NAGHIHIYAWAN ang isang section ng klase habang nasa Bus. Masayang masaya sila dahil fieldtrip na nila. Nagpapatugtog sila ng malakas at sinasabayan nila ng sayaw. Party people nga, at parang mga nakawala sa hawla ang mga estudyanteng ito.
"OH YEAH MEN!! We deserve this! Matapos ang ilang linggong nakaka stress na lessons at projects, party party naman!" Malakas na wika ni Dwight habang sumasayaw. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase nya. Tinapatan sya ni Bogs at nag sexy dance. Nag sexy dance din si Dwight at nagtawanan ang mga kaklase nila. Vini-videohan naman sila ni Breanna.
"My goodness! Scandal 'to!" Wika ni Breanna sabay tawa.
Nagmistulang Club ang loob ng bus nila dahil sa sobrang saya. Pumasok na ang Prof nila sa Bus pati ang driver. Pinatigil na sila sa kaguluhan dahil aalis na sila.
"Dwight, may chocolate ka pa ba dyan?" Tanung ng isang kaklase nya na galing sa likod ng upuan nila.
"Ay. Ubos na eh. Next week meron ulit."
"Ayy. Anu ba 'yan. Craving pa naman ako dun." Dismayadong sagot nito. Umupo na ito.
"Wow. From 1,000 pcs, wala na?!" Gulat ni Breanna. Magkakatabi silang tatlo ni Bogs sa upuan.
"Syempre, may katulong na kong nagbebenta."
"Wow ah? Buti may bumibili sa kanya?" Wika ni Bogs na ang tinutukoy na si Deborah.
"Tinuruan ko sya ng diskarte sa pagbebenta. Ayun. Pumatok sa mga Elementary at High school. Yung 100 pcs, isang araw lang sa kanya."
"Talaga? Buti hindi natatakot sa kanya yung mga bata?" Tanong ni Breanna.
"Hindi. Kasi magiliw na sya magbenta. Haha! Tinambakan ko nga sya ng 500 pcs nung isang linggo. Ewan ko lang kung napaubos na nya. Pero sa tingin ko, ubos nya yun!"
Tumawa si Bogs at Breanna.
"Psych student, tas ginawa mong marketer! Astig ka talaga Dwight!" Natatawang wika ni Breanna.
"Syempre! Ganyan tayong mga marketting student! Madiskarte lalo na sa paraan kung pano kumita." Inapiran sya ni Bogs at Breanna.
"Speaking of that bitch, kama-kailan lang, dalawang linggo na atang nakalipas? Nabalitaan kong nakipag away nanaman daw sya kay Gabby." Wika ni Bogs.
"Oh?! Yung leader ng Frat?!" Gulat ni Dwight.
"Sino pa nga ba?! Fraternity lang naman ang madalas nyang kaaway. Lalo na si Gabby" Wika ni Bogs.
"Oh anung nangyari? Sinong nanalo?"
"Si Red Rebel Girl. Kaya lang madami syang nabasag na salamin ng classroom. Kaya sinuspend sya ng Dean nila ng 2 weeks."
"TALAGA?! Hala, kawawa naman!" Nag aalalang wika nya.
"Friend mo sya, tapos hindi mo alam ang nangyari sa kanya?" Tanong ni Breanna.
"Alam mo naman kung gaano ako ka busy diba? Hindi na nga ko natutulog, matapos lang yung thesis. Haayy. Kaya ko pala sya hindi nakikita sa school dahil suspended sya. Naku, napaubos nya kaya yung chocolate?"
"Anung ineexpect mo? Malamang hindi! Kung ganyan ng ganyan lang ang mangyayari sa kanya, wag ka ng magpatulong. Hindi ka aasenso kapag sya ang ka-partner mo." Isinuot na ni Bogs ang headset at inilagay ang ulo sa balikat ni Breanna.
EXCITED na ang mga estudyanteng itong masubukang sumakay ng Zip Line. Mahaba ang pila sa Zip Line. Ang iba ay nakapila sa Wall Climbing, ang iba naman ay sa Rapelling.
"WOHOOOOOOOOOOOO!" Hiyaw ng isang estudyante na nakasakay ng Zip Line.
"Wow! Astig!" Manghang wika ni Bogs habang tinitignan ang isang estudyante na nakatawid na ng Zip line.
BINABASA MO ANG
Unique Princess
عاطفية"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah