CHAPTER 41

331 10 0
                                    

BEA POV ;

"Grabe Kath, kanina kapa namin hinahanap e." Bigla nalang kasi siyang nawala sa pwesto niya kanina..

"Oh bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanung ni zharm sakanya.

Napatingin naman kami sakanya at umiiyak nga siya,

"S-si *sniff* Dj. N-nakita ko s-sya."

Ano? Si Dj? Jusko isang taon ng patay si Dj!

"Ano ka ba Kath? Akala ko ba okay na?"

"Oo nga Bea. M-maniwala kayo! Nakausap ko siya." Kath.

Imposible yung sinasabi niya! Panu niya makakausap si Dj kung patay nato?

"Pano mo siya makakausap e patay na siya?!" Julia.

"Hindi siya patay Julia! Nakita ko nga sabi siya. Hindi niya ko makilala! Kahit na sabihin kong ako si Kathryn hindi niya ko kilala! Alam niyo kung sinong kasama niya? Si Bianca! Yung may crush sakanya nung kinder sila. Maniwala kayo please." Humahagulgol na siya, hindi namin kayang patahanin si Kath.

Pinag titinginan narin kami ng mga tao. Kung talagang buhay pa si Dj at hindi siya yung bangkay na nakita namin, sino yun?

"Tahan na Kath. Sinong Bianca yung retokada?" Diego.

"Oo siya nga. Tapos ang sabi niya sakin kanina siya daw si Kyla tapos si Dj naman si Kean. Hindi ako pweding mag kamali si Dj yung nakita ko." Kath.

"Osige, hahanapin natin siya okay? Halika na." Jake.

Nag libot kami sa ice rink pero wala kaming Dj na nakikita. Naaawa nako kay Kath dahil sobra na yung pangungulila niya.

Sa totoo lang isa lang yung sinisisi ko sa nangyare si, Barbie. Kundi dahil sa kalandian niya edi sana maayos pa sila Kath at Dj ngayon.

Hindi namin nakita si Daniel sa skating rink kaya naman napag desisyunan naming ikutin ang mall. Napakalaki nito kaya imposibleng mahanap namin agad si Dj. Kahit na mag hiwa hiwalay pa kami hindi parin namin siya mahahanap. Pero susubukan namin alang alang kay Kath.

***

KATHRYN POV ;

Kanina pa kami paikot ikot pero hanggang ngayon hindi parin namin makita si Daniel, saan ba siya nag punta? Nag papasalamat ako sa panginoon dahil buhay siya. Kung may amnesia man siya gagawin ko ang lahat para lang maalala niyako. Kailangan niya kong maalala!

Kasama kong nag hahanap si Julia at Diego, nag hiwa walay kami para mapadali ang pag hahanap namin.

"Sana nga buhay si Dj." Diego.

"Dalian natin baka sakaling makita pa natin siya." Julia.

Pumasok kami sa mga department store, pati cr pumunta si Diego, sa arcade wala din siya. Ngayon naman sa mga resto kami

Habang nag lalakad kami nahagip ng mata ko yung lalaking hinahanap namin, tumitingin siya ng sapatos sa Nike.

"Ohmygad! Juls, Diegs ayun si Dj!"

Agad naman kaming tumakbo papunta kay Dj.

"Siya nga, tatawagan ko muna sila Jake." Julia.

Agad na lumapit si Diego para yakapin si Dj. Naiyak nanaman ako. Alam kong sobrang pangungulila din ng barkada sakanya.

"Tol buhay ka nga." Diego.

"Sandali. Sino ka ba?" Dj.

Wala hindi nga niya kami maalala. May amnesia nga siguro siya, pero ang importante buhay siya. Buhay ang lalaking mahal ko.

"Dj ako to si Diego."

"Diego? Sorry bro pero hindi kita kilala."

"Dj ako si Julia natatandaan mu ba ko?"

"Pasensya na hindi ko kayo kilala. Ahh, kukunin ko to. Paki balot nalang." Dj.

Aalis na sana siya kaso dumating sila Jake.

"Ohmygad Daniel!" Agad ding tumakbo si Bea at Zharm pagkatapos niyakap nila si Dj.

Halata ang pagkagulat sa mata niya.

"Ano ba?! Kanina pa may yakap ng yakap saken! Una ikaw na babae ka, pangalawa ikaw na anong pangalan mo? D-diego? Oo tama! Tapos ngayon kayong dalawa? Alam kong gwapo ako! Pero sana naman huwag niyo masyadong ipahalata! Ikaw diego bakla kaba?" Dj. Natatawa akong naiiyak. Nawala man ang alala niya, hindi parin nawawala yung kayabangan niya.

"POK!"

"Gago tol! Si Diego bakla? Patawa ka!" Binatukan naman siya ni Jake.

"Aba! Sino ka para batukan ako?! Gusto mo bugbugin kita diyan? Tigilan niyoko! Nakakaistorbo nakayo! Tandaan niyo ang sasabihin ko. Hindi. Ko. Kayo. Kilala! Atsaka hindi ako si Daniel! Ako. Si. KEAN. SANTIAGO!"

"Pero Daniel --." Hindi na niya pinatapus si Albie sumigaw na siya dahilan para tumahimik kaming lahat.

"Tama na!" Dj.

Naiwan kami lahat ng tulala. Wala ni isa samin ang nag sasalita! Anong kailangan kong gawin?

"Guys! Pumunta tayo sa bahay ni Dj. Ano?" Albie.

"Tama! Hindi tayo titigil hanggat hindi tayo naaalala ng ugok nayun." Diego.

***

Umuwi muna kami, balak naming puntahan si Dj sakanila sa isang linggo. Kailangan naming pag handaan ito! Kung akala ni Bianca mailalayo niya samin si Dj ng ganun ganun nalang hindi ako papayag. Kung gusto niya ng laban sasabayan ko siya.

Ng makarating ako sa bahay nakita ko sila mama na nanunuod sa sala kasama si papa at kuya..

"Oh bakit ngayon ka lang?" Mama.

"Ma, Pa, Kuya? Buhay po si Dj." Naka ngiti kong sabi sakanila.

"ANO?!"

Sumimangot naman ako sakanila.

"Opo. Hindi rin ako maka paniwala nung una, pero ng makausap na namin siya kanina sa mall sigurado akong siya yun."

"Eh asan na siya ngayon anak?" Mama.

"Pupunta ba siya dito?" Papa.

"Kamusta naman siya Kath?" Kuya.

"Ang problema po may amnesia siya, lahat kaming barkada hindi niya kilala. Kaya naman gagawa kami ng paraan para lang maalala niya kami. Ang saya saya ko ma dahil buhay siya." Naiiyak kong sabi.

"Masaya kami anak, kaya mo yan. Sigurado akong maaalala karin niya." Mama.

"Andito lang kami Kath." Papa.

"Huwag kang mag alala bubugbugin ko si Dj pag hindi ka niya naalala." Kuya.

Umakyat na muna ako sa kwarto ko, gusto ko mu nang mag pahinga. Jusko. Maraming salamat po dahil buhay si Dj, maraming salamat po talaga.

Pangako gagawin kopo ang lahat, kahit ano gagawin ko maibalik ko lang yung Dj na mahal ko, yung Dj na mahal ako, yung Dj na mapang asar, yung Dj na gagawin ang lahat mapasaya lang ako.

-----------

Hello Readers! Paramdam naman kayo. Hahaha. Sorry for the long long update!

Kung may gusto kayong ipabasa sakin icomment niyo lang po. :*

Thankyou! Godbless! 😘😘

Save the Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon