi mo parin siya dapat sinampal!"

"Aissh! So ikaw pa galet ha?"

Hindi ko na siya sinagot dahil bigla nalang sumakit ang ulo ko. Mali yung ginawa niya kanina, napag kamalan lang naman ako si Dj. 

Hindi pa rin mawala wala sa isip ko yung nangyari kanina! Tangina! Bakit ba tinatawag nila akong Daniel? Kamukha ko ba yung hinahanap nila? Kapag iniisip ko sila sumasakit yung ulo ko e!

"Babe you okay?" Tanong sakin ni Kyla na Fiancee ko.

"Yep! Medyo masakit lang ang ulo ko."

Kakauwi lang namin ng pinas last 2 months, sa America kami nanirahan ni Kyla kasama si Mom. Si mommy pabalik balik siya dito sa pinas dahil kailangan niyang asikasuhin yung mga business namin.

Si Kyla yung nag alaga sakin nung naaksidente ako one year ago,

Flashback,

Pag mulat ko ng mata ko puro puti ang nakikita ko, bumungad sakin ang dalawang babae at isang lalake.

"Ohmygad babe gising kana."

"S-sino ka?"

"Uhmmm. Ako si Kyla, Fiancee mo."

"Fiancee? Hindi ko matandaan."

"Fiancee mu siya anak. Limang buwan kanang comatose, siya yung nag alaga sayo habang wala kapang malay." Paliwanag nung matandang babae tinawag niya kong anak ibig sabihin siya ang nanay ko.

**

Dalawang linggo lang naka labas nako ng hospital, napag pasyahan namin ni mama at kyla na pumunta muna ng america at dun manirahan. Mas mapapabilis daw kung duon ako mag papagaling dahil nga may amnesia ako.

Ng makarating kaming america tumira ako sa isang bahay kasama si Kyla. Umuwi si mom ng pinas dahil may kailangan pa siyang gawin.

Gabi gabi akong nananaginip ng isang babeng nakaupo sa isang garden at umiiyak. Hindi ko siya mamukhaan, kapag lalapitan ko siya bigla bigla akong nagigising.

"Hey, you okay?" Kyla.

"Nanaginip nanaman ako kagabi, isang babaeng naka upo sa garden at umiiyak."

"Talaga? Kean baka maaalala mo na! Ako yung babae nayon, bago ka maaksidente nag away tayo tapos pinuntahan moko sa garde dahil gusto mong humingi ng tawad sakin kaso sa mga oras nayon hindi pa kita kayang patawarin." Sumasakit ang ulo ko. Kahit na anung gawin ko hindi ko parin maintindihan ang paliwanag niya.

"Sorry babe. Kung hindi dahil sakin hindi ka sana naaksidente." Kyla. Naaawa nako sakanya dahil palagi niya nalang sinisi yung sarili niya..

"Shh. Wala kang kasalanan." Niyakap ko siya para naman malaman niya hindi ko siya sinisisi sa nangyare.

Mula nuon unti unti ng napapalapit yung loob ko kay Kyla, hanggang sa magustuhan ko na siya. Kahit na nasisigawan at nasusungitan ko siya hindi niya ko iniwan. Ang gusto daw niya ay tulungan akong maalala ko ang lahat. Kaya naman nag pasya na si mom na mag pakasal nakami.

End of Flashback...

Kaya kami bumalik sa pinas dahil dito namin gaganapin ang engagement party namin.

Save the Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon