"ENGAGED nako. Sana sinapupunan palang ako ng nanay ko, engaged na ko. Arranged marriage. Pure chinese ako. Dito lang ako nag-aaral sa pilipinas dahil balak naming magtayo ng business company dito pag nakatapos ako. Twing summer umuuwi ako ng china. Hindi Dwight ang tunay kong pangalan. Screen name ko lang 'yun. Ho Kien Lim ang buong pangalan ko. Yung fiancei ko, mayaman. Kami, hindi. Magkumare ang mga magulang namin, kaya nang malaman nilang babae at lalake ang ipinagbubuntis nila, ipinagkasundo na kami kagad, for the sake of money. Pasensya na kung hindi ko kaagad nasabi sa inyo. Balak ko talaga 'tong sabihin sa inyo, gusto ko nga, sa akin matapat yung bote kanina para makilala nyo na ako. Matagal na din 'tong alam ni Bogs at Breanna."
Lahat sila ay napatingin kay Breanna.
"Pero sinabi ko sa kanya na huwag sabihin sa inyo dahil ang gusto ko, ako ang magsasabi. Kaya Deborah..." Nang muli nyang tignan si Deborah ay nakita nyang lumuluha ito.
"Sorry. Hindi pwedeng maging tayo." Malungkot na wika ni Dwight. Nadurog ang puso ni Deborah sa narinig nya. Yumuko sya na umiyak.
Biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto.
"Excuse me. May naghahanap sayo Dwight." Nagulat si Delilah dahil nakita nyang umiiyak si Deborah.
Nakita nila na may kasamang dalagita si Delilah.
"Kuya!" Tawag sa kanya ng dalagita.
"Yen?" Tumayo si Dwight at nilapitan ang kapatid.
"Bakit umiiyak si Deborah?" Tanong ni Delilah.
"Kami na pong bahala Tita." Nakangiting wika ni Elizz.
"Oh sige." Sinara na ni Delilah ang pinto.
Tumingala si Deborah. Nakita nya ang dalagitang kasama ni Dwight. Pamilyar sa kanya ang batang 'yon.
"Oo nga pala, pinasunod ko 'tong kapatid ko dito para ipakilala sa inyo. Sya si Yen Mei Lim."
Hindi sila makapag salita. Hindi sila maka get over at patuloy pa silang nagugulat. Muka kasing intsik na intsik ang itsura ng dalagita.
"Ikaw? Si Mei?" Mahinang wika ni Deborah habang nilalakihan ang mata.
"Ate Red! Ikaw pala 'yan! Magkakilala pala kayo ni Kuya! Ang galing! Small world! Teka? Bakit ka umiiyak?" Napailing nalang si Deborah at yumuko. Tinakpan nya ng dalawang palad nya ang muka nya at umiyak.
"Iwan nyo muna ko please. Gusto ko munang mag-isa" Wika nya habang umiiyak.
"Deborah..." Malungkot na tawag ni Dea. Nagkatinginan silang lahat at nag senyasan na dapat na nga silang umalis.
Tumayo na sila at mabagal na naglakad palabas ng kwarto ni Deborah. Pero naiwan si Dwight at si Yen. Malungkot nilang pinagmamasdan si Deborah habang naka Indian sit ang umiiyak.
Hinawakan ni Yen ang kamay ng Kuya nya at sumenyas na dapat na silang umalis.
Nang maramdaman ni Deborah na umalis na sila ay tsaka nya inihiga sa sarili sa sahig at tiniklop ang katawan na parang hipon. Pinapalo nya ang dibdib nya para maibsan ang matinding kirot na nararamdaman nya.
"Imposible 'to. Nananaginip lang ako. Nananaginip lang ako!" Kinagat nya ang kamay nya. Nang masaktan sya ay humagulgol na sya ng iyak.
PARANG lutang ang mga isip nila Elizz habang naglalakad pauwi kasama ang mga kaibigan nya. Kasama din nilang naglalakad si Dwight at Yen. Nakatingin lang si Dwight sa baba at halatang malalim ang iniisip.
"Breanna?" Tawag ni Giovanni.
"Gaano katagal mo ng alam na Chinese si Dwight?"
"Since first year. Dahil mag bestfriend kami, inamin nya samin 'yon." Sumulyap si Breanna kay Dwight, nakita nyang walang reaksyon ang muka nito.
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah