CHAPTER 29

406 5 0
                                        


DANIEL POV...

Akala siguro niya nag bibiro ako! Kapag tumatawa siya ang ganda ganda niya, na tetempt tuloy akong halikan siya. Lokong babae nato pinag tatawanan ako! Binalaan kona siya pero hindi nakinig kaya ayan.

Hinalikan ko siya, nakamulat kaming pareho kaya kita mo sa mukha niya yung pagka gulat. Hahaha kala mo hindi ko gagawin. Mukhang natauhan na siya kaya naman bumitaw siya agad. Namumula yung pisngi niya! Hahaha ang cute.

"A-no, ano bang ginawa mo ha?"

"Psh. Kunwari kapa. Nagustuhan mo naman." Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko. Ang cute talaga ni kath.

"Sira! Umuwi ka na nga!" Seryoso? Ang tagal ko kayang nag hintay dito. Psh. Hindi man lang ako papasukin sa loob ng bahay nila.

Hindi ko siya sinagot sumimangot lang ako sa harap niya. Sige dj magpa awa kapa! Nyemas, sa gwapo kong to nag mumukha akong tanga.

"Uyy. Ano? Uwi na." Waepeks. Edi umuwi. Psh. Isat kalahating oras akong nag hintay dito tapos papauwiin niya lang ako.

Hindi ko na siya pinansin, naglakad nako papuntang kotse. Bago pa man ako makasakay pinigilan niyako. Tiningnan ko lang siya sa mata, hanggang siya yung unang umiwas ng tingin. Psh. Ano? Ang mean mo kasi sakin e.

"Uhm. A-ano... g-gusto mo bang pu-pumasok muna?" Hahaha. Ang kyut. Na guilty siguro siya.

"Hindi. Wag na uwi nako." Sige mag pakipot kapa dj.

"Arte! Edi umuwi ka!"

"Sabi ko nga papasok na e." Bwiset. Hindi man lang ako pilitin.

Pumasok na kami sa bahay nila. Hindi naman maliit at hindi malaki sakto lang. May second floor siya. Walang tao dito,

"Asan pamilya mo?"

"Si papa nasa laundry shop, si mama naman nasa trabaho. Ewan kung nasan yung magaling kong kuya."

Kaya pala tahimik. Madaming picture frame sa sala nila, ang sasaya nilang tingnan. Psh. Kung kami meron mang family picture yun ay kalokohan lang. Kaya lang kami mag papapicture kundi dahil sa business.

"Oh. Upo ka muna." Inabutan niyako ng juice. Wala kayang lason to? Hay. Yaan mona atleast mamamatay akong masaya wahahaha.

"Thanks. Bkit nga pala hindi ka pumasok?"

"Hinanap ko kasi si julia. Tapos diko siya makita."

Psh. Ganon katagal siya nag hanap?! Interesting diba?

Hindi nako sumagot. Tahimik lang kami habang kumakain ng cupcakes, ang sara naman neto. Sino kayang may gawa.

"Kath?

"Hmm?" Psh. May laman pa kc yung bibig niya e. Takaw talaga.

"Kelan mo bako sasagutin?"

"*cought cought* Ano kaba dj!" Haha. Epic face.

"Sorry. Pero seryoso, kelan nga?" Hindi na kasi ako makapag hintay na maging boyfriend niya.

"Ahh... ano kasi.." Hindi pa niya masabi sabi. Siguro ayaw niya sakin. Tangna! Hindi ko yata gusto pag binasted ako neto.

"Okay lang." No choice naman e. Alanga namang pilitin ko nanaman siya? Ts.

Save the Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon