Chapter 11

56 3 0
                                        

"Alam mo ba talaga 'yang ginagawa mo?"

"Elizz, ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na okay lang ako kay Bogs." Wika ni Deborah sa kausap nya sa Cellphone.

"Anu bang pinakain nya sayo, bakit ka nya napasagot ha?!"

"Anung pinakain?! Wala." Naiinis na sagot ni Deborah. Kanina pa kasi sya paulit ulit na tinatawagan nito at paulit ulit lang din ang itinatanong.

"Wag ka ng mag-alala please. Alam ko 'tong ginagawa ko." Narinig nyang may umagaw ng cellphone ni Elizz.

"Kahit sinong tao naman kasi, mahihirapang maniwala sayo. Ikaw na mismo ang nagsabi na sobrang ayaw mo kay Bogs. Tapos, biglang out of the blue kayo na agad agad?! Sure ka ba talaga sa ginagawa mo? Baka bina-black mail ka lang nyan kaya mo sya sinagot ah." Wika ni Clark.

"Clark, hindi ako gagawa ng ikakapahamak ko." Narinig nanaman nyang may umagaw ng cellphone.

"Deborah, sobrang nag-aalala lang kami sayo. Diba sabi mo babaero 'yan at manyak?! Tapos ngayon, boyfriend mo na?! Deborah, alam namin at nararamdaman namin na may iba kang dahilan kung bakit mo sya sinagot. Nababaliw kami kakaisip ng pwede mong dahilan! Anu bang problema? Sabihin mo na samin. Tutulungan ka naman namin eh." Malambing na wika ni Megara. Naririnig nya din sila Dea at Giovanni na kahit hindi nya kausap ay madaming sinasabi tungkol sa kanila ni Bogs.

"Oo. May dahilan ako kung bakit ko sya sinagot. Kasi mahal ko na sya. Yun lang yun. Ang kulit nyo naman eh. Nakakainis na. Bakit ba ayaw nyong maniwala? Wala ba kayong tiwala sakin?"

"Walang tiwala? Baka ikaw yung walang tiwala. Kasi ayaw mong sabihin sa amin yung problema mo." Biglang pinatay ni Megara ang cellphone.

Napabuntong hininga si Deborah. Tinago na nya ang cellphone nya sa bag nya. Humarap sya sa malaking salamin at inayos ang sarili. Maya maya'y natulala sya. Namumuo ang mga luha sa mata nya. Nang marinig nyang may ibang tao na sa CR ay natauhan sya at mabilis na lumabas.

Pag labas nya ng CR ay naghihintay si Bogs sa kanya. Nilapitan nya ito.

"Okay kana? Ano pa ang gusto mong gawin? Gusto mong manuod ng sine?"

Umiling si Deborah.

"Mag shopping?"

Umiling ulit ito.

"Eh anung gusto mo?"

"Umuwi."

"HA?! Wala pa nga tayong isang oras dito sa Mall, uuwi na agad tayo?!" Mataas na tono ni Bogs.

Tinignan sya ng masama ni Deborah. Nang Makita sya ni Bogs ay bigla itong kumalma.

"Sorry. Nabigla lang ako." Nakayukong wika ni Bogs.

"Sorry na babes. Kasi naman eh. First date nga natin 'to tapos ang boring. Sorry na. Hindi na kita pag tataasan ng boses. Sorry na." Tumango nalang si Deborah. Mukang kumbinsido naman sya sa sorry ni Bogs.

"Thank you. Sorry ulit babes ha." Nakangiting wika ni Bogs. Ngunit walang emosyon ang mukha ni Deborah.

"So, ano? Gusto mo na ba talagang umuwi?"

"Oo. Inaantok na kasi ako. Napuyat kasi ako kagabi sa pag-gawa ng thesis."

"Ahhh. Sige. Uwi na tayo." Ngumiti si Bogs ng abot tenga sa kanya.


NAG eensayo si Dwight at Bogs para sa battle of the band nila. Kasalukuyan silang nasa music room. Hawak ni Dwight ang gitara at nasa tapat nya ang mikropono. Si Bogs naman ay drummer.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon