"YEAH. I'm okay na." Mahinahong wika ni Deborah sa kausap nya sa cellphone.
"IKAW TALAGA! Nakakagigil ka! Nung tinanung ko sila Elizz nung isang araw, ang sabi mo daw, nasa duty kapa! Ayun pala, naglalasing ka na! BALIW KA! BABATUKAN KITA PAG NAKITA KITA!" Halos mabingi si Deborah sa pagsigaw ni Breanna sa cellphone.
"Next time kung gusto mong uminom, yayain mo ko! Hindi yung mag-isa kang umiinom!" Natawa si Deborah ng walang sounds para hindi marinig ni Breanna.
"Yung totoo? Saan ka ba nagagalit? Dahil ba sa nag lasing ako, oh dahil hindi kita niyaya?"
"BOTH!"
"Bruha ka sis. Makapag salita ka, akala mo dalaga ka pa. Nanay ka na oy!"
"Dalagang Ina ako noh! Nasan ka ba ngayon? Katatapos lang ng klase ko. Kasama ko si Dwight. Puntahan ka namin."
"Nananadya ka talaga sis ano? Isasama mo pa talaga 'yang lalaking yan. Hanggang ngayon hindi pa ko maka move on sa nangyari."
"Joke lang. Hindi ko sya kasama. Nasa klase sya ngayon. Nasan ka? Sabay tayo mag meryenda. Hapon na oh. Magmeryenda muna tayo."
"Busy pa ko ngayon. Nandito ako sa guidance office. Madami pa kong kailangang tapusin. Sensya na sis."
"Awww. Okay. Next time ha?"
"Yeah. Bye na muna!"
"Bye bye! Mwah!"
Pinatay na ni Deborah ang cellphone. Nag ayos na sya ng mga papeles na nasa harapan nya. Maya maya'y may lumapit sa kanyang lalaki - guidance staff.
"Deborah, pakidala nga ito sa High school guidance. Kailangang kailangan nila nito." Iniabot ng lalaking ito ang limang folder.
"Opo." Magalang na tugon ni Deborah. Kinuha nya ang folder at lumabas na ng office.
Habang naglalakad si Deborah sa corridor, tumingin sya sa wrist watch nya. 4:45pm na. Eh 5:00 pm nagsasara ang High school guidance kaya nagmadali na sya sa paglalakad. Ang layo pa naman ng High school building kaya mas nagmadali pa sya. Kahit may takong ang sapatos nya ay tumakbo na sya.
Pero bigla syang natapilok at napaupo sya sa simento. Nabitawan nya ang mga folder at nagkalat ang mga papel na nakaipit dito.
"OH MY GOD!" Dali dali syang tumayo at mabilis na pinulot ang mga folder at papel. Tapos ay humanap sya ng upuan sa hallway para mag ayos ng papel.
Nakakita naman sya ng mahabang upuan.
Nang makaupo na sya ay mabilis nyang inayos ang mga papel.
Sa may di kalayuan, may tatlong babaeng nakatingin sa kanya.
"Yan ba ang kinakalantari ng Boyfriend ko?!" Taas kilay na tanong ng pinaka matangkad sa kanila na nasa gitna.
"Oo girl. Yung dating Red Rebel Girl. Lagi silang nag aaway ni Gabby non, pero ngayon, type na type na sya. Nakita ko nga sa gym na niyakap sya ni Gabby eh." Paliwanag ng isang kasama nya.
"Really? 'Yang mukang yan?! Wala pa nga sya sa paa ko eh! Paano sya nagustuhan ni Gabby?!"
Nag kibit balikat lang ang dalawang kasama nya.
Lumapit silang tatlo kay Deborah at tinabihan ito sa pagkakaupo. Katabi ni Deborah sa kanan ang pinaka matangkad, at nasa kaliwa naman nya ang dalawang kasama nito. Yung pagkakaupo ng matangkad na babae ay halos gitgitin na si Deborah.
"Ano ba 'to?! Maka dikit, wagas?! Ang luwag luwag ng space. Feeling nya ang bango nya. Amoy putok na sya. Excuse me. Pausog ng konti."
Hindi sya pinansin ng matangkad na ito.

BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romans"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah