Chapter 12

53 3 0
                                    

"YES. It's true." Seryosong wika ni Breanna sa kausap sa cellphone. Kasalukuyan syang nasa Mall at namimili ng damit.

"Nawalan na ko ng gana eh. Ayoko nang kumanta. Sorry Dwight. Hindi ko na din mapilit ang sarili ko eh." Bigla nyang pinatay ang cellphone.

"Miss, size medium nga po nito." Binigay nya sa sales lady sa isang bistida at umalis na ito para kunin ang size na sinabi ni Breanna. Maya maya'y dumating na ang sales lady na sinamahan sya sa fitting room.

"May tao papo ata sa loob Ma'am. Pakihintay nalang po." Magalang na wika ng sales lady.

"Okay. Thanks." Nakatayo sya sa tapat ng fitting room. Pinagmamasdan nya ang bistida na hawak nya. Narinig na nya na bumukas ang pinto ng fitting room. Pagtingin nya ay na surpresa sya.

"Deborah?"

Nasurpresa din si Deborah. Pero hindi sya nagsalita. Lumabas na sya ng fitting room para makapasok na si Breanna doon.

Luminga linga muna sa paligid si Breanna.

"Wala kang kasama?"

"Wala."

"Good. I need to talk to you."

"MAKIPAG break ka na sa kanya." Seryosong wika ni Breanna. Kasalukuyang silang nasa sky garden ng mall. Nakatayo lang sila sa lugar kung saan malayo ang mga tao at walang nakakakita o nakakarinig sa kanila.

"Ang tigas ng muka mo ano? Anong karapatan mong diktahan ako?!" Matapang na sagot ni Deborah.

"MAKIKIPAG BREAK AKO KUNG KAILAN KO GUSTO! HINDI YUNG DAHIL SINABI MO!" Pasigaw na wika ni Deborah. Nag-iinit na ang dugo nya sa babaeng ito.

"May karapatan akong diktahan ka dahil mahal ko sya! Sakin lang dapat si Bogs!" Madiin na wika ni Breanna.

"Wala akong pakialam kung mahal mo sya. At huwag na huwag mo kong didiktahan Breanna. Kapag ako napuno sayo—"

"Bakit?! Akala mo ba natatakot ako sayo?! Kahit kailan hindi ako natakot sayo! Nagpapanggap lang ako na takot. Gusto ko kasi yung pakiramdam na pinagtatanggol ako ng mga tao sa paligid ko, lalo na si Bogs. Gusto kong malaman nila na mahina ako para ipagtanggol ako. Pero nakakatawa, wala. Walang nagtatanggol sakin." Natigilan si Deborah sa sinabi ni Breanna. Nakikita nyang maluha luha na ang mata nito.

"Since first year college, mahal ko na si Bogs. Hindi ko alam kung bakit, basta yun lang ang alam ko, ang mahalin sya. Nasasaktan ako kapag nagkaka girlfriend sya. Tsaka nilalaro nya lang ang mga babae. Palibhasa kasi, mga liberated na babae naman yung mga nakakarelasyon nya. Kaya gusto kong maiba sa mga babaeng naging girlfriend nya. Gusto kong maging inosente at malinis sa paningin nya. Pero ayaw nya pa din sa'kin."

Tumulo na ang mga luha ni Breanna.

"Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kada araw, kada linggo, kada bwan, kada taon, nasasaktan ako. Mabuti pa kasi yung ibang babae, napapansin nya. Pero ako na lagi nyang kasama, hindi. Maganda naman ako. Matalino. Malinis. Hindi ko alam kung bakit hindi nya ko magustuhan."

Humagulgol na sya ng iyak. Tinakpan nya ng palad nya ang muka nya.

Nakatingin lang si Deborah sa kanya. Walang emosyon ang muka nya.

"Kaya makipag break ka na sa kanya Deborah." Pinupunasan na nya ang luha nya at pinapakalma ang sarili.

"Katawan mo lang naman ang habol nya sayo eh." Bigla syang sinampal ng malakas ni Deborah. Halos matanggal nga ang pisngi nya sa sobrang lakas. Napa side view ang ulo nya. Nanlaki ang mga mata nya sa gulat. Hinawakan nya ang pisngi at dahan dahang tumingin kay Deborah. Nakita nyang pinanlilisikan sya ng mata nito.

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon