"IT'S OUR VACANT day. Gala tayo Bogs! Libre ko." Yaya ni Breanna.
"Next time nalang. Pupuntahan ko pa si Deborah."
"Nakakatampo naman. Minsan nalang akong mag yaya, hindi pa mapag bigyan, mas uunahin pa yung nililigawan." Nagtatampong tono ni Breanna.
"Sorry na. Si Dwight nalang yayain mo. Next time sasama talaga ako. Bye na." Pinatay na ni Bogs ang cellphone. Bumaba na sya ng jeep at nasa tapat na sya ng bahay ni Deborah.
"Finally. Nalaman ko din ang bahay mo. Ang galing ko talaga mag imbestiga! Sana lang talaga ay wala kang pasok ngayon. Di kasi ako sigurado eh."
Kumatok si Bogs sa pinto. Pinagbuksan sya ni Delilah.
"Magandang tanghali po. Dito po ba nakatira si Deborah?"
"Anak ko yun. Bakit?"
"Ako po si Bogs. Manliligaw po nya. Nandyan po ba sya?" Nagulat ang si Delilah, pero hindi nya 'yon ipinahalata.
"Oo, pumasok ka."
Natuwa si Bogs. Sakto pala ang pagpunta nya. Pinapasok sya si Delilah at inaya syang umupo sa supa. Inakyat na ni Delilah si Deborah. Inilibot ni Bogs ang tingin. Tahimik ang bahay nila Deborah, kaya lang makalat ang salas at kusina. Naisip nya na baka malaki ang pamilya nila dahil maraming plato ang nakatambak sa lababo.
"Grabe! First time kong manligaw sa bahay."
Bumaba na si Delilah.
"Natutulog pa sya eh."
Napakunot noo si Bogs.
"Tulo pa? Tanghali na po ah? Wala po ba syang pasok ngayon? Baka po late na sya."
"Hindi ko alam ang schedule nya eh. Balik ka nalang." Tumango nalang ni Bogs. Wala naman na syang magagawa eh.
"Sige po. Salamat po." Dismayadong umalis si Bogs. Wala man lang syang napala.
"WOW! Iba ka na talaga pre! Nagpunta ka sa bahay nila?!" Gulat na gulat na wika ni Dwight. Kasalukuyan silang nasa garden ng eskwela, naka Indian sit habang kumakain ng sitsirya.
"Oo. Wala naman akong napala eh. Tulog daw." Nabubugnot na wika ni Bogs.
"Edi kung sumama ka sa'king gumala, nag enjoy ka pa. Buti pa si Dwight pinagbigyan ako. " Wika ni Breanna.
"Babalik ulit ako dun. Hindi ko sya titigilan." Seryosong wika ni Bogs.
"Pre, ikaw ba yan? Anung nangyari sayo? Totoo na ba yan? Seryoso ka na?"
"Sus! Hindi mo magiging girlfriend yun." Pandi-discourage ni Breanna.
"Watch me."
Tumawa ni Dwight.
"Grabe Bogs! Hindi ako makapaniwala. Nakaharap mo nanay nya?! Sinabi mo, manliligaw ka?! Ang lakas ng loob mo!"
"Oo naman. Kilala nyo naman ako diba? Matinik ako manligaw lalo na kapag maganda yung babae."
"Hindi ka naman nanliligaw eh. Yung mga naging girlfriend mo, hindi mo naman niligawan." Wika ni Dwight.
"Eh mahirap makuha si Deborah eh."
"Buti alam mo." Wika ni Breanna.
"Puntahan mo nga sya ngayun sa room nya. Sama ako. Sige na please."
"Ayoko nga. Nag-aaral ng mabuti yun, wag mong istorbohin."
"Sige na. Libre kita, inom tayo mamaya."
BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah