CHAPTER 40

362 4 0
                                        

DIEGO POV ;

Mahigit isang taon na ng mawala si Daniel. Hanggang ngayon sariwa parin ang sakit. Andito kaming barkada ngayon sa puntod niya pwera lang kay Kath.

Paniguradong sobrang nahihirapan si Kath ngayon, dahil sinisisi niya parin yung sarili niya sa pagka matay ni Dj. Wala naman may gusto ng nangyari, walang may kasalanan nito. Ewan ko kasi sa ugok nato bakit agad niya kaming iniwan! Tangna pre, ayaw muna siguro kaming nakikita no? O baka naman ayaw muna kaming ilibre? Haha. Sana Dj sinabi mo nalang hindi yung iiwan mo kami.

"We miss you Dj." Niyakap ko si Julia dahil umiiyak siya.

"Tangna tol! Namimiss kana namin, isang taon ng walang nanlilibre e." Gago talaga si albie parehas kami ng iniisip. Kita ko sa mata niya na gusto na niyang umiyak.

"Dj, sana kung nasaan ka man ngayon happy ka. Wag kang mag-alala gagawin namin ang lahat maibalik lang sa dati si Kath." Niyakap naman ni Jake si Bea. Nga pala, silang dalawa na. Masaya ako para sakanila.

"Ang daya daya mo kasi! Diba walang iwanan sa barkada? Bakit ka nang iwan? Ts. Ikaw pa naman ang leader Dj!" Parang bata si zharm pero umiiyak siya ngayon.

Sobra ang pangungulila namin kay Dj. Hindi kami sanay na wala siya. Nag paalam narin naman kami kay Daniel dahil may mga pasok pa kami.

Paalis na sana kami kaso nakita namin si Kath. Ang laki ng ipinayat niya, yung mga mata niya mugto, ang lalaki ng eyebags.

"Hello." Sa boses niya parang iiyak na siya..

Dali dali namin siyang niyakap, namiss namin siya ng sobra. Tangna! Nakakabakla.

"P-pasensya nakayo. Naging m-mahina ako. *sniff* sorry g-guys sorry. *sniff*"

"Shh. Ayos lang Kath ang mahalaga okay kana." Julia.

"Oo nga. Namiss ka namin." Bea.

"Sorry din Bea ha? Pati ikaw dinamay ko."

"Okay lang para namang hindi tayo mag kaibigan e." Bea.

"T-teka! Tama nayan! Hindi nako makahinga." Natawa naman sila sa sinabi ko. Namiss ko tong tawanan namin, isa nalang talaga ang kulang.

Sinamahan ma muna namin si Kath dito, napag desisyunan namin na huwag na muna kaming pumasok.

"Oh tol, eto na si Kath. Huwag kang mag'alala walang makakalapit na lalake sakanya." Jake.

"Dadaan muna sila samin bago nila mahawakan ang Prinsesa mo." Albie.

Naiiyak nanaman si Kath.

"Tama na nga yan! Pinapaiyak niyo na si Kathryn e." Suway ko sakanila.


***

KATHRYN POV ;

Andito kami ngayon sa mall, medyo gumaan na yung pakiramdam ko dahil sa barkada. Iba pala talaga kapag kasama ko sila.

"Tara sa Mcdo gutom nako e." Julia.

Pumunta naman kami agad sa Mcdo. This time libre ni Diego, hindi ko mapigilang maalala si Dj. Baka kanina pa nag babangayan kung saan kami pupunta at kakain.

Umorder naman sila agad, andaming inorder ni Julia at Diego. Hindi ko alam kung kaya naming ubusin ito. At dahil sa gutom ako kumain ako ng kumain. Hahaha libre naman kaya okay lang. Kailangan kong bumawi ngayon dahil sabi nga nila ang laki ng ipinayat ko.

"Shkating shtayo kataposh ah." Zharm.

"Hindi mu ba talaga alam ang saying na, Don't talk when your mouth is full huh?" Albie. Hanggang ngayon hindi parin talaga sila nag babago.

"Eh ikaw! Hindi mu ba alam yung salitang, huwag kang sumabat pag dika kausap?" Zharm. Natawa nalang kami sakanila.

Pagkatapos na pagkatapos naming kumain deretcho kami sa skating rink. Nag bayad naman agad si Albie, haha siya daw ang manlilibre ngayon e.

Nag skate na sila ako naman naka upo parin, namimiss ko talaga si Dj. Siya yung kasama ko ng huli akong mag skate.

Pinapanood kolang ang barkada, ang saya nila. Si Julia masaya habang magka hawak kamay silang nag skate ni Diego. Ganun din si Bea at Jake, sila rin pala yung magkaka tuluyan e. Si Albie naman laging tinutulak si Zharm kaya etong si Zharm parang bulcan na sasabog na sa galit.

"Hey! C'mon baby."

Napatingin ako sa nag salita, parang nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw! Hindi ako makapag salita. Nakatingin lang ako sakanya habang palayo siya. Hindi! Namamalik mata lang ako. Kinusot ko yung mata ko pero totoo, totoo yung nakikita ko. Siya nga yon!

Dali dali akong nag skate papunta sakanya.

"DJ!" Hindi siya lumilingon.

"DANIEL!" Bakit ba hindi siya lumilingon?

Binilisan ko yung pag skate ko kaya naman naabutan ko siya. Hinawakan ko agad yung braso niya, pag tingin niya sakin napa upo ako. Nanlambot ako siya nga yung nasa harapan ko.

"Excuse me? Do i know you miss?"

Teka, hindi niya ba ko kilala? Walang salita salita niyakap ko agad siya. Namiss ko yung lalaking to, ngayong nasakin na siya hindi ko na hahayaang mawala pa.

"Teka! Ako to si Kathryn, hindi mo bako kilala?" Pilit niya kasing tinatanggal yung pagka yakap ko sakanya.

"Sorry miss, but I don't know you."

"Pero Dj ako nga ito! Bakit ba hindi mo ako kilala ha?!" Tumayo nako, hindi parin tumitigil sa pag patak yung mga luha ko.

"Hindi ako si Dj miss. Kean ang pangalan ko, pasensya na pero hindi ako yung taong hinahanap mo."

Nag skate na siya palayo kaya naman hinabol ko siya.

"Please Dj, alalahanin moko."

"No! Pwedi ba umalis kana? Ang kulit mo e!" Sigaw niya, may amnesia ba siya ha? Kaya ba hindi niyako maalala.

"Daniel, Ako s Kathryn Chandria Bernardo! Ako yung Girl--".

"Stop!"

Napatingin ako sa nag salita, nanlaki yung mata ko ng makita ko siya.

"B-bianca?!"

"Excuse me? Sinong Bianca miss? Kyla ang pangalan ko! Teka, sino ka ba?"

"Ikaw si Bianca! Anung Kyla?! Bakit mo kasama si Dj ha? Anung ginawa mo sakanya?!"

"Nababaliw ka na ba miss? Hindi siya yung Dj na hinahanap mo. Siya si Kean!" Bakit ba nag sisinungaling si Bianca? Siya yung kaibigan ko nung high skul, yung may crush kay Dj since kinder pa lang sila.

"Hindi ako nababaliw! Bianca siya si Dj! Siya yung Boy--."

*PAK!* "Huwag na huwag mong sasabihing Boyfriend mo ang Fiancee ko! Umalis ka na nga!"

Sinampal niyako pagkatapos tinulak niyako dahilan upang mapaupo ako. Ang kapal ng mukha niya, bakit niya ba inaangkin si Dj?!

Sasampalin ko na sana siya kaso pinigilan ni Daniel ang kamay ko nanghina ako sa ginawa niya pero mas nanghina ako sa sinabi niya,








"Tumahimik ka! Subukan mu lang saktan ang Fiancee ko, sisiguraduhin kong iiyak ka sa gagawin ko!"

Save the Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon