KATHRYN POV ;
"Ano ba?! Tumigil ka nga! Nahihibang kana!" Sabay tulak sakin ni Dj.
Ang sakit. Ang sakit sakit.
"P-pasensya na. H-hindi ko sinasadya." Naiiyak kong sabi.
Pinunasan ko yung luha ko tapos sinubukan kong tumayo pero natumba ulit ako.
"Aish! Inom inom kasi hindi naman kaya." Dj.
Tinulungan niyako hanggang sa makarating kami sa kwarto. Mahimbing na natutulog yung barkada, mga nalasing din siguro. Napatingin ako kay Dj na ang sama ng tingin sakin, para bang anytime e bubuga siya ng apoy.
"Pasensya na talaga."
"Psh. Huwag mu nang gagawin ulit iyon." Dj. Tapos nag walk out na siya.
San yung matutulog? Hay! Kainis bakit ko ba kasi yung ginawa? Nagalit tuloy siya. Aaaaahhh!
**
Kinabukasan hindi na namin nadatnan dito si Dj sabi nung Mr. Yoon maaga daw siyang umalis.
"Halika na. Mukhang mamaya pa uuwi si Dj e." Aya ni Jake.
"Tama, tsaka nalang tayo mag-pasalamat." Zharm.
Umalis narin naman kami, nag paalam na kami kay Mr. Yoon. Sobrang sakit nitong depungal kong ulo! Nasobrahan yata ako ng inom kagabi.
"San ka ba natulog anak?" Mama.
"Nag overnight po kami ng barkada ma."
"Sana man lang tumawag ka. Nag alala kami sayo e." Papa.
"Pasensya na po."
Umakyat na ko agad sa kwarto. Jusko! Ang baho ko kailangan ko ng mabuhusan ng tubig. Wahahaha.
"Hoy!"
"Ay puta! Kuya naman e! Bat ka ba nanggugulat ha?!"
"Ts. San ka galing? Bat di ka umuwi? Anong ginawa mo? Sino kasama mo?"
"Teka nga. Andami mong tanong. Nag overnight kami, kasama ko yung barkada kuya."
"Siguraduhin mo lang ha? Dahil kapag ako nalaman kong may milagro kang ginagawa tingnan mo lang."
"Aish oo na. Labas na kuya maliligo ako."
"Dapat nga siguro. Napaka baho muna!"
Babatukan ko sana siya kasu nakalabas na ng kwarto ko. Epal talaga tong si kuya. Makaligo na nga.
DANIEL POV ;
"Yeah. Im okay. Kayo diyan?"
[Ayos lang din. Babe, my good news ako. Uwi na kami ni mama next week. May surprise kami sayo.]
"Really? Ayos yun. Ingat kayo diyan."
[Okay. You too! See you.]
Inend ko na yung call. Uuwi na daw sila next week, anu naman kayang pakulo nila ni mom?
Maaga akong umalis sa bahay, dahil ayoko munang maka usap si Kath. Hindi ko siya kayang harapin dahil sa nangyari kagabi. Bakit ba parang may kakaiba sa babae na yon? Parang ang tagal ko na siyang kakilala. Hindi ko alam! Naguguluhan ako.
Pero alam niyo mag mula ng makilala ko si Kath hindi ko na napapanaginapan yung babaeng umiiyak sa garden. Hindi ko alam kung nagka taon lang o ano.
Andito ako ngayon sa may park malapit sa bahay namin. Gusto ko munang mapag isa. Gusto ko munang mag isip isip.
Si Kath yung babaeng masiyahin. Parang wala siyang problema kapag naka ngiti siya, pero sa loob niya may sakit pala siyang dinadala. Hanggang ngayon hindi niya maka limutan si Dj. Ang swerte siguro ni Dj kay Kath no?
"Dude."
Nilingon ko yung nag salita, si Derick lang pala. Akala ko naman kung sino. Kuya ko siya, alam ko yun dahil sinabi sakin ni mom. Binibisita din niyako sa America kapag may oras siya.
Tinanguan ko lang siya kaya naman umupo siya sa tabi ko.
"Musta na?" Panimula niya.
"Ayos lang."
Natahimik kami sandali pero agad niya rin itong binasag.
"Wala ka pa bang naaalala?"
"Wala."
Wala pa rin naman kasi talaga akong maalala.
"Si Kath." Napatingin ako sakanya. Kilala niya ba si Kath? "Hindi mo siya naaalala?"
"Sino ba kasi Kath? Bakit mo siya kilala? At tsaka bakit niya ko tinatawag na Dj?" Inis kong tanong. Naguguluhan talaga ako.
"Hindi mo nga siya kilala." Dahil sa inis ko kinwelyuhan ko siya.
"Sabihin mo! Sino ba talaga ako ha?!"
"Kahit na anong sabihin ko hindi mo rin maiintindihan. Kahit na anong paliwanag ko hindi mo rin maiintindihan. Dahil wala kang maalala! Kaya huwag mu nang alamin pa."
Tangna! Naiinis ako.
Binitawan ko na siya, tsaka nako tumayo. Aalis na sana ako pero nag salita siya,
"Huwag mo ng isipin si Kathryn. Tutal hindi mo na rin naman siya maalala, layuan mo na siya. Isa pa malapit ka ng ikasal."
Anong sinabi niya? Ang lakas ng loob niyang pag sabihan ako kung anong dapat kong gawin. Nag patuloy nako sa pag lalakad.
Pero tama siya. Hindi ko na dapat alalahanin pa yung nakaraan. Tapos na yun e, kung sino man yung babaeng minahal ko dati tapos na yon ang mahalaga yung ngayon. May fiancee nako yun ang dapat kong isipin. Kailangan ko ng layuan si Kathryn.
**
"Ano ready na ba ang lahat?"
"Yes mam."
Umaga pa lang nag hahanda na sila mom para sa engagement party namin ni Kyla. Dalawang buwan na ang lumipas ng dumating sila dito sa pinas. Dalawang buwan ko na ring iniiwasan si Kath. Lagi akong umaalis na bahay para lang maiwasan sila, lagi kasi silang pumupunta dito ng mga barkada niya.
Umakyat muna ako sa taas. Hindi ko alam pero nag dadalawang isip ako na matuloy tong engagement party. Diba dapat masaya ako? Pero bakit parang hindi? Parang may kulang sakin na hindi ko alam kung ano.
Simula ng iwasan ko si Kath nag simula nanaman akong managinip. Minsan nga nakikita ko pa yung sarili ko sa panaginip ko. Ako at yung babae masayang nag kukulitan, ang blurd nga lang ng mukha ng babae kaya diko makita.
Sa dalawang buwan na yon si lagi nalang pumapasok sa isip ko si Kath, pakiramdam ko malungkot ako kapag di ko siya nakikita. Parang hindi kumpleto yung araw ko pag di ko siya nakakasama. Tangina ang gulo lang e! Ang gulo gulo! Dapat wala akong iniisip na ibang babae dahil ma eengage nako, pero bakit ganito? Naiinis ako! Kapag itinuloy ko ito paniguradong wala ng atrasan pa.
BIANCA POV ;
HAHAHA. Sa wakas dumating na yung araw na hinihintay ko, ang ma engage sa lalaking pinaka mamahal ko. Ngayon siguradong sakin na siya at wala ng makaka agaw sakanya. Sakin pa rin ang huling halakhak Kathryn!
"Siguraduhin niyong maayos ang lahat." Paalala ko sa mga nag aayos ng party.
Ayokong mag mukhang cheap tong party no. At alam niyo ba pinadalhan ko ng invitation si Kathryn pati yung mga weird niyang barkada. Sana lang pumunta siya, ng maramdaman niya yung sakit. Para makita niya na ang pinaka mamahal niyang lalaking si Daniel John Padilla ay ma eengage na sa ibang babae. Kawawa ka naman Kath, mukhang hindi kayo ni Dj ang para sa isa't isa.
Hahahahaha.
BINABASA MO ANG
Save the Last Dance
Fanfiction(COMPLETE) Isang babaeng nag ngangalang Kathryn ang nakalimutan ng lalaking si Daniel. May pag-asa pa ba kayang maalala nya ito, o tuluyan ng makalimutan?