NASA library si Breanna at kaharap ang isang makapal na libro. Pero hindi sya nagbabasa. Nakatulala lang sya dito at nakatingin sa kawalan. Naaalala nya ang nangyari sa kanila ni Bogs.
Mamaya maya'y isinara na nya ang libro at tumayo na. Uuwi na sya dahil ginabi na nya kakatambay sa Library. Pagdaan nya ng Main Gate ng school ay nakita nya si Dwight at Bogs mula sa malayo na sabay naglalakad. Nagdadalawang isip sya na lapitan ang dalawang ito. Pero nagtaka sya ng makita nyang huminto ang dalawang ito. Huminto din sya sa paglalakad at kumunot ang noo nya. Mamaya maya'y nakita nyang nagalit ang muka ni Dwight at mabilis hinatak si Bogs at dinala kung saan. Nawala sila sa paningin ni Breanna kaya hinabol nya ang dalawang 'yon. May kutob sya na may hindi magandang nangyayari sa dalawang kaibigan nya.
NAKITA ni Breanna ang dalawang kaibigan sa likod ng school kung saan ma-puno at walang tao. Nagulat sya ng makita nyang may dugo silang pareho. May dugo si Dwight na tumutulo sa gilid ng labi, si Bogs naman ay may tumutulong dugo sa ilong. Nag-alala sya kaya umeksena na sya.
"ANUNG NANGYAYARI DITO?!" Nag-aalang tanong ni Breanna. Pumagitna sya sa dalawang ito dahil mukang may balak na mag suntukan nanaman.
"HOY! Anu ba kayo?! Dwight! Bogs! Anung problema nyo?! Dwight! Hindi mo ba nakikita may pilay pa si Bogs?! Bakit nyo nagawang magsuntukan?!"
Walang sumasagot sa kanila. Tanging ang mga hingal lang nila ang maririnig. Nilapitan ni Breanna si Bogs at inalalayan dahil mas mukang nahihirapan ito.
"Okay ka lang ba? Natamaan ba ang pilay mo?" Nag-aalalang tanong ni Breanna. Tumingin sya kay Dwight.
"DWIGHT NABABALIW KA NA BA?! Hindi mo ba naiisip ang kalagayan ni Bogs?!" Galit na wika ni Breanna. Hindi sumsagot si Dwight. Nakatingin lang sya ng masama kay Bogs at hinihingal. Pinunasan nya ng likod ng palad nya ang dugo sa labi nya.
"Sya ang nagsimula ng gulo." Hinihingal na wika ni Bogs.
"Anung problema mo Dwight?!" Nanlalaki ang mata ni Breanna sa galit. Pero hindi sya pinapansin ni Dwight. Kinuha ni Dwight ang bag nya na nasa likuran nya at iniwan na silang dalawa.
"GAGO KA!" Pahabol na wika ni Bogs. Pero hindi na sya binalikan ni Dwight. Umupo sila ni Breanna sa lupa at pinupunasan ni Breanna ang dugo nya.
"Sagutin mo nga ako! Anu bang problema nyong dalawa?!"
"Wala ka na dun!" Matabang na wika ni Bogs. Pinilit nyang makatayo at naglakad palayo. Nainis naman si Breanna. Hinabol nya ito.
"HOY! Ang kapal ng muka mong tratuhin ako ng ganyan! Pagkatapos ng nangyari sa atin—"
"Bakit? Pinilit ba kita? Pinagbigyan lang naman kita eh. Matagal ko ng alam na hindi ka birhen. Alam ko ang baho mo. Alam ko din na nagmamalinis ka lang. Kaya tumigil ka na sa pagpapanggap. May natatago ka din namang kalandian." Parang sinampal si Breanna sa sinabi ni Bogs. Tinalikuran ulit sya ni Bogs at nanatili syang nakatayo. Tumulo ang mga luha nya at nanginginig ang mga kamay nya sa galit.
"HAYOP KA BOGS! NAPAKASAMA MO!" Sigaw nya ngunit hindi sya nililingon ni Bogs. Napaluhod sya at humagulgol ng iyak. Sumisigaw sya sa galit. Hindi nya maintindihan kung bakit sa kabila ng mala-demonyong ugali ni Bogs ay nagagawa nya pa itong mahalin. Wala syang magawa kundi umiyak nalang sa sobrang galit.
MASAYA si Deborah habang nagkakainan sila kasama ang mga kaklase nya sa bahay nila. Nakaupo sila sa supa sa salas at may lamesa sa gitna. Masaya silang nagkukwentuhan at kumakain.
"Napaka bilis naman ng pangyayari! Akalain nyo yun? Si Elizz at Giovanni na?" Nakangiting wika ni Deborah.
"Oo nga. Pinatagal nyo pa, sana noon palang nagka-aminan na kayo para matagal na kayong mag jowa! Hahahahaha!" Natatawang wika ni Dea.

BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romantik"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah