Chapter 13

49 2 0
                                    

"BAKIT ganyang ang itsura mo babe? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Nag-aalalang tono ni Bogs. Sinundo nya sa bahay si Deborah at ngayo'y sabay silang papasok sa eskwela.

"Hindi."

"Bakit?"

"May tinapos lang ako."

"Sana tinext mo ko para natulungan kita."

"Okay lang ako."

Tahimik lang silang naglalakad.

"Wala naman talaga akong ginawa. Napuyat ako kakaisip. Natatakot ako, baka mali nanaman 'tong magiging desisyon ko. Pero ito lang ang tanging paraan para maitama ko ang mali ko. At hindi ko na maipares ang sarili ko kay Dwight." Tinitignan nya si Bogs ng palihim.

"Seseryosohin na kita. Pipilitin na kitang mahalin Bogs. Total, okay ka naman sakin. Tinuturing mo ko na parang Prinsesa. Masyado kang concern sa akin, at kahit nakakainis na ko, pinagpapasensyahan mo ko. Kapag nagagalit na ko, nag so-sorry ka na agad. Oo. Si Dwight ang mahal ko. Pero... pipilitin ko syang makalimutan. Dahil nakokonsensya ako sa bawat araw na dumaraan na niloloko kita. Kaya Bogs, kahit sobrang hirap, pipilitin kitang mahalin. Ayokong maging kasalanan ang pakikipag relasyon ko sayo. Gusto kong gawing tama ang lahat." Biglang hinawakan ni Deborah ang kamay ni Bogs. Gulat na gulat naman si Bogs sa ginawa nya. Nagkatinginan sila. Nginitian sya ni Deborah. Ngumiti din si Bogs.

"Bakit babe? Anung meron? Bigla ka atang sumaya?"

"Wala lang. Masaya lang ako kasi kasama kita. Sunduin mo ko mamaya pagtapos ng klase ko ha?"

"Kahit hindi mo sabihin, susunduin talaga kita." Kilig na kilig si Bogs. Pinipilit ni Deborah na kiligin, pero wala.

"PARE! for two weeks na naging kami, kanina lang kami nag holding hands! SIYA ANG HUMAKAWAK NG KAMAY KO PARE! SIYA!" Tuwang tuwang wika ni Bogs. Lumulundag lundag pa sya habang ikinukwento ito. Kung titignan ay para syang bata na nanalo sa isang laro.

"Pwede ba? Nasa daan tayo. Wag kang ganyan umakto. Para kang psycho, nakakahiya ka." Seryosong wika ni Breanna. Panira sya ng mood ni Bogs.

"Ewan ko sayo! Ang dry mo!" Naiinis na sagot ni Bogs.

"Anu bang nangyayari sayong Magdalena ka ha?! Palagi ng seryoso at badtrip ang muka mo noong mga nakaraang araw!"

"Wala ka ng pake!" Pabulyaw na sagot ni Breanna.

"Oo talaga! Wala akong pakialam sayo! Buti nga nag quit ka na eh. Ayaw kasi kitang makasama!" Kumirot ang puso ni Breanna.

"Hoy! Nagkaka-initan na kayo! Tumigil na nga kayo!" Saway ni Dwight. Pumasok na sya ng classroom. Sumunod din si Bogs at Breanna.

"Hindi rin naman kitang gustong makasama eh! Kaya nga ako nag quit dahil nagsasawa na ko sa ugali mo!" Pinandidilatan na sya ng mata ni Breanna.

"Oh talaga?! Thank you dahil ikaw na ang unang umalis."

Pinagtitinginan na sila ng mga kaklase nila. Nasa harapan pa naman. Umupo na si Dwight at hindi na pinakialaman ang dalawang kaibigan. Pagkaupo nya ay yumuko sya sa desk nya. Naririnig nya pa rin ang pagtatalo ng dalawa. Nalulungkot sya. Hindi dahil sa nag-aaway ang dalawang matalik na kaibigan nya, kundi mukang wala nang pag-asang makapag tanghal silang tatlo sa entablado, eh bukas na ang programa.

Alam ni Dwight na alam ng mga kaibigan nya na napaka halaga sa kanya na sumali sila sa battle of the band. Maliban sa pagne-negosyo, ang pagkanta at pagtugtog ay pangarap din nya. Naranasan naman na nya kumanta at tumugtog sa entablo noong high school. Pero disaster ang pangyayari na 'yon. Aminado syang hindi pa sya ganun kagaling kumanta noon, pero naglakas loob pa din syang magtanghal, kaya lang, syempre, dahil hindi sya magaling, kulang nalang ay batuhin sya ng kamatis ng mga kapwa estudyante nya na nanunuod. Itinuturing nyang bangungot ang nangyaring 'yon. Kaya, ilang taon syang nag practice sa pagkanta. Naging choir member pa sya nung first year college, nag voice lesson at hanggang sa bahay nya ay walang humpay ang pagpa-practice nya. Sa wakas, nagbunga ang lahat ng pagsasanay nya dahil ngayon ay napakagaling na nyang kumanta. Ngayon ay gusto nyang marinig ng maraming tao ang boses nya. Ilang taon na ang nakalipas noong huling beses syang kumanta sa harap ng maraming tao. Ngayon, sana ay muling maganap, at sa pagkakataong ito, sinisigurado nyang hindi na sya pagtatawanan. Papalitan nya ang pangit na karanasan nya noon.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon