KATHRYN POV...
Letche! Malas! Malas! Malas! Kainis! Anung nangyari?! Bakit bigla nalang nawalan ng trabaho si kuya?
"Ano daw ba kasi ang dahilan anak?" Tanong ni mama kay kuya!
"Hindi ko alam ma! Basta tumawag nalang si Sir Macky na tanggal na daw ako sa trabaho!"
Kawawa naman si kuya. Ano kaya ang nangyari? Bakit naman bigla bigla nalang siyang tatanggaln ng trabaho?
Hindi na muna ako papasok sa university. Kailangan kong alamin ang dahilan, dahil hindi kami mapapanatag hanggat wala kaming alam na rason upang tanggalan siya ng trabaho.
Umalis muna ako ng bahay, ako na ang bahala.
Calling Jake...
Jake: Hello?
Me: Uhmm. Hello?
Jake: O ikaw pala kath. May problema ba?
Me: Bc kaba?
Jake: Hindi naman. Bakit?
Me: Pwedi muba akong tulungan?
Jake: Sure.
Me: Sige kita nalang tayo sa PU.
Jake: Okay bye.
Inend kona yung call. Siguradong siya lang ang makakatulong sakin. Ayoko rin kasing humingi ng tulong kay dj dahil nahihiya ako.
Nakarating naman agad ako sa PU nakita ko agad ang sasakyan ni jake kaya naman agad akong sumakay don. Umupo ako sa shotgun seat.
"So, may problema ba?"
"Ano kasi e.. si, si kuya natanggal sa trabaho. Hindi naman namin alam ang dahilan kung bakit. Pwedi muba akong tulungan papunta sa pinag ttrabauhan niya? Gusto ko kasing malaman kung anong nangyare."
"Okay sure."
Nag punta naman kami agad sa kumpanya kung san nag ttrabaho si kuya. Pumunta aga ako dun sa isang babaeng naka upo sa desk.
"Yes mam, how can i help you?"
"Uhm. Diba dito nag ttrabaho si Neil Bernardo?" Tanong ko.
"Ahh. Si kuya neil? Wala na po siya dito tinanggal na siya."
"Bakit daw?"
"Hindi ko po masyadong alam ang tunay na dahilan. Ang alam ko lang po ay pinatanggal siya ni President P."
President P? Sinu naman kaya iyong tao nayon! Hindi ppwedi yon! Dapat mayroong dahilan para tanggaln ng trabaho si kuya.
"President P?" Takang tanong ko.
"Uhm. Let's go kath." Hinila nako ni jake papasok ng kotse.
"T-teka! Hindi kopa alam ang tunay na dahilan. Tsaka, sino ba yung President P nayun at--."
"Siya si President Carla Padilla! Ang nanay ni dj" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sagutin ni jake ang tanong ko.
Nanay ni dj? Ano naman nga kaya ang dahilan! Punyemas! Naaawa ako kay kuya dahil nawalan siya ng trabaho ng hindi naman alam kung bakit!
Ibig sabihin ba nito ang mama ni dj ang may kagagawan? Kailangang kong makausap si dj. Kinuha ko ang phone ko at shetttt! Ang daming miss call lahat galing kay dj. Alam na niya siguro ang nangyare.
BINABASA MO ANG
Save the Last Dance
Fanfic(COMPLETE) Isang babaeng nag ngangalang Kathryn ang nakalimutan ng lalaking si Daniel. May pag-asa pa ba kayang maalala nya ito, o tuluyan ng makalimutan?