Chapter 16

78 3 0
                                    

"KAMUSTA naman na yung Mama mo? May lagnat pa ba sya?" Tanong ni Elizz.

"Meron pa." Sagot ni Deborah.

"Wala ka bang kapatid para may magbantay sa kanya para hindi ka naka absent kahapon?"

"Wala. Ako lang mag-isang anak nya."

"Ahh. Sana pala tinext mo kami kahapon. Para nagpunta kami sa bahay mo at nang madalaw namin yung Mama mo."

"Wala na kong cellphone. Sinira ko na. Break na kami ni Bogs eh."

"REALLY?! That's a good news!" Tuwang tuwang wika ni Elizz. Halos humiyaw silang lahat sa tuwa nang malaman iyon. Pinipilit naman ni Deborah na ngumiti. Dahil hindi pa sya okay. Nasa eskwela nga sya pero ang utak nya ay nasa ospital.

"Anu bang nangyari? Nag away kayo?" Nakangiting tanong ni Megara.

"Oo. Gago sya eh. Kaya binugbog ko." Seryososng sagot ni Deborah. Natigilan naman ang mga kaibigan nya at napanganga.

"Ano? Binugbog? Si Bogs?" Nanlalaking matang tanong ni Clark. Nagkatinginan sila si Giovanni.

"Nakausap natin kahapon si Dwight diba? Tinanung natin na kung baka magkasama sila kahapon. Pero ang sabi ni Dwight, napilayan daw si Bogs." Inilipat nila ang tingin kay Deborah.

"Ikaw ang pumilay sa kanya?" Nanlalaking matang tanong ni Giovanni at Clark.

Tumango si Deborah. Nagulat din sila Elizz.

"Pero bakit mo sya binugbog? Minanyak ka ba nya?" Deretsyahang tanung ni Dea.

"Oo." Prangkang sagot nya.

"OH MY GOD! BUTI NGA GINAWA MO SA KANYA YUN!" Galit na galit na wika ni Elizz.

"Manyakis ang putik! Pare, abangan kaya natin sa main gate yun mamaya." Wika ni Clark.

"Nagkamali sya! HAHAHA! Pilay at bugbog tuloy ang inabot nya. WAHAHAHAHA!" Tumatawang wika ni Megara.

"Sorry pala sa inyo ah. Sana naniwala nalang ako sa inyo. Pero okay na ko ngayon. Wala na kong nararamdaman sa kanya kundi galit. Pero hindi pa sya tapos sakin. Kapag nakita ko sya, kabilang braso naman nya ang pipilayan ko."

Tumawa sila sa sinabi ni Deborah.

"Well, Masaya kami na nagising ka na sa katotohanan. Buti naman wala na kayo. Wala kang kinabukasan sa lalaking yun!" Wika ni Dea.

"You're the one Deborah! If you need our help, nandito lang kami! Pero sa tingin ko, kayang kaya mu na 'yun eh. Ikaw pa!" Inakbayan sya ni Elizz.

"Puputulan ko ng ulo yung ano nya." Tumawa sila sa sinabi ni Giovanni. Natutuwa naman si Deborah sa concern sa kanya ng mga kaibigan nya. Kahit na may malaki syang problema ngayon, sandali nya 'yong nakakalimutan dahil sa mga mahal nyang kaibigan.

NAGMAMADALING umuwi si Deborah para makapunta agad ng ospital. Mabuti nalang ay maaga ang uwi nya ngayon. Mabilis syang nakarating ng ospital at agad nyang binuksan ang pinto ng kwarto ng Mama nya. Nagulat sya ng makita nya itong gising na at malungkot na nakatingin na sa kanya. Dahan dahan nyang sinara ang pinto. Hindi nya alam kung ano ang dapat maramdaman. Unti unti syang naglalakad papalapit dito. Namamasa na ang mga mata nya. Hindi nya alam ang dapat sabihin. Sobrang hiyang hiya sya.

Nakikita nyang umiiyak na din ang Mama nya habang nakatingin sa kanya. Dahan dahan syang umupo sa tabi nito. Nanginginig ang mga kamay nya. Wala talaga syang masabi. Kaya ang mata nalang nya ang nagsalita para sa kanya. Umagos ang mga luha nya at niyakap nya ng mahigpit ang Mama nya.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon