Chapter 30

50 3 0
                                    

"ALAM mo, walang mangyayari sayo kung mananatili kang broken hearted. Start moving on!" Payo ni Joan kay Deborah habang nag go-grocery sila para sa celebration nila sa nalalapit na New Year.

Tulak tulak ni Deborah ang push cart, si Joan naman ay dampot ng dampot ng mga pagkain.

"Parang napaka dali naman nun? Hindi ko agad agad magagawa 'yun."

"Sus! Madali lang! Entertain suitors. Fall in love again."

"Hindi nga ganun kadali 'yun eh!"

"Anu ka? Yun kaya ang pinaka madaling paraan. Bata ka pa at maganda! Madami ka pang makikilala! Tignan mo nga ako? Kahit dalawa na anak, nagka boyfriend pa din ako!"

"Oo. Tapos kapag nabuntis ka, iiwan ka ulit."

Hinampas ni Joan ng mahina si Deborah sa braso.

"Ang sama mo!"

"Totoo naman ah?! Hindi ka na kasi nadala."

Sumimangot si Joan.

"Mahirap kasing mabuhay ng walang katuwang sa buhay."

Tumingin si Deborah sa kanya.

"Kahit na nagkanda letse letse na ang buhay ko, hindi pa din ako sumusuko na mahanap ang Prince charming ko."

"Pero wag mong hanapin sa ganyang paraan. Wag mo palaging binibigay 'yang sarili mo. Dun mo mapapatunayan kung totoong mahal ka ba ng lalaki o hindi."

"Ehh. Kasi.. Ginusto ko din naman eh." Nahihiyang sambit ni Joan.

Kinurot ni Deborah si Joan sa bewang.

"Ikaw! Malandi ka din eh!"

"OUCH! Protected naman sya sakin eh."

"Bahala ka dyan! Nakaka ilang payo na ko, wala ka namang sinunod."

Ngumuso lang si Joan.

"Oo nga pala, bakit hindi mo tanungin yung intsik beho mong minamahal kung bakit hindi nya agad inamin sayo na engaged na sya?" Pag iba ni Joan sa usapan.

"Hindi na kailangan. Alam ko naman na ang dahilan eh."

"Ha? Eh ano?"

"Nung una kaming magkakilala, hindi naman talaga kaibigan ang turing nya sakin. Gusto lang nya kong kupitan ng pera at gamitin para sa business nya. Hindi sya sincere sakin. Eh kasi sya yung tipong tao na hindi naman nagkukwento ng tungkol sa pagkatao nya kapag hindi naman nya matalik na kaibigan."

"GAGO PALA SYA EH?! KINUPITAN AT GINAMIT KA NYA?!"

"Oo. Pero tapos na 'yun. Nag sorry na sya sakin."

"Maalalaa ko lang. Diba, first boyfriend mo si Bogs? Yung bestfriend nya dati?"

"So?! Bat mo nabanggit 'yan?" Naiiritang wika ni Deborah.

"Nakakatawa ka. Ang sabi mo sakin, big deal sayo yung first kiss. Pero yung first boyfriend, hindi." Tumawa si Joan matapos magsalita.

"Big deal din sakin 'yun no! Nagawa ko lang yun dahil gusto kong galitin si Dwight! Pero wala ako sa katinuan ng pag-iisip kaya ko nagawa 'yun! Pinagsisisihan ko na 'yon! As in, sising talaga ako! Nasusuka ako kapag naaalala kong naging boyfriend ko sya!" Halos nag-ha-high blood na si Deborah habang nagpapaliwanag.

"Hahaha. Okay." Yun nalang ang nasabi ni Joan

"Please lang. Wag mo ng ipaalala."

"Okay."

Unique PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon