Chapter 32

42 2 0
                                    

"HAPPY NEW YEAR!" Nilapitan ni Delilah si Dwight at Yen.

"HAPPY NEW YEAR TITA!"

"HAPPY NEW YEAR PO!" Masayang bati ni Yen.

"Ang saya saya naman! Nandito kayo. Nagmamadali ba kayo? Dito muna kayo." Pinaupo muna sila sa supa ni Delilah.

"Ahh tita. Para sa inyo po oh." Inaabot ni Dwight ang mga dala nilang pagkain.

"Wow! Nag-abala pa kayo! Salamat!" Masayang nyang tinanggap ang mga bigay ni Dwight. Tapos ay dinala nya 'yon sa kusina.

"So, ano? Nag teleport ka ba? Nakakagulat ka eh. Nandito ka kagad."

"Hindi. Plano ko na talagang magpunta dito." Sagot ni Dwight. Tumingin sya kay Yen. Nag make face lang si Yen sa kanya.

"Nasan pala si Ate Deborah?" Tanong ni Yen.

"Ewan ko. Biglang nawala eh."

Nakahawak ng mahigpit si Deborah sa dibdib nya. Damang dama nya ang bilis ng tibok ng puso nya. Naririnig nya mula sa labas ng banyo ang boses ni Dwight. Lalo syang nanghihina sa kaba habang naririnig ang boses ni Dwight.

"Anu bayan! Masyado akong obvious! Bakit ba ko nagtatago?! Eh bahay ko to?! Grrrrr! Anu bayan! Bwisit talaga 'tong si Sis!"

Bubuksan na sana ni Deborah ang pinto, pero nagdadalawang isip sya.

"Anu ba?! Baka abutin ka ng bagong taon dito Deborah! Lumabas ka na! Wala ka dapat ikahiya! Mas nakakahiya tong ginagawa mo! Masyado ka ng obvious. Baliw!!"

Narinig nya na nagkakantahan sila. Nakakarinig sya ng tunog ng gitara at sabay sabay silang kumakanta.

"San ba nagpunta si Deborah?" Tanong ni Delilah habang kumakain ng siomai.

"Baka po nasa kwarto nya. Nag gown pa ata." Pabirong sagot ni Breanna. Sabay tawa.

"Teka. Mapuntahan nga." Tumayo si Breanna at umakyat.

"Tita, pa CR po ah."

"Ah sige."

Binigay muna ni Dwight ang gitara kay Yen at si Yen naman ang tumugtog.

Naglakad na si Dwight papunta sa CR.

Paghawak ni Dwight sa door knob, iniikot nya ito pero ayaw mahatak ng pinto.

"Shemay! Wag ka munang mag CR! Umalis ka muna!" Wika ni Deborah sa isip isip nya.

"Hmm? Bat ayaw?" Inikot nya ulit ang door knob at hinahatak pero ayaw talagang mabuksan.

"Wala sya sa kwarto!" Narinig ni Dwight na sabi ni Breanna habang bumaba ito ng hagdan.

Ngumiti si Dwight, at tumingin ng diretso sa pinto. Mukang alam na nya kung nasan si Deborah.

Hindi na nya muna iniikot ang door knob. Hawak lang nya ito. Ilang minuto syang nandon lang.

"Wala na ba? Pwede na ata kong lumabas." Huminga muna ng malalim si Deborah bago hawakan ang door knob.

Nang buksan nya ang pinto, nakita nya si Dwight na nahakawak din sa door knob.

Halos malaglag ang puso nya sa gulat.

"Deborah! Please escape!" Hiyang hiya si Deborah. Gusto nyang maglaho.

"Bakit ang tagal mo? Ihing ihi na ko." Wika ni Dwight. Biglang binitawan ni Deborah ang door knob.

"Ay. Sorry." Dahan dahang lumabas si Deborah ng banyo.

"Oh. Ikaw na."

Pumasok na si Dwight ng banyo at sinara na ang pinto.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon