DANIEL POV...
"Gusto din kita, Dj."
Napatingin ako kay kath. Sht! Totoo ba yung narinig ko? Baka naman guni guni kulang yon?
"Anong sinabi mo kath?" Maganda na yung sigurado.
"Uhm.. a-ano.. Ayy basta! Hindi kuna uulitin yon." Kath.
Seryoso? Ibig sabihin may sinabi nga siya kasi hindi na daw niya uulitin yon. Aish. Dj gumawa ka ng paraan para mapaulit mo sakanya yon ..
"Ts. Kala ku pa naman gusto mu din ako." Tumayo ako para mag walk out. Syempre aarte muna ako.
"T-teka nga dj. Ang arte mu naman e!" Tumayo siya para harapin ako. Tiningnan ko lang siya hinihintay ko siyang mag salita pero wala, kaya naman lalagpasan kona sana siya ng hawakan niya yung braso ko.
"Ano.. Oo na dj. Ang sabi ko gusto din kita."
"Ano yun? Hindi ko marinig.
"ANG SABI KO GUSTO DIN KITA DANIEL JOHN PADILLA. KAHIT NA UBOD KA NG KASUNGITAN AT KAYABANGAN GUSTO PARIN KITAAAAA!" Sinigaw niya. Kaya naman sa sobrang saya ko yinakap ko siya at umikot ikot kami habang buhat ko siya.
"Hahaha. Ibaba moko baka matumba tayo." Binaba ko naman siya agad. Hindi parin maalis yung ngiti sa mga labi ko.
Hinawakan ko yung magka bila niyang pisngi, "Alam mo, ang saya ko. Ang saya ko dahil gusto mu din ako."
Napangiti nadin siya sa sinabi ko. "So pano tayo na?" Pagpapatuloy ko. Alam kong mabilis pero hindi nako makapag hintay na maging girlfriend siya.
"Agad-agad?" Natatawa niyang sabi.
"Why not? Gusto moko, gusto kita." Ilang segundo siyang ntahimik. Tapos bigla niyang hinawakan yung mag kabila kong pisngi at ngumiti siya .
"Oo dj, tayo na." Hinila ko siya papalapit sakin. Yes! Sa wakas akin na siya.
"I love you, Kath."
"I love you too, Dj."
Kumalas ako sa pagkayakap sakanya at unti unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha niya. Pumikit naman siya kaya natawa ako pumikit nadin ako ayan na..
"Stop!" Napalingon kami sa nag salita, what the heck?!! Mga gago! Bakit ngayon pa sila storbo yun na yun e!
"Kala mo dj makaka isa ka?" Albie.
"Kanina pa kami nag hihintay sainyo." Julia.
Nakangisi pa yung mga loko. Hay! Badtrip talaga napatingin naman ako kay kath ang lapad ng ngiti. Bwiset kasi e.
"So kayo na? Wahahaha kath baka mag sisi ka?" Sinaan ko lang ng tingin si diego. Kung hindi lang niya birthday baka masapk kona siya. "Masaya ka na niyan? Hindi pwede pare! Araw ko to kaya dapat ako lang ang masaya."
Psh. Kahit kelan talaga panira ng moment tong si diego. Mag hahalikan nakami e dumating pa sila. Hindi nalang nila kami hinintay sa loob. Pumasok nakami sa loob.
Shit. Sobrang saya ko hindi ako makapaniwala na akin na siya. Yung babaeng kinaiinisan ko date dahil sa pang babatuk niya sakin ngayon ay girlfriend ko. Hindi ko akalain na magugustuhan ko siya. Nung una kc ang balak ko lang ay pahirapan siya pero sa halos magkakilala kami nahuhulog ang loob ko sakanya.
Fvck. Kung pwedi lang sumigaw kanina kopa ginawa kaso nakakahiya dahil baka mag mukha akong bakla. Basta ang importante ngayon ay sakin na ang babaeng gusto ko at hindi na siya maaagaw pa ng iba.
Kath is mine. Only mine!
****
"Young master gising napo."
"Arggh. 10 mins mr yoon." Masyado pang maaga para bumangon ako.
"Pero young master malalate na po kayo sa lakd niyo."
Hayy. Ang kulit talaga ni mr yoon. Ang aga aga pa e. Nananaginip pako, pagdatin ko daw sa skul galit na galit sakin si kath dahil late ako. Ang ingay ng bunganga niya, kahit na nag sosorry nako ayaw parin niyang tumigil. Grabe talaga ang babae nato. Minsan kahit na nakakairita siya dahil sa bunganga niya natutuwa parin ako sakanya. May time kasi na sobrang nakakatawa siya pag naiinis.
"YOUNG MASTER!"
"FVCK! ANUNG NANGYARE HA?!" Shit. Nabato kupa tuloy yung unan kay mr yoon. Hay! Bigla bigla nalang kasing nanggugulat e. Bwiset! Tumatawa pa! Sipain ko kaya to? Pasalamat siya dahil matanda na siya kung hndi baka nabugbug kuna siya.
Hay! Nananaginip pako e, nakikita ko yung mukha ni kath na namumula na sa galit dahil sakin. Teka nga! Speaking of kath, shit! Late nako! Dali dali akong pumasok sa cr para maligo. Naku naman baka magka totoo pa yung panaginip ko. Fvck wag naman sana!
Pagkatapos na pagkatapos ko nag bihis agad ako ng bad boy look. Tangina! Bakit ko ba nakalimutan? Napatingin ako sa orasan at talagang fvck! 11:30am? Im dead. Im so dead!
Bakit ba kasi nasobrahan ako sa inom kagabi e! Ang sakit tuloy ng ulo ko. Lintek na diego hindi kami tinantanan hanggat hindi kami nagkakatama. Pero buti nalang nakauwi pako ng buhay at naihatid kupa si kath sa bahay nila.
Bakit kasi may lakad pa kami ngayon? Wala man lang kaming pahinga. Sabado kahapon nasa party kami, tapos ngayon sa mall? Bwiset! Anu ba kasing nakain ko at sinabihan ko sila na manlilibre ako ngayon? Gago! Kalasingan mo! Psh. Bahala na nga, kasama ko naman si kath dun e. Wahahaha.
MALL..
"Alam moba anung oras na dj?! Ang usapang 10:30 tapos ngayon dadating ka alas dose? Jusko." Psh. Bwiset na bea daig pa si kath kung manermon e.
"Kasalanan ko? Traffic nga kase!"
"Ang sabihin mo napasarap yang tulog mo!" Diego.
"Oo gago! At kasalanan muyon!" Kung hindi niya kami pinainum ng pinainum kagabi hindi kami malalasing.
Tiningnan ko yung mukha ni kath nakatingin lang siya sakin at nakangiti. Totoo ba to? Hindi siya galit? Wahahaha nagwapuhan siguro sakin. Lakas talaga ng kamandag ko.
"E bakit kami? Lasing din naman ah pero nakapunta kami sa tamang oras!" Albie.
"Tamad kalang pre!" Jake.
"Alam niyo? Dyan nalang kayo! Lintek wag na kayung sumama kami nalang ni kath ang mag ddate! Halika na kath." Hinila kona siya palayo sa barkda. Naiinis nako! Ang dami nilang sinasabi e ako naman ang manlilibre.
"Hoy! Biro lang."
"Haha. Pikon ka pre."
Ang gulo! Sumasakit ang ulo ko sa mga pasaway nato. Nagtatalo sila kung anung gagawin o san kami pupunta. Mga letche! Kundi kolang sila mahal kami nalang ni kath ang umalis.
Hanggang ngayon palakad lakad pa kami. Yung mga babae gustong manuod ng romantic movie yung mga lalake gustong manuod ng action movie. San kami pupunta? Psh. Hindi talaga mag kasundo ang mga babae at isang lalake sa desisyon. Kumabago sa hayop parang aso't pusa.
Bigla nalang akong hinila ni kath at tumakbo kami sa,
"Skating rink."
BINABASA MO ANG
Save the Last Dance
Fanfiction(COMPLETE) Isang babaeng nag ngangalang Kathryn ang nakalimutan ng lalaking si Daniel. May pag-asa pa ba kayang maalala nya ito, o tuluyan ng makalimutan?