"MY LIFE IS TOTALLY MESSED UP! I WANNA DIE!" Halos mabaliw baliw na si Breanna. Pagewang gewang na syang maglakad galing sa Bar. May hawak pa syang isang bote ng alak na kanina nya pa tinutungga. Hindi na sya makakita ng maayos dahil parang nagdo-doble na ang paningin nya sa sobrang kalasingan.
Nag ring ang cellphone nya at agad nya 'yong sinagot.
"Hello girl! I really had fun tonight! Sana sinamahan mo ko! Ang dami kong nakilalang boylet! Ang hot nila Girl! Grabe, lumalakas nanaman yung libido ko!" Tapos ay tumawa sya.
"Ikaw talaga! Alas-singko na hindi ka pa din umuuwi?! Mukang lasing na lasing kapa!" Sabi ng kausap nya.
"Ha? Anu naman? Wala namang magagalit sakin kung abutin ako ng umaga ah?! My Mom is on abroad. My Dad is sumakabilang bahay! Everyday walang tao sa bahay! I'm free to do what I want!"
"AKO! AKO ANG MAGAGALIT! Humanda ka sakin girl kapag nakita kita!"
"Humanda in your face! Alagaan mo nalang 'yang junakis mo!" Biglang natalisod si Breanna sa naka baon na lupa na dinaanan nya. Nadapa sya at nabitawanan ang cellphone nya. Nagkahiwa-hiwalay ang parte nito.
"SHIT!" Nanghihina na sya kaya hindi na nya maiangat ang sarili nya. Hanggang sa may tumapak ng kamay nya.
"OUCH!" Iniangat nya ang ulo nya para makita kung sino ang tumapak. Isang hindi nya kilalang lalaki na malaki ang katawan at matapang ang muka. May dalawa itong kasama. Muka silang rapist dahil sa paraan kung papaano nila titigan si Breanna.
"Who the hell are you?! Can you please remove your fucking feet to my hand?!" pagewang gewang na wika ni Breanna. Tumawa ang tatlong lalaking ito. Tinayo nilang tatlo si Breanna. Pero hawak ng dalawa ang dalawang braso nya.
"Narinig namin, lumalakas daw libido mo?"
"BITAWAN NYO KO! AYOKO SA INYO!" Nagpupumiglas si Breanna. Pero tatlong malalaking lalaki ito kaya wala syang laban. Ang isa ay hinalikan na sya sa leeg. Pero pilit na lumalaban si Breanna.
"Tara, dalin natin sya sa pwesto!" Excited na wika ng isa. Pero hahakbang palang sila, nang may biglang sumapak sa isa at tumilapon ito. Sunod na sinapak nito ang dalawang lalaki na may hawak sa braso ni Breanna. Napaupo si Breanna sa simento at pinanuod ang sapakan sa harapan nya.
Tatlong may malalaking katawan nga ang mga lalaking ito pero hindi sila umubra sa isang ito na akala mo lalaki kung manuntok, man-sipa at mukang balak pang basagin ang mga bungo nila. Masyadong mabilis kumilos ang isang ito at napaka bigat ng kamay. Duguan ang mga nguso at ilong nila. At nang maka hanap sila ng tyempo, mabilis na silang tumakaw, bago pa sila patayin ng babaeng ito.
Hinihingal si Deborah habang pinagmamamsdan ang tatlong tumatakbong naduwag sa kanya. Inilipat nya ang tingin kay Breanna na nakatulala sa kanya. Tinulungan nya itong makatayo.
"Infairness, ang la-laki nila pero natalo mo. Gandang barako mo talaga." Wika ni Breanna nang makatayo sya.
"Bakit mo ko tinulungan?" Seryosong tanong ni Breanna
"Bakit? Gusto mo bang magahasa?"
"Marumi naman na ko eh. Kaya ayos lang 'yun." Malungkot na sagot ni Breanna.
"Kung gusto mo, edi habulin mo sila." Aalis na sana si Deborah pero biglang hinawakan ni Breanna ang kamay nya. Napahinto tuloy si Deborah.
Kahit madilim ay nakikita nyang lumuluha ang mga mata ni Breanna.
"Sira na ang buhay ko." Umiiyak na wika ni Breanna.
"Deborah..... Buntis ako."
IPINAGHAHANDA ni Deborah ng almusal si Breanna. Nang matapos syang magluto ay inihatid na nya sa salas ang pagkain at inilapag sa lamesita na nakapagitna sa mga supa.
![](https://img.wattpad.com/cover/11144950-288-k834021.jpg)
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah