Chapter 25

97 3 0
                                        

"TEKA?! Bastos 'yung lalaking 'yun ah!" Nanggigigil na wika ni Dwight nang makita nya na may yumakap kay Deborah. Pati ang dalawang kasama nya ay biglang nag init ng ulo. Tatayo na sana sila para rumesbak pero...

"May tagos ka." Wika ng lalaking ito na nagpalupot ng jacket sa bewang ni Deborah. Nakayakap pa din ito sa likuran nya. Nang mabosesan ni Deborah ang lalaking ito ay agad nya itong siniko ng malakas. Dahilan para mabitawan sya nito. Hinarap sya ni Deborah. Mabilis na tinaggal ni Deborah ang jacket na nakapalupot sa bewang nya.

"Anung sabi mo?! Tagos?! Eh kakatapos ko lang!" Binato ni Deborah sa muka ni Gabby ang jacket at tsaka sinundan nya ito ng malakas na suntok, dahilan para bumagsak si Gabby sa sahig. Nagulat naman si Gabby sa bilis ng pangyayari. Ngunit nagawa nya pang ngumiti. Naramdaman nya na may tumutulong dugo sa ilong nya kaya pinunasan nya ito ng kamay nya.

"Kakaiba ka talaga." Natatawang wika ni Gabby.

"Tandaan mo 'to! WAG NA WAG KANG MANGANGAHAS NA HAWAKAN AKO KUNG AYAW MONG TAGUSAN KO NG DUGO 'YANG UNIFORM MO!" Galit na galit na wika ni Deborah. Tinalikuran na nya ang lalaking ito at mabilis na naglakad palayo.

"SALI KA SA FRAT NAMIN! HINDI KA NA I-HE-HAZZING!" Sigaw ni Gabby. Ngunit hindi huminto at lumingon si Deborah pero sigurado syang narinig nya nito. Napailing nalang si Gabby at tumawa.

Napanganga si Dwight, Clark at Giovanni sa nakita nila. Wala silang masabi sa katapangan ni Deborah.

"Hindi na nya pala tayo kailangan eh." Wika ni Clark.

"Oo nga. Mas malakas pa syang manuntok kesa sakin." Wika ni Giovanni.

"Nakalimutan ko. Red Rebel Girl pala sya noon. So, kayang kaya na nya yung mga ganyan. Matapang at malakas sya. Hindi na nya kelangan ng resbak Pre." Wika pa ni Clark.

Walang masabi si Dwight. Malungkot lang ang muka nya na sinusundan ng tingin si Deborah.

PUMASOK si Deborah sa CR at humarap sa salamin. Pinapakalma nya ang sarili. Nanginginig pa din kasi sya sa galit. Habang pinagmamasdan nya ang muka nya sa salamin ay unti unting nagbago ang pinta ng muka nya. Ang kaninang naka kunot noo, ngayon ay napalitan ng lungkot.

Nakita nya kasi sa gym si Dwight kanina. Pero nagpanggap syang hindi nya ito nakita. Dire-diretso lang sya sa paglalakad na parang relax lang pero sa totoo lang ay nagwawala nanaman ang puso nya.

Nasaktan sya ng yakapin sya ni Gabby, at hindi man lang sya nilapitan o ipinagtanggol nila Giovanni at Clark, lalo na si Dwight. Sigurado syang nakita sya ng tatlong 'yon, pero ni-isa man lang sa kanila ay walang nagmalasakit. Oo. Alam ni Deborah sa sarili nya na matapang at malakas sya. Pero hindi porket matapang at malakas na sya, hindi na nya kailangan ang mga kaibigan nya.

"Ang sabi ni Dwight, ako na daw ang pinaka matapang na Prinsesa na nakita nya. Ang sabi pa nya, hindi ko na daw kailangan ng Prinsipe para ipagtanggol, dahil kayang kaya ko na daw ang sarili ko. Paulit ulit kong sinasabi sa kanya na mahina din ako, pero ini-insist nya sakin na matapang at matatag ako. Ganun ba 'yun Dwight?! Kaya ba hindi mo ko nilapitan kanina dahil alam mong kaya ko na?! Ang hirap palang maging matapang."

Nagbuntong hininga si Deborah. Hinaplos ni Deborah ang pisngi nya ng dahan dahan.

"Prinsesa ba talaga ako? Anung klaseng Prinsesa ba ako? Unique Princess? Meron bang ganun? Kung wala akong Prince Charming, edi hindi nga ako Prinsesa. Oo. Tama. I'm not a Princess."

Walang ibang maramdaman si Deborah kundi kirot sa dibdib. Sa totoo lang ay simula nang mag-confess sya kay Dwight at nang malaman nyang engaged na pala ito ay hindi na sya makapag aral at makapag trabaho ng maayos. Palagi syang nakatulala at buong mag hapon nyang iniisip si Dwight. Naiirita na nga sya, dahil nakakaapekto na masyado sa mga ginagawa nya, pero hindi nya mapigilan. Lalo pa't broken hearted sya, at kumikirot ang puso nya.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon