CHAPTER 19

471 14 0
                                        


KATHRYN POV...

BORACAY.

Ohmygad! Wow talaga as in wow. Ang ganda pala talaga dito. Shet to max first time ang sarap ng hangin nakaka relax talaga.

"You happy?"

"Ayy butiki." Panu ba naman kasi tong si daniel parang kabuti. Sa kaka langhap ko ng hangin dito hindi ko napansin na katabi ko na pala siy.

"Haha. Sorry diko sadya." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa dagat kaya naman napangiti nalang ako.

"Halika na. Dalhin na muna natin yung
gamit sa hotel." Aya ko sakanya. Nag nod naman siya kaya nag lakad nakami papuntang hotel.

Mamaya kona ibibigay yung regalo ko sakanya gusto ko e bkit ba? Haha. Sana magustuhan yun ni daniel. Ito nga lang pagdala niya samin sa boracay hindi man na 1/4 yung regalo ko e.

Tsaka nung mga nakalipas na dalawang buwan. Lagi kaming nag cecelebrate halos gastos niya pero wala akong ibinibigay sakanya. Ewan! Bakit parang ngayong month ko siya naisipang bigyan, siguro dahil gusto kona talaga siya.


Masaya ako kapag kasama ko si daniel kahit na sobrang kulit niya minsan. Kahit na ang hilig niya akong asarin. Nalulungkot ako pag wala siya. Ewan! Basta gusto ko siya letche tapos!

"Oh dun kayong apat sa kabilang room. Dun naman kaming boys sa kabila." Sabay abot samin ni dj nung susi ng room namin.

"Hindi ba pweding sama sama nalang tayo?" Diego.

*POK* Binatukan kasi siya ni zharm e.

"Aray ah! Alam niyo napapansin ko sainyo na kanina pa kayo batok ng batok sakin! Ididemanda ko kayo sa pananakit niyo. Mga letche!" Hinablot ni diego yung susi kay daniel at agad agad naman siyang pumasok sa kwarto nila.

Hala! Napikon ata. Haha.

"Sige. Pahinga na muna kayo. Katok nalang kami kapag mag lalunch na." Nakangiting sabi ni jake.

Kami namang girls ay pumasok na sa kwarto. Grabe ang ganda. May dalawang kama siya, tapos may kusina, siyempre may cr at may terrace. Gosh! Parang bahay nato e.

"Grabe si dj. Pang VIP talaga itong kwarto." Bea habang nilalanghap yung hangin sa may terrace.

"Oo nga. Dalawa yung kama, ay kath and julia kayo nalang ang mag tabi. Tabi naman kami ni bea." Zharm.

"Okay." Simpleng sagot ko.

Humiga muna kami sa kama dahil nakakapagod ding mag biyahe no. Tinatanung niyo ba kung paano ako nakasama kahit na may trabaho ako?

Sinabi lang naman sakin ni dj na kinausap niya boss ko. Dinahilan daw niya na sasamahan ko siya para ipagamot ang yaya niya. Tengene. Anung klaseng excuse yon? Tapos eto namang damulag kong sir.

Ang dali talagang maniwala ng mga tao ngayon. Kaya nga maraming naloloko e.

"Kath?" Julia.

"Bakit?"

"Ahm. Satin atin lang naman. Do you like dj na?" Julia.

Sasabihin kuba sakanila? O ililihim ko nalang? Pero mga kaibigan ko sila wala namang masama kung sasabihin ko diba?

"Oo nga kath. Kanina kasi ang sweet niyo e. Tapos napapansin kong laging naka ngiti si dj everytime na kasama ka niya." Bea.

"Kinikilig nga ako. Tapos ang cute pa nung stolen picture niyo. Ts. Sana ako man may ganyang boyfriend." Zharm.


Save the Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon