UNTI-UNTI nang dumidilat ang mata ni Deborah. Nang mapansin iyon ni Dwight ay agad syang lumabas at tumawag ng nurse. Makalipas ang ilang sandali, ay dumating na sila.
"Kamusta iha? Anung nararamdaman mo?" Malambing na tono ng nurse. Tila hindi mapakali ang mata ni Deborah kakatingin sa paligid. Napagtanto nya na nasa ospital sya, at napatunayan nya pa yon nang may makita syang nurse. Kumunot ang noo nya ng makita si Dwight.
"Ikaw?" Nagtatakang tono nya.
"Ako?" Tinuro ni Dwight ang sarili. "Bakit?"
"Miss?" Tawag ng nurse sa kanya. Parang dinededma kasi sya nito.
"Po?"
"Anung nangyari sayo? Ang sabi ng kaibigan mo, nakipag-away ka daw. Pero hindi nya alam kung ano ang napuruhan sayo."
"Ha? Wala po. Wala pong napuruhan." Pagsisinungaling nya.
"Weh?" Singit ni Dwight
"Sigurado ka? Kung ganun, bakit ka hinimatay?" Hindi agad nakasagot ni Deborah.
"Tignan mo oh, namumutla ka pa. Anu bang mga masakit sayo ngayon?"
"Masakit lang po konti yung katawan ko."
"Naku, naigagalaw mo kaya 'yan ng maayos?"
"Opo. Nakatakbo pa nga po ako kanina pagkatapos kong makipag away."
"Buti naman kung ganun. Anu pang masakit sayo?"
"Ulo po tsaka tyan."
"Kumain ka ba?"
"Hindi po."
"Hindi ka pa kumakain?!" Gulat na tanong ni Dwight.
"Narinig mo ko diba?" Masungit na sagot nya, sabay irap.
"Kaya ka pala hinimatay. Gutom ka. Tapos napuruhan ka pa sa pakikipag away, eh talagang hihimatayin ka nyan." Wika ng nurse.
"Kumain ka muna bago kita i-discharge dito. Mas mainam kung may sabaw ang kainin mo. Magpahinga ka, tapos kapag kaya mo na, pwede ka ng umuwi." Tumango si Deborah
"Salamat po." Wika ni Dwight. Iniwan na sila ng nurse.
"Ibibili muna kita ng makakain." Aalis na sana si Dwight pero..
"Wag na." Napahinto si Dwight at nilingon sya.
"Ha?!"
Bumangon na si Deborah. Tinanggal nya ang kumot na nakatakip sa katawan nya at ibinaba ang mga paa sa simento. Kinuha nya ang bag nya sa tabi nya at isinabit sa kanyang likod. Dire-diretso itong naglakad at nilagpasan lamang si Dwight.
"HUY!!" Hinawakan nya ito sa braso pero tinanggal agad ni Deborah ang kamay nya. Mabilis itong naglalakad hanggang sa makalabas na sila ng Ospital.
"Huy! Anu ba?! Bakit ka aalis agad?! Kumain ka muna!" Huminto si Deborah at nilingon si Dwight.
"Sino ka ba? Wala kang karapatang diktahan ako, dahil hindi mo ko kilala, hindi kita kilala, at hindi tayo magkaano-ano." Madiin na wika nya, sabay talikod at lakad ulit.
Nakakapikon ang ipinakitang asal ni Deborah sa kanya.
"Sya na nga ang tinulungan, Sya pa galit?! Hindi man lang magawang magpasalamat?!" Nababadtrip si Dwight sa kanya. Hinayaan nalang nya itong umalis. Hinintay nyang makalayo na ito. Bumalik na sya sa loob ng Ospital para magbayad ng bill at kunin ang bag nya.
UUWI na si Deborah. Napansin nyang malapit na sya sa bahay nya. Buti nagkataong dinala sya ni Dwight sa ospital kung san malapit lang sa bahay nya. Hindi na tuloy sya mamamasahe. Dumukot sya ng pera sa bulsa nya. Lumapit sya sa tindahan at bumili ng tinapay at bottled water. Yung pamasahe nya sana, naging pambili na ng pagkain. Buti nalang talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/11144950-288-k834021.jpg)
BINABASA MO ANG
Unique Princess
عاطفية"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah