Chapter 10

56 2 0
                                    

"WALA po ba si Deborah sa kwarto nya?" Tanong ni Dwight kay Delilah nang pagbaba nya ng hagdan ng bahay nila ay naka lock ang pinto ng kwarto ni Deborah.

"Kinatok mo ba?"

"Opo. Pero walang nagbubukas eh."

"Ahh. Siguro wala. Baka lumabas sya. Hintayin mo nalang."

"Hindi po. Balik nalang po ako bukas. Masyadong gabi na rin po eh."

"O sige." Lumabas na sya ng bahay nila Deborah bitbit ang isang bag ng chocolate.

"Gabi na, saan naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon?"

Sa paglalakad nya sa labas ay natanaw na nya mula sa malayo si Deborah. Naka uniporme pa nga ito. Mabilis syang lumakad para makalapit agad dito. Huminto si Deborah sa paglalakad nang makaharap na si Dwight.

"Deborah! Galing ako sa inyo. Saan ka naman galing? Gabi na ah? Anung oras ba uwi mo sa school? Bakit ngayon ka lang umuwi? Dapat umuwi ka agad nung dismiss nyo na! Mamaya mapano ka pa eh." Sermon ni Dwight na may tonong pag-aalala.

"Ito nga pala, chocolates. Paninda mo bukas sa mga kaklase mo." Nakangiting binibigay ni Dwight ang bag kay Deborah. Pero tinitignan lang ni Deborah ang bag at walang emosyon ang muka nya. Nangawit na ang kamay ni Dwight kaya sinabit nalang ulit nya sa balikat nya ang bag.

"Bakit ganyan ang muka mo? Anung problema?" Seryosong tanong ni Dwight.

Hinihintay sya na magsalita ni Dwight pero wala, wala syang naririnig na sagot ni Deborah. Para itong istatwa na nakatingin sa kanya.

"HUY! Anu ba?! Anung problema? Bakit ka ganyan?!" Nag aalalang tanung nya. Hindi kumukurap si Deborah sa pagtingin sa kanya.

"Huy! Nakakatakot ka naman eh. Naka drugs ka ba? May umaway ba sayo?" Hinawakan nya ang dalawang balikat ni Deborah para yugyugin pero padabog na inalis ni Deborah sa kamay nya.

"Anu bang problema mo?! Bakit ka ganyan?!" Naiinis na sya.

Kinuha ni Deborah ang isang papel sa bulsa nya at binigay 'yon kay Dwight. Tinignan naman 'yon ni Dwight.

Kitang kita ni Deborah ang ekspresyon ng muka ni Dwight habang tinitignan nito ang resibo. Hindi na mailipat ni Dwight ang tingin kay Deborah. Parang na stock ang mata nya sa resibo. Nanginginig sya at pinagpapawisan na.

"Hinahanap kita kay Bogs kanina, ang sabi nya busy ka daw sa thesis. Gusto sana kasi kitang makasama papuntang Binondo. Pero dahil busy ka, ako nalang mag isa. Nag hanap ako ng Chinese drugstore at bumili ako ng products. Nagtataka ako, ang mura lang pala kasi ng mga gamot ko sa katawan. Akala ko, baka sa ibang botika ka bumibili. Pero nakita ko ang pangalan mo sa log book nila. Ang sabi ng intsik, suki ka daw nila, Mr. Dwight Lim. Palagi mo daw binibili doon ang binili ko ngayon." Mahinahong paliwanag ni Deborah pero nanlilisik na ang mga mata nya kay Dwight. Unti unting nilipat ni Dwight ang tingin kay Deborah. Nakita nyang namumula na ang mga mata nito at mukang iiyak na pero pinipigilan lang. Nakita rin nya ang kamao nito na nakaporma na parang manununtok.

Nanginginig na ang mga kamay ni Dwight. Gusto nyang magsalita pero hindi nya alam ang sasabihin. Gusto nyang tumakbo pero naninigas ang mga tuhod nya. Dinig na dinig nya ang bilis ng kabog ng dibdib nya. Parang syang isang magnanakaw na nahuli ng pulis, ngunit hindi makatakas dahil natutukan na ng baril.

Umihip ang malamig na hangin, lalong nanlamig ni Dwight.

"Anung ibig sabihin ng lahat ng 'yon Dwight? Bakit ganun? Masyadong mahal ang singil mo sakin?!" Naramdaman ni Deborah na tumulo na ang mga maiinit na luha nya.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon