CHAPTER 39

338 5 0
                                    

KATHRYN POV ;

"Dj, patawarin moko. Patawarin moko kung naging mahina ako."

Andito ako ngayon sa Memorial Cemetery, nakaupo ako sa harapan ng puntod ni Dj.

         R.I.P

Daniel John Padilla

April, 25 1997.    February, 19 2017

In Loving Memory

"Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala kana. Hindi ko parin kayang tanggapin. Kung hindi lang sana ako naging tanga sana hanggang ngayon nandito kapa, at mag kasama tayo." Hindi ko na talaga mapigilan ang pag hagulgol ko.

"Nakikita mu ba ako Dj? Patawarin moko ha? Patawarin moko kasi pinabayaan ko ang sarili ko. Dj alam mo bang sa isang taon na wala ka para akong nasa hell? Walang nang aasar sakin, walang nag papasaya sakin. Bakit kasi iniwan mo agad ako Dj e? Ang sakit sakit. Ang sabi mo mahal moko, pero bakit ganito?" Humahagulgol nako lalo na kapag naiisip ko yung mga masasayang araw namin.

Ang daya naman kasi ni God. Pwedi naman na tsaka ka nalang niya kunin samin pero bakit ngayon pa? Hindi pako ready. Marami pa kong gustong gawin kasama ko, sayo ko gustong bumuo ng pamilya. Ikaw yung gusto kong makasama habang buhay Dj! Pero paano ko magagawa yon kung wala kana? Kung iniwan mu nako?

"Miss." May nag lahat ng panyo saakin, tiningnan ko muna kung sino ito.

"D-derick?"

"Ako nga. Kunin mu na ito." Kinuha ko naman agad yung panyo.

"S-salamat. *sniff*"

"Alam mo bang never kaming nag kasundo ni Daniel?" Napatingin lang ako sakanya. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung kaano ano siya ni Dj. Basta nung burol at libing nandun siya.

"Never akong nakipag sundo sakanya. Kapatid ko siya sa ama, ako yung unang anak ni daddy kay mommy kaso namatay si mommy sa sakit na breast cancer. Kaya naman inuwi ni daddy sila Dj sa bahay namin, hindi namin alam na may anak pala si daddy sa labas. Galit na galit ako kay Dj kahit na wala naman siyang kasalanan, hindi ko lang kasi matanggap na may kapatid ako sa ibang babae ni daddy. Walang araw na hindi ako sinusuyo ni Dj alam mo ba? Minsan naiisip ko na siguro dapat kona siyang tanggapin pero may part din sakin na pinipigilan ako." Lalo akong naiiyak ngayon ko lang nalaman na mag kapatid pala sila.

"Napaka bait ni Dj, iniisip lang nila na bad boy siya pero sa totoo lang hindi naman siya dating ganyan. Nagka ganyan lang siya dahil sa mommy niya, nangungulila siya sa mommy niya dahil sa buong buhay ni Dj hindi niya naranasan ang pag aaruga ni Mrs. Karla. Natatandaan ko pa yung huling pag uusap namin ni Daniel, yun din ang gabing nawala siya. Pinuntahan niyako sa kwarto nun. Yung itsura niya para siyang adik, mugto ang mata, gusot ang damit at gulo gulo ang buhok. Nakikiusap siya na dalhin ko siya sa
America dahil nahihirapan na daw siya dito. Nung time nayun Kath sobrang naaawa ako kay Dj, hindi ko siya pinag bigyan sa gusto niya dahil alam kong masisira lang sa America yung buhay niya. Pero alam mo, dapat pala pinayagan ko na siya. Kasi kung ginawa ko yun sana buhay pa siya hanggang ngayon."

"D-derick, *sniff* kasalan ko l-ahat ng ito. *sniff* k-kasalanan ko kung bakit nangyari yung mga ito."

"No Kath. This is not your fault, alam nating lahat na walang may gusto nito. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo okay?"

Iyak lang ako ng iyak, hindi ko nga namalayan na nakayakap na pala sakin si Derick. Miss na miss nakita Dj.

Alas sinco narin ng hapon, kailangan ko na munang umuwi.

"Babe, uuwi muna ako ha? Babalik ako pangako." Hinalikan ko na yung puntod ni Dj.

Nag prisinta si Derick na ihahatid daw niya ako samin pumayag naman ako. Nag lakad lang ako papunta dito..

"Gusto mu bang pumasok?"

"Hindi na. I have to go, salamat nalang."

"Okay ingat ka. Salamat din."

Mabait naman si Derick, kaninang kinukwento niya yung sakanila ni Dj bakas sa mukha niya ang pag sisisi. Pumasok nako sa loob dahil naka alis na naman siya.

Pag pasok ko wala na si mama at papa, si kuya lang ang nasa sala..

"Kuya?"

"O san ka galing? Kay Dj ba?"

Tumango nalang ako sakanya. Umupo ako sa tabi niya, tapos niyakap niya ko. Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko.

"K-kuya, sa t-tingin mu ba *sniff* napataw-wad nako ni Dj?"

"Shhh. Wala kang kasalanan bunso, bakit ka niya papatawarin? Alam mo sigurado akong ayaw ka niyang nakikitang ganyan. Magagalit yun sige ka."

"Hindi ko kasi m-mapigilan kuya e. Ang s-sakit sakit *sniff. H-hindi ko matanggap na wala na siya. Hindi ko siya kayang kalimutan."

"Alam mo kailangan mo ng tanggapin. Hindi mo naman siya kakalimutan, kailangan mo lang mag move on. Kahit naman anung mangyare nandyan parin si Dj sa puso mo at hindi siya mawawala diyan."

"Siguro nga tama ka kuya. Kailangan ko ng ayusin ang sarili ko dahil baka nagagalit na sakin si Dj niyan. Naiimagine kuna tuloy yung mukha niya pag nagagalit siya."

Natawa nalang kaming pareho ni kuya. Ng humiwalay nakami sa yakap ginulo naman niya yung buhok ko,

"Basta kapag kailangan mo ng makaka-usap nandito lang ako."

Niyakap ko siya ulit, madalang lang mag seryoso si kuya e.

"Thanks kuya. Teka, wala kang work?"

"Dayy off ko ngayon."

Nakahanap na nga pala siya ng trabaho matagal na, secretary siya ni ate Yen yung girlfriend niya. (A/N: siya po si Yen Montes.)

"Ah kaya pala."

"T-teka nga! Hindi ako makahinga. Tsaka ang baho mo kaya! Maligo ka nga!" Grabe naman itong si kuya okay na sana e. Kaso sinamahan pa ng kabaliwan.

"Tse! Baliw ka talaga! Hindi ko alam pano ka nagustuhan ni Ate Yen!"

"Tinatanung pa ba yan? Ang gwapo ko kaya!"

Napa iling nalang ako kay kuya. Umakyat nako sa kwarto ko kailangan kong mag pahinga.







"Dj, kailangan ko ng ayusin ang sarili ko. Huwag kang mag'alala kahit anong mangyare andito kalang sa puso at isip ko. Mahal na mahal kita."

Save the Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon