Chapter 18

47 3 0
                                    

UNTI unting dumilat si Deborah. Nakita nya ang kulay puti na kisame ng kwarto nya. Dahan dahan syang bumangon. Nag inat sya ng braso at humikab. Tumingin sya sa bintana nya na sumasayaw na sa hangin ang kulay pink nyang kurtina. Tumayo sya at hinawi ang kurtina para makita ang labas. Napakaganda ng sikat ng araw at masarap ang hangin. Pumikit sya at huminga ng malalim. Dumilat na sya at ngumiti.

"Thank you so much God.Simula ng magkaayos kami ni Mama, palagi na kong gumigising sa umaga na may ngiti sa labi. Simula ng maintindihan ko na ang lahat ng mga nangyari, palagi na kong gumigising ng Masaya. Wala na yung pakiramdam na parang tusukan ng kutsilyo ang puso ko. Wala na. Dahil maayos na ang buhay ko. Maayos na ang buhay namin ni Mama. Masaya nako!"

Positive spirit ang nararamdaman ni Deborah ngayon. Para bang walang makakasira ng araw na 'to.

Nakita nya ang magtataho na dumaraan sa kalye nila.

"MANONG MAGTATAHO!" Tumingala sa kanya ang Manong.

"GOODMORNING MANONG!" Abot tengang ngiting bati nya na kumakaway pa. Ginantihan din sya ng ngiti nito.

"Bili ka na!" Ibinaba ng magtataho ang pasan nya. May dumaan na bata na kilala ni Deborah.

"BUTCHOY!" Tumingin sa kanya ang bata.

"Hi Ate Deborah!" Masayang bati sa kanya ng bata.

"Hello din! Manong bigyan nyo po sya ng taho! Ako na po ang bahala!" Pumapalakpak sa tuwa ang bata sa sinabi ni Deborah. Hinagisan ni Deborah ang manong ng sampung pisong barya. Ibinigay na ng magtataho ang taho ng bata. Ipinatong na ulit ng magtataho ang tinda nya at ngumiti kay Deborah bago maglakad ulit.

"THANK YOU ATE!" Abot tengang ngiting pasasalamat ng bata. Kumaway na ito sa kanya at masayang umalis.

Nakita ni Deborah si Lola Conny na nagwawalis.

"LOLA CONY!" Tumingala naman sa kanya si Lola Cony.

"GOOD MORNING LOLA!"

"Goodmorning Deborah! Hahaha! Masayang masaya ka ngayon ha?" Nakangiting wika nito.

"Yes lola!" Ipinagpatuloy na nito ang pagwawalis. Inilakad nya pa ang mga mata nya. Madami syang nakikitang tambay na mga lalaki na nakaupo sa mahabang kahoy na upuan at masayang nakukwentuhan.

"HOY MGA TAMBAY BOYS!" Tawag nya. Tinignan naman sya ng mga tambay na ito.

"GOODMORNING!" Masayang bati nya. Ginantihan din sya ng masayang bati ng mga lalaking ito.

"Mukang goodvibes ang Prinsesa ko ah?" Wika ng isang ito.

"Prinsesa ko 'yan!"

"LUL! Di ka nga makadiskarte dyan eh!" Nagbatukan ang dalawang ito. Natawa naman si Deborah sa ginawa nila.

Nakita pa ni Deborah si Joan na pinapaarawan ang anak na sanggol sa tapat ng bahay.

"JOAN!" Tumingala sa kanya si Joan.

"HI PRINCESS!" Bati ni Joan.

"GOODMORNING SAYO PATI KAY BABY QUEEN!"

Walang syang ibang emosyong ipinapakita kundi ang masayang mukha nya na nakakaganda ng umaga.

Bumababa na sya ng hagdan. Nakita nya ang Mama nya nagluluto. Napahino sya sa pagbaba at pinagmasdan ang Mama nya.

"Nakakapanibago. Kung dati rati, dire-diretso lang ako sa pagbaba ng hindi ko man lang tinitignan si Mama. Itinatak ko sa utak ko na ako lang ang mag-isang nakatira dito kaya hindi ko sya pinapansin. Pero ngayon, hindi ko maialis ang mga mata ko kay Mama kapag nakikita ko sya. Ganito pala ang pakiramdam ng may kasama ka sa bahay. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong hindi ka na nag-iisa." Humakbang na sya pababa ng hagdan.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon