Chapter 29

56 3 0
                                    

"INAARESTO ka ng batas."

"TEKA?! ILANG BESES KO BANG DAPAT SABIHIN SA INYO NA HINDI KO SYA KINIDNAP AT NI-RAPE?!" Nagwawala na si Gabby habang pilit na inaalis ang kamay nya sa para hindi maposas-san. Pero malakas ang tatlong pulis na sumugod sa bahay nya. Naiposas nila agad si Gabby at hinawakan nila sa magkabilang braso. Pinilit nila itong maglakad palabas ng bahay.

Nang makalabas na sila ng bahay ni Gabby ay nakita nya si Deborah na may kasamang tatlong lalaki. Masama ang tingin sa kanya ni Deborah.

"HINDI KO SYA NI-RAPE! KAHIT IPA-MEDICAL NYO PA SYA, MALALAMAN NYONG HINDI KO SYA GINALAW!" Sigaw ni Gabby habang nagpupumilit pumiglas.

"SHUT UP! YOU KIDNAPPED AND GROPED HER! MABUBULOK KA SA KULUNGAN!" Galit na sigaw ni Clark sa kanya. Tsaka nya binatukan ng malakas si Gabby.

Sinundan pa ng batok ni Giovanni at Dwight.

"ARAY! MGA GAGO KAYO AH!" Hindi na magawang makaganti ni Gabby dahil mahigpit syang hawak ng mga Pulis at naka posas pa sya.

"Mas gago ka." Mahinahon ngunit galit na wika ni Dwight.

"Ikaw lalaki ka! Ilalaban ko 'to sa korte!"

"Oh sige. Witness ako sa mga ginawa mo. Hinding hindi ka naming aatrasan. Madami kaming ebidensya." Matapang na sagot ni Dwight.

Nanggigigil na si Gabby sa kanya. Tinulak na sya ng mga pulis papasok sa kotse.

Biglang may dumating na isang Van at huminto sa tapat nila. Biglang nagbabaan ang mga nakasakay dito.

"What's happening here?! Why are you arresting my son?!" Nagpa-panic na tanong ng babaeng ito.

"Anu nanamang kasalanan ang ginawa ng anak ko?" Seryoso at mahinahong wika ng isang lalaking ito.

Nagkatinginan ang tatlong Pulis.

Sinulyapan si Gabby ng Mama nya mula sa bintana ng kotse, pero nakita nyang wala ng reaksyon ang mukha ng anak nya. Parang hindi nya nakitang dumating ang mga magulang nya. Kiber.

PINALIWANAG ng Pulis sa mga magulang ni Gabby ang lahat ng reklamo sa kanya. Kasalukuyan silang nasa Police Station. Nakahawak lang sa noo ang Mama ni Gabby habang nakaupo. Nanlulumo ang mukha nito. Ang Papa naman ni Gabby ay seryoso lang ang mukha na nakikinig sa mga sinasabi ng Pulis.

"I expected this. Hindi na talaga natuto 'yang batang 'yan." Mabigat na wika ng Papa ni Gabby.

"Don't blame him! Wala namang matibay na ebidensya yung mga nagreklamo sa kanya!" Nagagalit na wika ng Mama ni Gabby.

"Yan. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan ang anak mo. Masyado mo syang kinukunsinti sa mga ginagawa nya."

"Pinagtatanggol ko lang sya dahil alam kong hindi nya magagawa 'yun! Pinalaki ko sya ng maayos!"

"Really? Kaya pala ngayon, leader na sya ng Fraternity, laging napapa-away sa school at binalak pang mang-rape. Congratulations Honey. You've raised your son properly." Sarkastikong wika ng Papa ni Gabby.

"Ilalaban ko 'to! Ilalabas ko sya sa kulungan!" Tinignan nya ng masama sila Deborah na nakaupo na medyo malayo sa kanila. Pero hindi nagpa-daig ni Deborah. Inirapan nya ang babaeng ito.

"Ehemmm." Nagpapansin na ang Pulis. Napatingin naman silang dalawa dito.

"Nasaan po ba kayo nung gabing 'yon? Bakit hindi nyo alam ang mga ginawa ng anak nyo?"

"In Paris. We stayed there in 2 weeks. We celebrate our silver anniversary." Sagot ng Papa ni Gabby.

"Wala na bang ibang tao sa bahay nyo, para magpatunay kung nagdala ba ng babae dun si Gabby o hindi? May kapatid ba sya na nandun o may katulong?"

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon