SA unang tatlong bwan ng taon ay naging abala si Deborah pati ang mga kaklase nya. Madami silang thesis na ginawa, at kung minsan pa, nare-reject yung mga ginagawa nila. Madalas silang dismayado, pero wala silang ibang dapat gawin kundi bumawi at maghirap ulit na gumawa.
Dumating pa sa puntong naging delikado si Deborah na maka graduate dahil yung written report na dapat nyang ipasa ay nawala at na-delayed ang pagpasa nya. Buti nalang ay napakiusapan nya ang professor nya at binigyan sya ng isa pang pagkakataon.
Abala din si Dwight sa mga requirements, projects at thesis. Bihira nalang nyang makasama ang mga kaibigan dahil mas nagpo-focus sya sa pag-aaral. Nagkikita kita naman sila sa school kapag lunch. Yun lang ang oras nilang mag bonding. Pero pag tapos nun ay balik na sa gawain.
Si Breanna naman, sa kabila ng pagbubuntis nya, sinikap pa din nyang makapag aral ng mabuti kahit na madalas sumasama ang pakiramdam nya, at kung minsan nakaka-absent pa sya. Naiintindihan naman sya ng mga professor nya dahil alam nila na buntis ito. Kaya binibigyan nila ito ng pagkakataon. Madalas syang nakila Deborah. Sabi kasi ni Deborah na kailangan nya ng kasama, kaya halos doon na nakatira si Breanna, minsan minsan nalang umuuwi sa talagang bahay nya. Okay lang naman sa Mama ni Breanna na nasa Canada. Ipinakilala nito si Deborah at Delilah sa kanya habang naka skype sila. Kaya panatag na ang loob ng Mama ni Breanna at malaki ang pasasalamat nito sa mag-ina.
Magkatulong silang dalawang magkapatid sa pagawa ng projects at thesis. Dumating pa sa puntong gusto ng sumuko ni Breanna dahil pagod na pagod na sya at hirap na hirap na sya. Dagdag pa ang depression na dulot ng pagiging single mom nya. Pero palaging nandyan si Delilah at Deborah para palakasin ang loob nya. Kaya kahit sobrang busy na ni Deborah sa school, tumutulong pa din sya kay Breanna sa mga Gawain nito.
Lahat sila ay sobrang abala talaga.
Gayunpaman, hindi naman sila pumapayag na ganun nalang ang maging routine nila. Sa loob ng isang bwan ay sinisikap nilang makalabas sila para makapasyal at makapag relax kahit isang araw lang. Kung hindi man sa Mall, ay tatambay lang sila sa bahay nila Deborah, magmo-movie marathon at foodtrip. Yun lang ay sapat na para sa kanilang stress reliever.
Hindi lumilipas ang isang araw na hindi naiisip ni Deborah si Dwight. Kahit nga busy sya, ay palagi pa rin syang nagkakaroon ng oras para isipin ito. Hindi nya maiwasan. Hindi nya talaga magawang makalimutan ito. Hindi nya magawang makapag move on.
Kapag magkasama sila ni Dwight, pilit nyang tinatanggal ang awkwardness para maging natural ang pag-uusap nila. Pinipilit nyang umakto na parang hindi sya nagtapat ng pag-ibig dito. Pinipilit nyang umakto na parang hindi sya broken hearted. Matalik na kaibigan ang pagkakatrato nya ka Dwight, kaya kapag magkasama sila ay kaswal lang. Sa ganung paraan ay mas nagiging masaya ang bawat sandali na magkasama sila.
"Hindi ako makapaniwala. Darating na ang araw na pinaka hihintay ko. Hindi ako makatulog sa sobrang excited." Sabi ni Deborah sa kausap nya sa cellphone. Nakahiga sya sa kama at katabi si Breanna na natutulog na.
"Ngayon palang, congratulations na sayo!" Sagot naman ni Dwight.
"Maraming salamat! Ikaw din! Congratulations! Ang saya ng graduation nyo kanina. Mas lalo akong na-excite sa graduation namin."
"Don't worry. Ilang oras nalang, kayo naman."
"Oo nga eh. I really can't wait."
"Nga pala, si Breanna? Talaga bang kukunin na sya ng Mama nya sa Canada?"
"Oo eh." Malungkot na sagot ni Deborah.
"By next week na daw. Iiwan na nya ko. Ang daya. Hehehe. Pero alam ko namang mas mapapabuti sya dun. Atlis, kasama na nya yung Mama nya. Mas maaalagaan sya. At baka nandun talaga ng future nya pati ng baby nya."
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah