PUYAT na puyat si Deborah. Halos hindi naman kasi sila nakatulog kila Dea. Nagkwentuhan lang silang magdamag. Tapos ala-sais ng umaga na sila nakatulog pero naka idlip lang sila dahil biglang dumating ang mga bisita ni Dea na kamag anak nila kaya umuwi na sila.
Ala una na ng tanghali ngunit tulog na tulog pa din si Deborah. Naistorbo ang masarap nyang tulog nang may marinig syang kumakantang banda sa labas. Tinanggal nya ang nakatalukbong na kumot sa kanya at mabagal na tumayo para sumilip sa bintana.
May nakita syang nagigitara at may apat na lalaking naka suot ng pormal na damit. Silang apat yung kumakanta. Tapos nasa harap nila si Bogs na may hawak na bulaklak, nakangiting nakatanaw sa kanya.
"Tsk! Anak ng tokwa! Bahala ka sa buhay mo!" Sinara ni Deborah ang binata at bumalik sa kama.
Dismayado naman ni Bogs. Kitang kita nya kasi ang rekasyon ni Deborah, at mukang hindi sya bababain nito.
"Hayy. Tara na nga." Aalis na si Bogs.
"Ituloy lang po natin. Bababa din po 'yan. Tiwala lang po." Sabi ng isang singer. Bumalik si Bogs sa pwesto nya. Tuloy tuloy lang sa pagkanta ang mga singer hanggang sa bumaba na si Deborah.
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Bogs nang buksan ni Deborah ang pinto. Agad syang lumapit dito.
"For you." Iniaabot nya kay Deborah ang isang boquet.
"Pakiusap lang tigilan mo na ko. Kahit anung pang-uuto ang gawin mo, hindi mo ko maiisahan. Lumayas na kayo kung ayaw mong may magawa pa kong hindi maganda sa inyo." Mahinahon ngunit matigas na wika ni Deborah. Bigla nyang pabagsak na sinara ang pinto nila at napanganga si Bogs. Lumingon sya sa mga kasama nya. Sinenyasan sya ng mga ito na ituloy lang. Kaya kinatok nya pa ng kinatok ang pinto nila Deborah.
"Deborah! Please naman! Tanggapin mo naman ang panliligaw ko! Sorry na sa mga nasabi ko sayo dati na hindi maganda. Pinagsisisihan ko na 'yun. Bigyan mo sana ako ng chance na patunayan sayo ang pagmamahal ko. Please Deborah." Nagmamakaawang wika nya habang kinakatok ang pinto.
"PAGMAMAHAL?! Yuck! Nakakadiri!" Kinikilabutan si Deborah sa mga sinasabi ni Bogs. Mabilis na syang umakyat sa kwarto nya at natulog ulit.
ALAS tres na nang muling magising si Deborah. Nag ayos sya ng kanyang sarili at bumaba para bumili ng pagkain. Pag bukas nya ng pinto ay may nakita syang kulay pink na paper bag sa lapag. Kinuha nya iyon at nakita nya na may nakasulat na 'From Bogs'. Binuksan nya iyon at isang mamahaling cellphone ang nakita nya. Kulay pink pa iyon. Inaamin nyang natuwa sya. Siguro dahil sa kulay. Pero galing iyon kay Bogs. Kaya hindi nya 'yon gagamitin. Isasauli nya 'yon kay Bogs.
"HINDI ko kukunin 'yan. Binigay ko 'yan sayo. Tanggapin mo na. Hindi ba wala ka pang cellphone?" Wika ni Bogs. Kasalukuyan silang nasa hardin ng school nila.
"Oo, pero wala kang pakialam kung meron man ako o wala. Basta, hinding hindi ko 'to matatanggap." Pilit nyang ipinapahawak kay Bogs ang paper bag pero ayaw na ayaw ni Bogs. Napabuntong hininga si Deborah. Marahil ay napagod na.
"Tapatin mo nga ako. Anu bang intensyon mo sakin?"
"Mahal kita. Gusto kong maging tayo. Yun lang." Tumayo ang mga balahibo ni Deborah sa mga narinig.
"Gusto mong maging tayo? For what"
"Anung for what?! Anu bang iniisip mo na intensyon ko? Inaamin ko babaero ako, at sabi pa ng iba, manyak ako. Pero hindi na ngayon. Malaki na ang pinagbago ko. Bigyan mo lang ako ng chance na mapatunayan sayo ang pagmamahal ko. Hayaan mo lang ako na manligaw sayo hanggang sa malaman mo na mahal na mahal kita." Puno ng emosyon ang pagsasalita ni Bogs. Hindi nakapag salita si Deborah. Nakatingin lang sya sa mga mata ni Bogs na nakatingin din sa kanya. Dahan dahan nyang tinignan ang paper bag na hawak nya.
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah