Chapter 14

52 2 0
                                        

"BABES? Bakit gising ka pa?" malambing na tono ni Bogs sa cellphone.

"Gumagawa ako ng assignment."

"Ahh. Gusto mo tulungan kita?"

"No. Hindi na. At tsaka gabi na. Matulog ka na."

"Eh panu bayan? Nandito na ko sa tapat ng bahay mo eh." Biglang tumayo si Deborah at agad sumilip sa bintana. Nakita nga nya si Bogs at kinawayan pa sya.

"Oh?! Bakit ka nandyan?!" Wika nya sa cellphone.

"Wala lang. Gusto lang kita makita. Hindi kasi kita naihatid kanina eh."

"Okay naman ako. Ikaw talaga!"

"Papasukin mo nalang ako. Tulungan kita sa assignment mo."

"Ha? Hi-hindi pwede."

"Bakit naman?"

"Walang pwesto. Nandyan yung mga barkada ni Mama sa salas eh."

"Edi dyan nalang sa kwarto mo."

Nakaramdam ng kaba si Deborah.

"Ahh? Hindi pwede. Makalat dito. Ayoko."

"Okay lang. Edi lilinisin ko."

"Ayoko. Umuwi ka nalang. Bawi ako sayo bukas. Sige na. Tatapusin ko pa assignment ko." Pinatay na nya ang cellphone at bumalik sa study table nya.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din si Deborah sa assignment nya. Muli syang sumilip sa bintana. Nakita nya si Bogs na naghihintay pa din sa kanya. Naka upo ito sa simento sa tapat ng pinto nila.

"Anu bang problema nito?!"

Binaba nalang nya ito.

"Sabi ko diba umuwi ka na?" Wika nya nang nilabas nya ito. Tumayo si Bogs.

"Kumain ka na ba?"

"Oo naman. Kanina pa. Umuwi ka na. Bukas nalang tayo magkita. Diba tuloy yung Battle of the bands nyo? Baka kailangan mo pang maghanda."

"Okay lang yun. May problema kasi ako ngayun kaya ayoko munang umuwi. Pwede bang samahan mo muna ko kahit sandali lang?" Tinignan sya ni Deborah sa mata. Nakikita nya ang kalungkutan nito.

"Ganun ba? Bakit? Anung problema?"

"May malapit na park dito diba? Dun muna tayo."

KASALUKUYANG nasa park si Deborah at Bogs. Nakaupo sila sa upuang bato. Walang tao sa paligid at madilim. Malamig ang hangin kaya balot na balot si Deborah. Hindi nya maintindihan kung bakit pero kinakabahan sya.

"Anu na 'yung problema mo? Kwento mo na dali. Ginaw na ginaw na ko." Nanginginig na wika ni Deborah.

Mas lalong nilapit ni Bogs ang pagkakaupo sa kanya at inakbayan sya. Nakuryente bigla si Deborah.

"Ayan. Para di ka ginawin." Inalis ni Deborah ang braso ni Bogs sa balikat nya.

"No need. Okay lang ako. Naka jacket naman ako."

"Kahit na. Hindi sapat 'yan." Inakbayan ulit sya ni Bogs at inilapit nya ang labi nya sa tenga ni Deborah. Hinahalikan nya ito. Mamaya maya'y inilipat na nya sa leeg ni Deborah ang halik nya at dinidilaan na nya ito.

"Mmmmm... Napaka bango mo." Ginapang nya pa ang kamay nya sa maselang bahagi ng katawan ni Deborah pero biglang nag init na ang dugo nito. Mabilis nyang tinanggal ang kamay nito at inikot ang braso.

"AHHHH!!!!" Tumunog ang braso ni Bogs nang inikot 'yon ni Deborah at halos maputol ang litid nya sa sobrang lakas ng sigaw nya.

Dali daling tumayo si Deborah. Namimilipit naman sa sobrang sakit si Bogs.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon