Chapter 15

116 3 0
                                    

"BAKIT wala pa si Deborah? Absent na sya sa dalawang subject natin." Wika ni Dea. Kasalukuyan syang nasa University Hall kasama ang mga kaklase nya.

"Yeah. Major subject pa yung inabsenan nya. Tinetext ko at tinatawagan, cannot be reached." Wika naman ni Elizz.

"Magsisimula na yung program. Ayaw nya atang panuorin 'yung boyfriend nya." Tumawa si Giovanni.

"Darating din yun mamaya. Hintay lang natin. Hindi naman agad agad sila Bogs yung magpeperform eh." Wika ni Clark.

"ANU BA?! Nasan na ba si Bogs?! Kailangan pa natin ng isang pasada!" Mainit na ang ulo ni Dwight.

"Kanina ko pa nga tinatawagan hindi sumasagot! Pwede bang chill ka lang?! Sa tingin mo ba makakapag perform tayo na mainit ang ulo mo?! Darating din yun!" Naiinis na din si Breanna.

Nape-pressure na silang dalawa. Kahit na hindi sila ang unang magtatanghal, kailangan ngayon palang ay kumpleto na silang tatlo. Pero ang masaklap, hindi nila ma-contact si Bogs at hindi nila alam kung nasaan na ito. Napaka init sa backstage. Lalo tuloy nag iinit ang ulo ni Dwight.

"Baka magkasama lang sila ni Deborah?" Nakataas ang isang kilay ni Breanna nang itanong iyon. Wala namang naisagot si Dwight.

"MARAMING salamat talaga sa inyo ah. Buti nalang nakita nyo si Mama. Kundi baka natuluyan na sya. Sobrang salamat talaga." Mangiyak ngiyak na wika ni Deborah sa dalawang kabitbahay nya na nagdala sa Mama nya sa ospital.

"Wala yun. Magkakapit bahay tayo, sinu-sino pa bang magtutulungan." Ngumiti ang lalaking ito.

"Ipananalangin namin ang Mama mo." Ngumiti din ang isang lalaking ito. Tumingin sya sa wrist watch nya.

"Oh pano? Maiwan ka na namin. May pasok pa kami sa trabaho."

"O sige sige. Maraming salamat ulit. Mag-iingat kayo." Kumaway na ang dalawang ito kay Deborah at tumalikod na at naglakad palayo.

Nang makaalis na ang dalawa ay matamlay na naupo si Deborah sa upuan na nasa hallway ng ospital. Isinandal nya ang ulo nya sa pader at pumikit ng mariin. Pag dilat nya ay namumula na ang mata nya. Parang naiiyak.

"Bantay ni Delilah Mandi?" Tawag ng nurse paglabas ng isang kwarto. Agad namang tumayo si Deborah at lumapit sa nurse.

Pinapasok na sya ng nurse sa kwarto kung saan naka confine ang Mama nya. May Doctor na nakatayo sa tabi ng kama ng Mama nya. Nilapitan nya ito.

"Anu pong lagay nya?"

"Maraming sugat sa ulo nya. Mukang matindi ang pagkakabato ng bote sa ulo nya. Kasi yung basag na bote, nasaksak sa ulo nya. Mabuti nalang hindi tuluyang bumaon. "

Nanlaki ang mga mata ni Deborah. Tinignan nya ng malungkot ang Mama nya. Naka benda ang ulo nito at may mga pasa sa muka at braso.

"Mabuti nalang ay nadala sya agad dito sa ospital dahil malaki ang posibilidad na maubusan sya ng dugo. Marami kasing nawalang dugo sa kanya. Malalaki kasi ang hiwa sa ulo nya. Pero don't worry dahil natahi na 'yon." Dahan dahang umupo si Deborah sa katabing upuan ng kama nito.

"Hintayin nalang natin syang magkamalay. Balik nalang ako mamaya." Paalam sa kanya ng Doctor.

Nanginginig ang mga kamay ni Deborah habang unti unti nyang inilalapit ang kamay nya sa kamay ng Mama nya. Nagtuluan na ang mga luha nya. Hindi nya mapigilan ang agos ng damdamin. Parang sinasaksak ang puso nya habang nakikitang nakaratay ang kanyang Ina sa kama. Nakanganga lang ang bibig nya at unti unti na syang nakakalikha ng ingay sa pag-iyak.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon