LATE na si Deborah sa klase. Napatagal kasi syang maligo at hindi na nya namalayan ang oras. Pagkababa nya ng jeep, at pumasok sa gate ng school, tumakbo na sya para mabilis na makapunta sa classroom nya. Sa sobrang bilis nyang tumakbo, hindi na nya na control ang sarili nya nang may mababangga syang bata. Hindi naman tumumba ang bata. Nabangga lang nya ito.
"Naku, sorry bata!" Natatarantang wika nya. Hinihingal na sya.
"Okay lang po. Hindi naman ako nasaktan."
Tinitigan pa ng bata si Deborah.
"Teka?! Ikaw si Ate Chocolate ah?" Mabilis nyang nakilala si Deborah dahil sa kulay pula nitong buhok. Ngumiti si Deborah.
"Ikaw nga Ate!" Hinawakan ng batang ito ang laylayan ng blouse nya at nangulit.
"May chocolate ka pa ba dyan? Pagbilan ako. Sige na." Nagmamaktol na wika nito.
"Chocolate? Ano, uhmmm. Ubos na eh. Sorry. Next week nalang ulit."
"Kaya ako nagpunta dito sa college, kasi hinahanap kita eh. Nagustuhan din kasi ni mommy yung chocolate mo. Gusto ko syang ibili."
Iniluhod ni Deborah ang mga tuhod nya para mapantayan nya ang laki ng bata at makausap nya ng maayos.
"Ang bait mo naman. Pasensya kana ah. Wala pa kasi eh." Sumimangot ang bata.
"Ganun po ba? Birthday po kasi ni Mommy ngayun eh. Yun kasi ang kaya kong iregalo. Sayang naman. Sana pala hindi ko nalang kinain yung isang piraso kahapon, para yun nalang ang ibibigay ko sa kanya. Akala ko po kasi, may tinda ka ulit ngayun eh."
Nakanguso ang batang ito. Naaantig si Deborah sa kanya. Dahan dahan nyang hinawakan ang pisngi ng batang ito.
"Kahit wala kang regalo sa kanya, basta mabati mo sya at ma-kiss mo sya, magiging Masaya yun."
Nararamdaman ni Deborah na namamasa ang mga mata nya.
Nagbuntong hininga ang bata.
"Pero mas magiging masaya po kasi sya kapag may chocolate eh. Matakaw kasi yung si Mommy. Malapit ko na nga syang maging kasing taba eh."
Natawa si Deborah. Kinurot nya tuloy ang matabang pisngi ng batang ito.
"Ikaw talaga! Bati nga lang at kiss, sapat na eh. Haha! Anung oras ba uwian nyo?"
"3pm po."
"Oh sige, ako ang bahala. Pupuntahan nalang kita sa room nyo mamaya. Pag punta ko dun, may dala na kong chocolate. Secret lang natin sa mga classmate mo na may chocolate ako ah? Kasi, isa lang ang madadala ko mamaya, baka magtampo sila kasi wala akong paninda para sa kanila."
Napatalon sa sobrang tuwa ang bata. Tumayo na si Deborah at natatawa habang pinagmamasdan ang bata. Ang cute cute kasi ng batang ito. Maliit na mataba.
"Hihintayin kita Ate ah!" Nag apir sila. Tumakbo na ang bata palayo sa kanya. Tumakbo na din si Deborah, nakalimutan nyang late na sya.
BAGO pa makaabot si Deborah sa classroom nya ay natanaw na nyang naglalabasan na ang mga kaklase nya. Huminto na sya sa pagtakbo. Naglakad nalang sya papalapit ng classroom. Nilapitan nya ang prof nila na lumabas na ng room.
"Ma'am, sorry po na late ako. Anu pong ipinagawa nyo? Ihahabol ko po." Sabi nya habang naglalakad ang prof nya. Hindi sya hinihintuan nito, kaya sinusundan nya pa din ito.
"Bahala ka. Ask your classmates." Tsaka sya huminto. Lumingon sya kung nasan ang mga kaklase nya. Bigla nyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Dwight noong nasa fieldtrip sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/11144950-288-k834021.jpg)
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romansa"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah