Chapter 3

123 4 0
                                        

"SINO kaba?"

"Tawagin mo nalang akong Dwight." Nakaupo silang dalawa sa isang palapag ng hagdan sa abandonadong gusali ng eskwelahan nila. Malayo ang agwat nila sa pagkakaupo. Walang nakakakita sa kanila doon.

"Anung kurso mo?"

"BS Marketting. Third year."

"Okay."

Awkward ang sitwasyon. Kinakabahan at nahihiya na si Deborah kay Dwight. Dahil sya ang nakapulot ng Diary nya, pakiramdam nya ay alam na nito ang pinaka deepest secret nya pati ang kwento ng buhay nya. Nag-iinit ang mga pisngi nya sa sobrang hiya. Ni hindi na nga nya maiharap ang muka dito. Sobrang awkward talaga.

Awkward na din para kay Dwight. Ilang minuto na kasi ang lumipas, ang tahimik pa din. Walang nagtangkang magsalita. Sya nalang siguro ang magsasalita.

"Wa—"

Natigilan si Dwight sa sasambitin nya nang magsalita na din si Deborah. Nakakainterisado ang bungad nito. Nagkwento si Deborah sa kanya tungkol sa mga nakasulat sa Diary nya. Mahina, malumanay at malungkot ang boses nito habang nagkukwento. Tinignan sya ni Dwight habang nagkukwento. Pinagmamasdan nya ito habang nagsasalita. Kitang kita nya sa mga mata nito ang labis na kalungkutan.

Hindi sya makapaniwala sa mga naririnig nyang kinukwento nito. Sobrang nakakagulat. Wala syang masabi. Nanlalaki lang ang mga mata nya sa mga nalalaman nya. At isa pa, sobrang naawa sya sa babaeng ito.

Hinayaan lang nyang magsalita ng magsalita si Deborah. Hindi nya pa inaalis ang tingin dito. Maya maya konti, ipinilig nya ang ulo at tumingin sa lupa. Nakayuko sya. Pinapakinggan nalang nya ang boses nito. Nahahawa sya sa kalungkutan nito.

Maya maya pa'y naging putol putol na ang pagsasalita ni Deborah, dahil humihikbi hikbi na ito. Napatingin sya dito. Nakita nyang may marami nang tumutulong luha sa mga mata nito. Lalo tuloy syang naawa at nalungkot. Hindi na ito nagkwento. Umiyak nalang ito ng umiyak.

Awkward ulit. Sobrang nahihiya si Deborah. Hindi naman nya kaano-ano ang lalaking ito pero kinuwento nya ang buhay nya.

Huminto na sya sa pag-iyak. Pinapakalma nalang nya ang sarili nya. Sobrang gumaan ang pakiramdam nya. Ito ang unang beses na nagkwento sya tungkol sa buhay nya at sa mga hinanakit nya. Buong buhay nya itong dinadala sa sarili lamang. Pero, iba pala talaga kapag inopen sa iba. Parang nabawasan ang mga bakal na nakadagan sa dibdib nya.

"Salamat ah." Sambit ni Dwight. Suminghot muna si Deborah bago sumagot

"Ha? Salamat saan?"

"Thank you for telling me your story. Hindi ko naman talaga binasa yung Diary mo eh." Totoo yon. Nang makita nya kasi ang mga mahahabang nakasulat sa notebook, tinamad na syang magbasa. Tsaka pinaubaya nalang nya kay Deborah ang privacy. Isa pa, wala talaga syang hilig magbasa lalo pa't ganun kahaba. Nagtaka lang sya sa kulay at design ng notebook.

Dahil sa narinig ni Deborah, kumunot ang noo nya.

"ANO?!" Malakas at inis na tanong nya. Napatayo ito sa galit.

"Teka? Bakit?" Nag aalang tanung ni Dwight. Tumayo na din sya at handa ng tumakbo.

"BAKIT HINDI MO SINABI KAGAD?!" Pasigaw na wika nya. Tumakbo na si Dwight. Hinabol sya ni Deborah.

"BUMALIK KA DITO! GAGO KA!" Sigaw ni Deborah habang tumatakbo. Nakakahiya. Kaya nga sya nagkwento sa inaakalang nabasa ni Dwight ang Diary nya at wala na syang maitatago pa dito, pero hindi naman pala! Ngayon, pakiramdam nya'y nagmuka syang tanga. Hindi naman sila magkaano-ano pero kinuwento nya ito at iniyakan pa. Hindi nya alam kung anung dapat maramdaman. Matutuwa ba sya, dahil sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam nya sa pagkukwento, o maiinis o magagalit dahil may nakakakilala na sa kanya.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon