"TIGNAN mo nga naman! Coincidence ba 'to? Woooh!" Humihiyaw si Giovanni. Mas lalong umingay ang mga bisita ng makita nila ang naka mascot. Ang mga kadalagahan naman ay kinikilig dahil ang gwapo daw ng naka mascot.
"Oo nga pala! Naalala ko, sa Jollibee pala sya nagtatrabaho! Pero ang sabi nya, cook sya doon? Pero bakit mascot sya?" Tanong ni Megara.
"Bakit Ate? Kilala nyo sya?" Tanong ni Clarissa.
"Oo naman! Kilalang kilala!" Si Dea na ang sumagot. Abot tenga ang mga ngiti nila at pati sila ay kinikilig.
Natulala si Deborah. Halos malaglag ang panga nya sa sobrang gulat. Wala syang masabi. Hindi rin sya makagalaw. Parang naka dikit ang mga paa nya sa sahig. Hindi sya makapaniwala. Gusto nyang isipin na nananaginip lang sya.
Nakangiti lang si Dwight kay Deborah. Pawis na pawis ang buong mukha nito.
"Ikaw?!" Nagsalita na din si Deborah sa wakas. Natawa si Dwight.
"Late reaction?! Kanina ko pa tinanggal ang maskara ko!" Tumingin si Dwight sa mga bisita at kumaway.
MAGKATABING naka upo si Deborah at Dwight sa flatform ng fountain. Kanina pa tapos ang party at naglilinis nalang ng venue. Hindi na naka mascot si Dwight. Nakabalik na sya kanina sa Jollibee para ibalik ang costume at nag out na din sya sa duty. Matapos ay bumalik sya sa garden nila Clark kaya kasama nya ngayon si Deborah. Natatanaw nila sila Elizz na nagpi-picturan kasama ang pamilya ni Clark. Nakita nilang nakatingin ito sa kanila pero ngumingiti lang at hindi sila pinupuntahan. Marahil ay hinahayaan nilang makapag solo sila. Pero naiilang si Deborah. Naiinis nga sya sa mga kaibigan nya kung bakit iniwan silang dalawa ni Dwight sa fountain, samantalang kanina ay magkakatabi silang naka upo, ngayon ay silang dalawa nalang at pinipigilan pa syang umalis doon.
"Hanggang ngayon hindi pa din ako maka get over. Malay ko bang sa party ng kapatid ni Clark ako maa-assign. Tsaka, nag sub lang naman ako. Hindi naman talaga ako nagma-mascot. Ngayun lang. Cook ako eh."
"Oo nga eh! Sobrang nakakagulat! At tsaka baliw ka! Bakit mo ko sinayaw? Nakakahiya!"
"Wala lang! Nakita kita eh! Sobrang nagulat din ako nang makita ko sila Clark, Elizz, Giov, tapos ikaw! Kaya naisip ko na, isayaw ka. Wala lang! Trip ko lang. Hehehe."
"Baliw ka talaga. Halos mamatay na ko sa sobrang kilig."
"Oo nga pala, alam na ba nila 'yung tungkol sayo dati? Yung mga nangyari sayo? Alam ba nila kung bakit ka nagrebelde? Alam din ba nila yung tungkol sa nangyari sa Mama mo kaya na-ospital?"
"Hindi. Wala silang alam na kahit ano tungkol sa buhay ko. Hindi ako nagkukwento."
"ANO?! Pero kaibigan mo sila ah?! Hindi ka man lang nag o-open? Wala ka bang tiwala sa kanila?"
"Secretive akong tao. Hindi ako mahilig magkwento tungkol sa buhay ko. Ikaw nga lang ang nakakaalam ng lahat eh. Tsaka..... para san pa? Bakit ko pa ikukwento? Eh ayos naman na ang lahat. Hindi na nila kailangang malaman. Tama na 'yung ikaw nalang ang nakakaalam. Ang mahalaga, tanggap nila ako at hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa kanila kung bakit ako naging Red Rebel Girl. Dahil hindi na mahalaga sa kanila ang nakaraan ko."
"Ganun ba... mabuti kung ganun. Tunay nga sila na kaibigan. Masaya ako na may kaibigan ka tulad nila."
"Ako din, masaya ako."
"Pero subukan mo ding mag kwento sa kanila. Ang magka-kaibigan, nagsasabihan o nagse-share ng mga nangyayari sa buhay nila. Sa ganung paraan, mas nagiging malapit ang loob nila sa isa't isa, at sa ganun din makikilala ng lubusan ang kaibigan. Hindi ba't masarap sa pakiramdam kapag nagkukwento ka sa kaibigan, lalo na kapag nakikinig sila? Tapos mabibigyan ka nila ng payo kapag may problema ka. Mas madaling humarap sa problema kapag alam mong marami kang karamay at tumutulong sayo. Kaya magtiwala ka sa mga kaibigan mo. Magkwento ka din sa kanila. Ipagtapat mo yung mga nangyari sayo. Atlis, maiintindihan ka na nila kung bakit ka naging Red Rebel Girl dati."

BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah