"SIGURO nga Dwight, hindi talaga totoo ang fairy tale." Malungkot na wika ni Deborah. Kasalukuyan silang nasa canteen ni Dwight. Katatapos lang nilang mag tinda ng chocolate kaya nagpahinga muna sila at nagkakwentuhan na. Nasa kabilang lamesa naman si Bogs at Breanna, na tila hinihintay si Dwight na matapos makipag usap kay Deborah bago sila kumain.
"Kanya kanya ng kapalaran ang tao. Dipende yun sayo. May kasalanan din sya kung bakit naging ganun ang buhay ng kababata mo. Sabi nga nya diba? Ginusto nya din. So, it's her choice. At ngayon nagbunga ang mga pagkakamali nya. Not once, but twice! Nagkamali na nga sya nung una, hindi pa sya natauhan?!"
"Eh hindi mo din sya masisisi. Syempre, gusto nya pa din makahanap ng makakasama sa buhay."
"Kunsabagay. Nakaka-tanga talaga ang pag-ibig eh. Oh sige, wag na natin syang sisihin."
"Nalulungkot talaga ako para sa kanya. Parang kailan lang, mga bata pa kami. Masaya kaming naglalaro sa labas. Kahit na nakakaranas ako ng impyerno, kapag magkasama kami, nagiging masaya ako. Kaya sobrang nalungkot ako nung lumipat na sila ng probinsya. Tapos hindi ko inaasahan na sa muling pagkikita namin, ganun na pala sya. Yung dati na twing magkasama kami ay tawa kami ng tawa, pero nung gabing yun, iyakan naman kami. Hayy. Buhay. Hindi nga talaga totoo ang fairy tale Dwight. Face the reality. Walang fairy godmother na mag ma-magic para mabago ang buhay."
"Sira. Yan ang ayoko sayo eh. Ikaw, Psych student ka pa naman pero ang pangit ng pananaw mo sa buhay. Dapat ang isang Psych student ay marunong mag handle ng buhay kahit anu pa man ang nangyayari. Eh wala eh. Hindi nga halatang psych student ka, kasi parang ikaw ang may kailangan ng Psychologist."
Ngumuso si Deborah.
"Gago ka talaga. Wala kang preno magsalita." Tinignan nya ng masama si Dwight.
"Totoo naman ah? Anung gusto mo, magplastikan tayo?!"
Natahimik si Deborah. Hindi talaga sya makapalag palagi kay Dwight.
"Naisip mo ba? Mas maswerte ka kay Joan. Masaya ang pamilya nya, oo. Pero duming dumi na sya sa sarili nya. Ilan taon na sya?"
"20."
"20. Pero dalawa na ang anak nya. She can never make a fresh start. Because she will be a forever mother. Habang buhay na nyang bitbit ang dalawang anak nya. Samantalang yung mga tatay ng anak nya ay pwedeng makapag simula ulit. Kawawa talaga ang mga babae ano? Tsk!"
Napailing si Dwight.
"Mag-isa nyang bubuhayin ang mga anak nya, mag-isa nyang papasanin ang responsibilidad. Pwede nyang makatuwang ang mga magulang nya, pero matatanda na sila diba? At darating ang panahon na mawawala na din sila. Yung mga kapatid nya, nasa malalayong lugar at may mga sariling pamilya na. Gusto man syang tulungan ng mga 'yon, pero masyado silang malayo. Diba? Napakahirap sa kanya? Kaya Deborah, you're so lucky! Sabi nga ni Joan, malinis ka! Walang nawala sayo! You can make a fresh start!"
"Oy! Anu bayan! Ang tagal ah!" Angal ni Bogs. Dinedma lang sya ni Dwight.
"Actually, every girl is a Princess. Every girl should treat like a real Princess. Si Joan? Pwede pa syang maging Princess. Dipende yun sa kanya. Dipende sa magiging pananaw nya. Pero kung sa tingin nya, ay hindi na, siguro, hindi na talaga. Alam mo kung bakit? Because one of the greatest thing in life is faith. Nasa pananaw naman yan at pananalig ng tao. Tayo naman ang gumagawa ng kapalaran natin eh, at ang Dyos ang guide natin. Alam nya kung ano ang makakapagpasaya sa atin. Kaya maniwala lang tayo sa magagawa nya. Kaya ikaw, continue dreaming and believing! God can make a fantasy to become your reality. Just believe Deborah! Once it glares inside you, you'll have a full potensials and see things differently. Once you believe in fairy tales everything seems magical. But the secret of fairy tale is not magic, but faith (Janoel17, 2012)."

BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah