Chapter 1

413 6 0
                                    

"MATIGAS ka talaga. Ilang beses ka ng nasuspinde dahil dyan sa pulang buhok mo, but still, you never follow." Binalibag ng mataray na Dean na ito ang dalang mga papeles na hawak nya sa lamesa.

"Ma'am, ilang beses ko bang kailangang sabihin na natural na kulay ng buhok ko 'to? Bakit ba ang hirap ipatindi sayo?!" Walang galang na sagot ni Deborah sa kanya. Relax lang ang katawan nya na nakaupo sa harapan ng masungit na babaeng ito. Sanay na kasi syang makipag talo dito. Suki sya ng Dean's office dahil sa kulay ng kanyang buhok.

Napatayo ang Dean sa tapang ng pagsagot ni Deborah. Nagha-high blood nanaman sya dahil dito.

"YOU ARE NOT ALLOWED TO ATTEND YOUR CLASS FOR ONE WEEK! You have to complete your 10 hours of community service for this week only! Kapag hindi mo nagawa, hindi ka makakausad ng year. Hindi ka makakapag enroll next sem. Mananatili kang 3rd year." Kahit na sinisigawaan, dinuduro at pinandidilatan na sya ng mata ni Ms. Rodrigez ay relax pa din sya.

"Ano?! Community service nanaman?" Nabubugnot na wika ni Deborah. Napakamot ito ng ulo.

"Magiging all around utusan nyo nanaman ako? Ipapagawa nyo sakin yung mga makakapal nyong paper works na kasing kapal ng muka nyo? Ang tatamad nyo Ma'am. Nakakahiya naman sa inyo, sumasahod pa kayo." Sarkastikong dugtong pa nya.

Pumangewang si Ms. Rodrigez.

"Sige, sabihin mo lang ang gusto mong sabihin. That's only the worst thing that you can do to me. Basta, may usapan na tayo. Kapag hindi mo nagawa ang parusa ko, pasensyahan nalang." Pinagtaasan sya nito ng kilay. Masama naman ang tingin sa kanya si Deborah.

"So, pano? May gagawin pa ko." Kinuha nito ang bag nya na nakalagay sa upuan at isinabit na sa kanyang balikat.

"Dyan ka muna." Lumakad na ito papuntang pinto. Nang mabuksan na nya ang pinto, nilingon nya si Deborah at ngumiti. Ngiti ng may pang iinsulto.

"Bye bye Red Rebel Girl."

NAGKALAT ang mga estudyante sa corridor. Daig pa nila ang elementary at High school sa kaingayan. Ngunit natigilan silang lahat nang marinig nila ang mabibigat na yapak ng isang ito. Isang babae na may pulang buhok, naka uniporme na may mahabang palda, naka bag pack at siga maglakad. Lahat ng nadadaanan nya ay napapaatras, ang iba ay nagmadali ng pumasok ng classroom. Para syang bagyo kapag darating. Kinakatakutan ng lahat.

"HOME MADE CHOCOLATES FOR EVERYONE!!" Narinig nyang sigaw ng estudyante mula sa malayo. Nakita nyang nagmamadali ang mga estudyante na puntahan ang nagtitinda na yun. Diretso lang sya sa paglalakad. Hanggang sa matanaw na nya ang nag eendorsyo ng chocolate. May nakita syang babae na may hawak na malaking banner na may nakalagay na "Home Made Chocolate P10 only" at may katabi syang lamesa na nakalatag doon ang mga chocolate. Dinudumog ang mga paninda nya. Nakaramdam sya ng gutom. Hindi pa sya nag la-lunch. Pero, pamasahe nalang ang pera nya. Nakatayo lang sya at pinagmamasdan ang mga estudyanteng masarap na kumakain ng chocolate. Nakaramdam sya ng awa sa sarili. Gutom na gutom na kasi talaga sya. Natulala lang sya sa mga estudyanteng kumakain.

"Anu bayan, muka naman akong timawa dito." Tumalikod na sya. Nang biglang...

"DEBORAH!" Napalingon sya. Nakita nya ang tumawag sa kanya. Hindi nya 'yon kilala. Ngunit hindi na sya nagtataka kung bakit kilala sya nito. Sikat sya sa school nila dahil sa mga sabi sabi na Basagulera daw sya, tomboy, at madami na daw syang nilumpong estudyante. Agaw pansin din ang kulay pula nyang buhok. At hula pa nila, nagrerebelde daw ito kaya ganun ang ugali. Kaya binansagan syang 'Red Rebel Girl'.

Nilapitan nya ang tumawag sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng lamesa na may paninda at nakangiti sa kanya. Kakaunti nalang ang mga chocolate na nakalatag. Umalis na din ang mga bumiling estudyante, kaya nagkaroon sya ng pagkakataong makalapit dito.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon