Chapter 28

46 3 0
                                    

DINALA nila sa ospital si Deborah at Dwight.

"Base po sa mga results, napatunayan na hindi sya nagahasa."

"HAAAAAY!" Lahat sila ay naglabas ng malalim na hininga. Bilang nawala ang matinding takot nila na baka nagahasa si Deborah.

"Thank you God. Thank you God. Thank you God." Paulit ulit na bulong ni Megara.

"Mamaya maya lang konti, totally mawawala na 'yung epekto ng itinurok sa kanya and wala naman na syang matinding damage maliban sa mga sugat nya." Paliwanag ng doctor.

"Thank you po Doc." Magalang na wika ni Delilah.

"Pakitawag nalang po ako pag nagkamalay na sya."

"Sige po. Maraming salamat po ulit." Wika ni Delilah.

Nagpaalam na ang doctor.

Tinignan nilang lahat si Deborah habang nakahiga ito sa kama. Sa pagkakataong ito ay natutulog na sya.

Sa kabilang kama naman ay si Dwight ang nakahiga. Private room ang pina-occupied ni Clark since sya naman ang magbabayad. Kaya si Deborah at Dwight lang ang pasyente sa loob ng kwartong 'yon.

"It's a big relief. Buti naman hindi sya nagalaw ni Gabby." Gising si Dwight pero nanghihina din sya. Nakatingin sya kay Deborah.

"Ikaw Dwight? Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Delilah.

"Mabigat lang po ang katawan ko. Pero okay naman po." Matamlay na sagot ni Dwight.

"Eh yung paa mo? Masakit pa din ba? Yung likod mo?"

Ngumiti konti si Dwight.

"Masakit po pero kaya ko naman. Wag na po kayong masyadong mag-alala. Wala naman pong nabali sa buto ko. Nilalagnat lang po ako. Gagaling din po ako kaagad."

"Sigurado ka iho ha?"

"Opo. Promise."

"Hero ka talaga Pare! Ang lakas ng loob mong tumalon sa bintana para lang makatakas!" Nakangiting sabi ni Giovanni.

Hindi kumibo si Dwight.

ALAS kwatro na ng umaga. Gising na si Deborah. Nakaupo sa gilid ng kama nya ang mga kaibigan nya. Si Delilah naman ay lumabas para bumili ng pagkain.

"Baka may pasok pa kayo mamaya. Uwi na muna kayo."

"No. Hapon pa naman ang pasok ko kaya no hassle." Sabi ni Elizz. Inabutan nya si Deborah ng mansanas. Kinain naman 'yon ni Deborah.

"Kayo Dea? Meg? Baka may duty pa kayo."

"We can handle it. Wag ka na mag-alala. Hayaan mo nalang kami dito." Sagot ni Megara.

"Kayo naman! Mamaya lang, lalabas naman na ko eh. Okay na okay nako!"

"Oo. Pero gusto ka naming lahat ihatid sa bahay nyo eh." Sagot ni Clark.

"Haaay. Sobrang salamat talaga sa inyo. Hayaan nyo, babawi ako."

"Baliw. Wala ka namang kasalanan." Sabi ni Giovanni.

"Nga pala, anu-anung ginawa sayo ni Gabby? Bakit sobrang dami mong sugat sa braso at hita? Tsaka pano ka nya nakidnap?" Tanong ni Dea.

"Nung una, naka upo ako sa abandonadong building sa school. Ang sakit kasi ng Paa ko, kaya doon ako nag hubad ng shoes at nagpahinga konti. Tapos dumating si Gabby. Nagsuntukan kami. May tinurok sya sa tagiliran ko. Unti-unti akong nanghina hanggang sa nawalan na ng malay."

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon