TAHIMIK na bumaba ng sasakyan si Deborah kasama si Breanna at si Delilah. Naunang pumasok ng bahay si Delilah na may depressed na muka. Nanatili naman si Deborah at Breanna na nakatayo lang sa tapat ng pinto. Malungkot ang muka nila. Nagkatinginan sila at parang nag-uusap ang mga mata nila.
NAUPO muna si Breanna sa kama ni Deborah, habang hinahanapan sya ng damit na maisusuot nito. Hindi kasi akma ang suot na damit ni Breanna. Para lang itong simpleng pambahay, nahihiya syang humarap sa mga bisita ni Delilah kaya pahihiramin muna sya ng damit ni Deborah.
Nang makahanap na si Deborah ay dami na maayos, iniabot na nya ito kay Breanna at nagbihis na. Tumayo si Breanna sa harap ng malaking salamin. Lumapit naman si Deborah sa likod nya at nagkatinginan ang mata nila sa salamin.
"Napaka liit ng mundo." Wika ni Breanna. Mabagal na tumango si Deborah.
"Wala tayong kamalay malay na magkapatid pala tayo." Dugtong pa ni Breanna. Tumango ulit si Deborah.
"Pero madami pa tayong kapatid sa labas. Madaming nabuntis si Papa." Wala ng reaksyon si Deborah.
"Sa totoo lang, nakaramdam ako ng konting saya nang malaman kong half sister pala kita, Deborah."
Ngumiti ng konti si Deborah.
"Ako din, Masaya ako Breanna." Humarap na si Breanna kay Deborah. Hinawakan nya ang dalawang kamay nito.
"Masaya din ako na nakilala ko na ang tunay kong Ama. Kahit na hindi ko hinangad na makilala sya dahil sapat na sakin na may Mama ako, mas masaya pa rin pala kapag talagang nakilala mo ang tunay mong magulang. Nakumpleto na ang pagkatao ko. " Tumingin si Deborah sa baba.
"Pero si Mama..." Pinipigilan ni Deborah na maluha. Piniga naman ni Breanna ang kamay nya.
"Deborah, hindi mo masisisi si Tita kung bakit nya nasabi 'yung ganun kanina. Pero hindi ibig sabihin nun, nagsisisi syang ipinanganak ka nya." Hinigpitan ni Deborah ang paghawak sa kamay ni Breanna.
"Alam ko naman 'yun. Nasabi lang nya 'yung mga ganun kanina dahil sa sobrang galit nya sa Papa ko. Pero hindi ko maiwasang masaktan dahil ako ang bunga ng ginawa nya."
Naalala ni Deborah ang mga sinabi ng Mama nya kanina.
"ANG BUHAY KO AY MISERABLE NA NOON PALANG. PERO MAS LALONG NAGING MISERABLE NANG GAHASAIN MO KO! AKALA KO MAGIGING MASAYA NA KO, PERO IKAW ANG SUMIRA NG MGA PANGARAP KO!" Humahagulgol ito sa iyak habang hinahampas ang dibdib ni Nigo - ang papa ni Breanna
"Nagawa ko lang 'yun dahil sobrang mahal kita at ayokong makuha ka sakin ng iba! Patawarin mo na ko. Pinagsisisihan ko na ang lahat! Simula nung ginawa ko sayo yun naging miserable na din ang buhay ko. Nawala ako sa katinuan. Nag droga ako, nambababae, nambubuntis. Ilang beses na kong nakulong. Hanggang ngayon pinagbabayaran ko ang mga kasalanan ko sayo. Patawarin mo ko Delilah. Mahal na mahal kita. Bigyan mo ko ng isang pagkakataon." Lumuluha itong lumuhod sa harap ni Delilah.
"Walang kapatawaran ang ginawa mo sakin. Dahil sayo, hindi lang buhay ko ang nasira, pati ang buhay ni Sanny. Hindi mo alam kung anung klaseng pagdurusa ang nangyari sakin dahil sa ginawa mo. ISA KANG BANGUNGOT SA BUHAY KO!"
"Ang sakit lang isipin na ako ang bunga ng bangungot ni Mama, na totoo naman." Niyakap na sya ni Breanna.
MAINGAY at masaya sa salas habang nagkakainan ang mga ka-trabaho ni Delilah. Maliban sa pag kain na ginagawa nila, nagvi-videoke din at lahat sila ay kumakanta din kahit na isa lang ay may hawak ng mikropono.
"Kain pa po oh." Masayang inilapag ni Clark ang isang malaking mangkok ng salad sa lamesita ng salas para ipakain sa mga bisita ni Delilah.
"Uy! Ang sarap nyan! Salamat pogi!" Agad nilantakan ng isang ito ang salad.
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romansa"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah