Chapter 31

44 2 0
                                    

"SA sobrang lakas ng loob ko, nawawalan na ko ng pride. Lahat nalang ng nararamdaman ko, sinasabi ko. Kung dati, walang nakakaalam ng tunay na nararamdaman ko, ngayon naman, kabaliktaran. Sumobra naman ako. Sukdulang mawalan na ko ng pride."

Tila kinakausap ni Deborah ang sarili habang nagluluto.

Matapos nyang painitin ang Pancit canton ay isununod nyang ilagay sa kaldero ang sardinas. Tapos ay hinalo-halo nya ito.

Pumikit sya habang inaamoy ang niluluto.

"Hmmmm! Ang sarap sarap! Kahit ganito lang 'to, paborito ko 'to."

Maya maya'y pinatay na nya ang kalan.

Hinubad na nya ang Apron at kumuha ng mangkok at nagsandok.

Dumating na si Delilah. Sinalubong sya ni Deborah at hinalikan nya ito sa pisngi. Medyo basa si Delilah dahil hindi sapat ang dala nyang payong sa lakas ng ulan kaya agad kumuha ng twalya si Deborah at pinunasan ang Mama nya.

Umupo na si Delilah sa supa.

"Ma, diretso ligo ka na po kaya? Baka magkasakit kayo nyan eh." Nag-aalalang wika ni Deborah.

"Hindi na. Okay lang ako. Kumain na tayo."

"Maligo muna kayo Ma. Tamang tama, kakapa-init ko lang ng tubig. Maligo kayo ng maligamgam."

Hindi na hinintay ni Deborah na sumagot ang mama nya. Agad na nyang inihanda ang pampaligo nito. Hindi na tuloy nakatanggi si Delilah kaya naligo na sya.

Matapos maligo ni Delilah ay sabay na silang kumain.

"Kamusta po work nyo?"

"Ayus naman. Medyo nakaka stress. Pero kaya naman."

"Ay! Binilan ko nga po pala kayo ng vitamins kanina!"

"Talaga? Pero mas kailangan mo 'yun."

"May vitamins na ko. Kaya ikaw nalang po binilhan ko."

"Oh sige. Salamat anak."

Nginitian sya ni Deborah.

"Anak, mas masaya na ko ngayon."

"Ako din po."

"Masaya ako na nakapag usap kayo ng Papa mo kanina. Masaya din ako na nawala na ang poot ko sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam kapag wala ng galit sa puso. Nakapagaan. Minsan, ang blessing nagsisimula sa bangungot. Sa una, iisipin mong binangungot ka. Pero mare-realized mo na yung bunga ng bangungot ay isa palang napakagandang blessing. Minsan pinapadaan muna sa masakit at masalimuot na paraan yung magiging biyaya. Yun ang narealized ko. Kaya Deborah, wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko. Ikaw ang pinaka magandang ibiniyaya sakin ng Dyos."

"Biyaya ka din po sakin Ma. Thankful po ako dahil ikaw ang Mama ko." Maluha luha wika ni Deborah.

Nginitian sya ng matamis na ngiti ni Delilah.

"Napakagaan na talaga ng pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko, nabago ako."

"Opo. Nararamdaman ko din po 'yan. Napaka saya ko po talaga. Ayos na ayos na ang buhay ko. Kumpleto na ang pagkatao ko. Wala na kong ibang hihilingin."

"Hmm? Talaga? Wala na nga ba talaga?" Pabirong wika ni Delilah.

"Ehhh! Mama naman eh! Syempre, ibang usapan na kapag tungkol sa lovelife." Tumawa silang pareho.

"Oo nga pala, may lakad ka ba bukas?"

"Bukas? Wala po. Bakit po?"

"Samahan mo ko."

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon