"HEY Girl! Tama na 'yan!" Saway ng isang mapusturang babaeng ito sa kaibigan nyang si Breanna na nakaka-ilang bote na ng alak. Hindi na ito makakilos ng maayos dahil sa kalasingan. Apat silang magkakaibigan na nasa loob ng kwarto nya na naka Indian sa kama at nag-iinuman. Inabot na sila ng madaling araw.
"Girl? Mukang hindi ka na makakapasok nyan. Tumigil ka na nga sa kakainom!" Inaagaw ng isang ito ang bote na hawak ni Breanna pero hindi sya pumapayag.
"Hindi ako papasok! Magda-drop nako!" Wika ni Breanna sabay tungga sa bote.
"SHUNGA! Graduating ka na, ngayon ka pa hihinto?! Wag kang tumulad samin! Wala kaming pinag-aralan! Ikaw lang ang pinaka matino sa barkada! Lahat kami may anak na, ikaw wala pa! Hindi pa sira ang buhay mo!" Payo ng isa nyang kaibigan.
"Kung virgin ba ko na nakuha ni Bogs, magiging kami kaya?"
"Si Bogs Aljhon Comentador nanaman ang problema mo! Gumising ka nga! Wala syang kwentang lalaki! Sex lang ang gusto nya!"
"Yun na nga eh! Bakit kasi sya pa?!" Tiniklop nya ang tuhod nya at niyakap ang binti para maikulong ang sarili. Humagulgol sya ng iyak.
"Nagmalinis ako para sa kanya! Nagbagong buhay ako para maging disente sa paningin nya. Gusto kong maiba sa mga naging babae nya! Lahat kaya kong gawin para sa kanya! BAKIT HINDI NYA KO MAGUSTUHAN?!" Binato nya ang boteng hawak sa pader.
"Girl tama nayan!" Niyakap sya ng tatlo nyang kaibigan para ma-comfort. Walang kasing sakit ang nararamdaman ni Breanna. Dati syang playgirl na kada bwan ay iba iba ang nagiging boyfriend at lahat ng 'yon ay may benepisyo sa kanya. Simula ng mag college sya at makilala si Bogs ay sinikap nyang magbago. Nagpakatino sya at nagpaka disenteng babae. Nababaliw sya sa pag-ibig nya kay Bogs. Kahit masama ang ugali nito ay hindi nya maiwasang mahalin.
NAKI-SIT in si Dwight sa klase ni Deborah. Habang wala pang klase si Dwight ay doon muna sya sa room ni Deborah. Matapos ang klase ay nagpunta sila ng library para gawin ang research. Seryoso silang nag-aaral lahat, maliban kay Dwight. Naglalaro lang kasi sya sa cellphone at naghihintay lang ng oras ng klase nya.
"Clark, anung title ng research mo?" Tanong ni Deborah.
"Love obsession can lead to mental disorder." Sagot nito.
"Wow! Maganda 'yan! Teka? May nakita akong article tungkol dyan sa libro na binasa ko kahapon!"
"Talaga? Anung libro?"
"Teka, hanapin ko." Tumayo si Deborah para maghanap ng libro. Tumayo din si Dwight at sinundan sya. Nagtitinginan naman ang mga kaibigan nya na parang nag-uusap ang kanilang mga mata. Kanina pa sila may nahahalata kay Dwight.
Nadi-distract naman si Deborah sa paghahanap ng libro sa book shelve dahil naka sunod sa kanya si Dwight. Pero tumutulong na din sya sa paghahanap ng libro.
"Deborah, yung kinuwento mo kanina..." Wika ni Dwight. Tumingin sa kanya si Deborah.
"Parang hindi ako naniniwala na mahal talaga ng Papa mo 'yung Mama mo. Kasi kung talagang mahal nya yung Mama mo, dapat marunong syang tumanggap." Napahinto sa paghahanap si Deborah.
"Una, nung masubukan nyang hindi na virgin si Tita, nagalit sya. Bakit? Yung Virnity ba ang sukatan ng pagmamahal? Tsaka hindi na sya naawa. Nagahasa na nga si Tita, ginawa nya pang miserable ang buhay nya. Kung mahal nya talaga si Tita, dapat tinulungan nalang nya sa pagbubuntis at tinanggap ka. Kaya wala akong nakikitang kahit anung pagmamahal sa kanya."
Nalungkot ang muka ni Deborah.
"Naisip ko din 'yun. Pero nasiraan na kasi sya ng pag-iisip. Nang malaman nya kasi yun, nag drugs na daw sya. Hindi nya talaga matanggap eh. Kaya ayun. Wala na sa katinuan. Naging adik na. Kaya mas pinili ni Mama na ipakulong nalang at ipa-rehab."
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romansa"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah