Chapter 7

84 3 0
                                    

"DWIGHT, paano ba kayo naging magkaibigan ni Deborah?" curious na tanong ni Bogs. Kasalukuyan silang nasa apartment na inuupahan ni Dwight. May hawak silang gitara at naka Indian sit sa kama. Si Breanna naman ay abala sa pag gawa ng report sa study table ni Dwight na katabi lang ng kama.

"Bukambibig si Deborah? Kanina ka pa ah. Iba na yan ah!" Puna ni Breanna. Nagawa nya pang sumingit kahit abala sya.

Bumungisngis si Dwight dahil sa sinabi ni Breanna.

"Oy pano nga?!" Pilit na tinatanung ni Bogs.

"Sipain kita dyan eh. Palibhasa chiks na sya kaya ka ganyan." Binato ni Dwight ng unan si Bogs. Ngunit hindi 'yon ininda ni Bogs. Paulit ulit pa rin syang nagtatanung hanggang sa nakulitan nalang si Dwight.

"Hindi ko nga alam na magiging kaibigan ko yun eh. Kasi muntik na kong awayin nun! Lintek yan, biniro ko lang, high blood agad?" Tumawa ng malakas si Dwight at Breanna. Naalala kasi nila nung nagtitinda sila ng chocolate sa corridor.

"Yun ang napala mo, tinawag mo pa eh, ang lakas ng loob mo. Pati ako, muntik na din."

"Oo nga eh. Ewan ko, sa kagustuhan ko lang na matikman nya yung chocolate ko. Tapos ayun. Nagkasalubong kami nung ibang araw tapos binentahan ko ulit sya ng chocolate. Nagustuhan nya. Tapos tinanung ko sya kung gusto nya ding magbenta na may kumisyon din sya, ayun, nag start na ang friendship namin."

"Talaga? Business minded din sya?" Tanong ni Bogs.

"Siguro. Oh! Ayan ha! Nasagot ko na ang tanong mo ah. Tantanan mo na ko kay Deborah, kanina mo pa ko tinatanung tungkol sa kanya."

"Diba wala pa syang nagiging boyfriend?" Tanong pa ni bogs.

"Oo nga wala pa." Sagot ni Dwight habang napapakamot na sa ulo dahil sa kakulitan ni Bogs.

"Alam mo ba kung anung gusto nya sa lalake?"

"Mala prince charming." Inilagay na ni Dwight ang gitara sa gilid ng kama at tumayo para pumunta ng kusina ng makalayo kay Bogs dahil talagang naiinis na sya sa kakatanong nito. Ngunit sinundan pa rin sya ni Bogs at hindi sya tinigilan sa kakatanong.

"Ano bang mga hilig nya? Okay lang ba kung bigyan ko sya ng alak tapos tagay kami? Anong paborito nyang pulutan?"

"Hindi yun umiinom." Palakad lakad si Dwight sa kusina at kunwaring may ginagawa. Pero kahit saan sya lumakad ay bumubuntot si Bogs. Rinding rindi na ang tenga nya.

"Virgin pa sya diba?" Bulong ni Bogs. Napahinto si Dwight sa paglalakad at tumingin kay Bogs.

"Ano? Sariwa ba?" Walang nasagot ni Dwight. Ilang segundo din syang napahinto sa muka ni Bogs.

"Uy ano?!" Pilit nyang pinapasagot si Dwight. Muling lumakad si Dwight at pumasok na sa loob ng CR para talagang matigilan na sya ni Bogs.

"Tignan mo 'tong mokong na 'to. Yun pa naman ang pang hundred million question ko."

Nanatili muna si Dwight sa CR. Siguro kung hindi lang malalim ang pinagsamahan nila ni Bogs ay pinauwi na nya ito dahil sobrang naiinis na sya. Matagal ng babaero ang kaibigan nyang ito. Pero ganun man ang kaibigan nya, atlis, loyal ito sa friendship nilang tatlo. Yun ang pinaka gusto nya. Madami na silang napagdaanang tatlo nila Breanna. Ilang beses na din nyang napatunayan na totoong kaibigan ang mga ito. Kaya tanggap nya kung anu man ang personalidad nila, basta ang pinaka mahalaga sa kanya, ay ang pagkakaibigan nila.

MAINGAY ang isang grupo ng mga estudyanteng ito habang kumakain sa canteen na katabi lang ng school nila. Isa na rin si Deborah sa maingay. Kung makipag kwentuhan sa kanya ang mga kaklase nya ay parang matagal na syang kaibigan, kaya ganun na din ang trato nya sa mga ito. Hindi naging mahirap sa kanya na pakisamahan ang mga ito dahil mababait ito sa kanya. Tama nga si Dwight sa sinabi sa kanya noon. Mababait naman ang mga kaklase nya, at natatakot lang ang mga ito kanya, kaya sya iniiwasan.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon