NAIDILAT na ni Deborah ang mga mata nya. Pag gising nya, nakahiga sya sa malaking kama. Unti unti syang bumangon. Inilibot nya ang mata nya. Napakalaki ng kwartong kinalalagyan nya at pang mayaman ang mga gamit. Walang duda na napakayaman pala ni Gabby.
Hinanap ng mata nya si Gabby pero wala sya sa kwarto. Tatayo na sya para tumakas. Pero bigla nyang narinig ang ring ng cellphone nya. Kinapa nya ang cellphone nya sa bulsa nya pero wala. Hinanap din ng mata nya sa paligid pero wala.
Lalong lumalakas ang tunog ng cellphone nya, tapos ay bumukas ang pinto ng kwarto. Nakita nya si Gabby at hawak nito cellphone nya.
"Hala?! Gising kana agad?! Akala ko matagal ang epekto ng tinurok ko sayo!" Naiinis na wika ni Gabby.
"Ibalik mo sakin 'yang cellphone ko at pakawalan mo ko dito." Matapang na wika ni Deborah. Masama ang tingin nya kay Gabby.
Napangiting aso si Gabby.
"Sa tingin mo papayag ako? Pinaghirapan kitang dalhin dito, tapos ganun lang kitang kadaling papatakasin?"
Hindi pa rin matigil sa pag ring ang cellphone.
"Kanina pa tawag ng tawag to ah?!" Naiinis na wika ni Gabby.
"IBIGAY MO SAKIN 'YAN!" Tumayo na si Deborah at mabilis syang lumapit kay Gabby pero bago pa sya makalapit ay hinagis na ni Gabby ang cellphone at nagkanda hiwa-hiwalay ang parte nito.
Natulala si Deborah nang makita ang hiwa hiwalay nyang cellphone.
"Yan ang unang regalo sakin ni Mama." Tinignan nya ng masama si Gabby. Nakita nyang natatawa ito.
Susuntukin na sana nya si Gabby pero naunahan na sya ng lalaking ito. Napaupo si Deborah sa sahig sa lakas ng suntok ni Gabby. Tapos ay iniangat sya ni Gabby sa pamamagitan ng pagsabunot sa buhok nya. Pero sinuntok ni Deborah ang ari nya kaya nabitawan agad sya ni Gabby. Mabilis na tumakbo si Deborah papunta sa pinto. Bubuksan na sana nya ang pinto pero binato sya ni Gabby ng flower vase. Kaya napaupo si Deborah at nagkaroon na sya ng maraming dugo sa braso. Natapakan din nya ang mga bubog at naupuan pa nya kaya pati paa at hita nya ay may mga dugo na din.
"HAYOP KAAAAA!" Nanggigigil na sigaw ni Deborah. Namumula na sya sa galit.
Mabilis syang pinuntahan ni Gabby at kinaladkad sya.
Habang kinakaladkad sya....
"Bakit ganun? Sabi ni Dwight matatag at matapang daw ako. Hindi ko na daw kailangang ipagtanggol dahil kaya ko na ang sarili ko. Bakit ngayon parang kailangan ko na?"
Sa hindi nya malamang kadahilanan ay parang nakaramdam sya ng panghinina. Siguro epekto pa din ng tinurok sa kanya ni Gabby, at marami na syang sugat, at pakiramdam nya, ang mga bubog ay nakatusok pa rin sa balat nya. Sobrang sakit ng katawan nya at nanghihina na sya. Kaya wala nang kahirap hirap syang dinala ulit ni Gabby sa kama at pinahiga sya.
TULIRO na ang utak ni Dwight kakahanap kay Deborah. Inikot na nya ang paligid ng school, pero wala syang nakitang Deborah. Mas lalo syang nag-alala ng hindi na nya ma-contact si Deborah.
Lahat na ng kalye na malapit sa school nila ay nadaanan na nya. Lahat ng kaklase ni Deborah na alam nya din ang bahay ay pinuntahan na nya pero wala din silang alam kung nasaan si Deborah.
Inabutan na sya ng malakas na ulan. Basang basa na ang buong katawan nya pero patuloy pa din sya sa paghahanap. Naiiyak na nga sya sa pag-aalala pero tinatatagan nya ang loob nya.
Nag ring ang cellphone nya.
"Dwight! Anu na?! Wala din si Deborah sa bahay ng mga ka duty nya! May balita ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Megara.

BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah