MAHAPDI na ang sikmura ni Breanna kaka-suka. Sa school pa sya sinumpong ng paglilihi, at dahil don, hindi na sya nakapasok ng first subject nya. Halos kalahating oras na syang nasa CR at suka ng suka. Hinihingal na sya at nanghihina. Nakikita sya ng mga estudyante na nagsi-CR, tinatanung sya kung ayos lang sya, tumatango lang sya at pilit na ngingiti. Ngunit walang nagtatagal na estudyante sa loob ng CR dahil sa mabahong amoy dulot ng suka ni Breanna. Kaya nakabukas lang ang gripo para malinis agad ang lababo.
May isang grupo ng mga babae na pumasok sa CR.
"Oh? Breanna?! Anung nangyayari sayo?!" Nag-aalalang tanong ni Deborah. Agad nya itong nilapitan. Nilapitan din sya nila Elizz.
"Wala. Okay lang ako." Nanghihinang sagot ni Breanna.
"Namumutla ka na oh. Pumunta ka na kaya sa Clinic." Wika ni Dea.
"Ayoko. Hindi na. Kaya ko to. Nakakainis lang, nagsisimula pa lang ang araw, sinusumpong nanaman ako."
"Umuwi ka na kaya muna. Magpahinga ka muna." Suhestiyon ni Deborah.
"Hindi pwede. Nakaka ilang absent na ko. Isang linggo pa lang bago mag simula ang sem, tatlo na ang absent ko."
"Eh paano ka na nyan?" Nag-aalalang wika ni Megara. Ngumiti si Breanna kahit na hirap na hirap na.
"Okay lang ako. Babalik na ko sa classroom."
Inalalayan ni Deborah si Breanna sa paglabas. Ihahatid na nila ito sa classroom nya.
Nang makarating na sila, sinalubong si Breanna ng mga kaklase nya sa labas pa lang.
"Breanna Andaliza! Bakit hindi ka pumasok? Ikaw, namumuro ka na ah. Anu bang nangyayari sayo?! Ba't ganyan ang muka mo! Muka ka ng mathunder!" Sermon kay Breanna ng bakla nyang kaklase.
"May mga kasama ka pang gwardya sibil." Dugtong pa nya."Tumigil ka nga dyan! Hindi sila gwardya! Kaibigan ko sila!" Naiirita na sagot ni Breanna. Bumitaw na sya kay Deborah at pumasok na sa classroom nya. Sinundan naman sya ng bakla.
"Kaibigan mo pala 'yung Red Rebel Girl. Kinaibigan mo ba sya para may tagapagtanggol ka?" Bigla syang nasampal ni Breanna. Nagulantang naman ang bakla.
"WAG MO SYANG TATAWAGING RED REBEL GIRL! MAS MUKA KA PANG REBELDE KESA SA KANYA!" Galit na sigaw ni Breanna. Napatingin sa kanya lahat ng mga kaklase nila.
"Bakit ba ang init ng ulo mo?!" Naiinis na wika ng Bakla.
Hindi na sya sinagot ni Breanna dahil lalo lang iinit ang ulo nya. Umupo na sya sa upuan nya.
"Nasan na si Dwight?" Tanong nya sa katabi nya.
"Kakaalis lang. May duty pa daw kasi sya eh."
"Anu ba 'yan! Hindi ko man lang sya nakakausap!" Naiinis na wika ni Breanna.
Nakita ni Breanna na nasa labas pa ng classroom nila sila Deborah. Nginitian sya ni Breanna.
Kinawayan na sya ng mga ito at umalis na sila.
"Ang hirap talaga ng nagbu-buntis. Hayop talaga 'yang si Bogs. Tinakasan nya ang mga obligasyon nya at tumira na sa probinsya!" Nagagalit na wika ni Deborah. Naglalakad sila sa corridor.
"Alam mo naman, mga walang kwenta na ang mga kalalakihan ngayon. Nambubuntis nalang. Buti nalang si Giovanni my love naiiba." Biglang kinilig si Elizz.
"Ikaw na inspired. Hahaha!" Wika ni Deborah.
"Inspired ka din naman ah?" Nakangiting wika ni Dea. Nag init ang pisngi ni Deborah.
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Любовные романы"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah