HINDI glee club member ang nandon. Hindi rin si Yen. Kundi, si Deborah.
Nanlaki ang mata nya sa gulat at bumilis ang kabog ng puso nya.
Hindi sya makapaniwala. Si Deborah ba talaga ang nakikita nya sa stage? Oh baka dahil sa sobrang kakaisip lang nya ay nagha-hallucinate na sya.
Unti unti syang naglakad sa center aisle ng Hall para mas makita si Deborah.
Naka upo si Deborah at hawak ang gitara na niregalo ni Dwight. May mike sa harapan nito.
Kahit nakapatay ang ilaw para sa mga audience ay nakikita pa din ni Deborah si Dwight.
"Dwight..." Napatunayan ni Dwight na hindi sya nagha-hallucinate ng marinig nyang tawagin ni Deborah.
"Deborah." Mahinang tawag ni Dwight.
"Hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan 'tong mga sasabihin ko. Kinakabahan ako. Sana makinig kang mabuti."
Hindi pa nga nag uumpisang magsalita si Deborah ay naiiyak na si Dwight.
"Ikaw ang pinaka magandang blessing na dumating na buhay ko. Noon, walang liwanag ang buhay ko. Palaging madilim ang paningin ko at ang pananaw ko sa buhay. Wala akong maayos na pamilya, wala akong kaibigan at masama ang tingin sakin ng lahat. Naging basagulera ako, star ng gulo sa school at laging nadudungisan ng dugo sa damit. I was miserable, until I found you.
Akala ko nung una, katulad ka ng mga tao sa paligid. Pero sino nga bang mag-aakalang ikaw pa ang makakapag pabago sakin.
Dahil sayo, narealized ko na ako naman pala ang may kasalanan ng lahat. Ako ang may kasalanan kung bakit natatakot sakin ang mga estudyante at kung bakit nila ko nilalayuan. Dahil din sayo, kaya na-prangka ko ang Mama ko, at nalaman ko na, may kasalanan ako kung bakit naging miserable ang buhay naming dalawa.
May nabasa ako sa libro. 'Looking glass self'. Ang ibig sabihin non, mabi-visualize mo ang sarili mo sa pamamagitan ng reaksyon ng mga tao. Madalas kong nakikitang natatakot sila sakin, kasi talaga namang nakakatakot ang itsura ko pati ang mga ginagawa ko. Pero nung tinulungan mo kong magbago ng paunti unti, na-visualized ko sa kanila na... ang ganda at ang bait ko. Tsaka ko narealized na nagbabago na talaga ako.
Hindi lang itsura ko ang nabago. Pati ang ugali ko at ang paligid ko. Bukod sa...... maganda nako, bumait pa ko."
Natatawa na nahihiya si Deborah sa mga sinasabi nya.
"Bukod don, nagkaroon pa ko ng maraming kaibigan. At higit sa lahat, nagkaroon ako ng masayang pamilya. Kahit kailan, hindi ko na-imagine na mababago ang buhay ko ng ganito. Hindi ko na-imagine na magiging ganito kakulay ang mundo ko. Nangyari ang lahat nga 'to dahil sayo Dwight."
May tumulo ng luha sa isang mata ni Deborah. Gustong gusto na nyang sumigaw at humagulgol pero pinipigil nya para makapagsalita sya ng maayos.
"Dwight... Ikaw ang nagturo sakin na hindi masayang mag-isa. Ikaw ang nagturo sakin na magkaroon ng magandang pananaw sa buhay. Ikaw ang nagsabi sakin na pwede akong maging isang Prinsesa. Ikaw ang nagsabi sakin na pwede akong magkaroon ng buhay tulad ng sa fairy tale. Kahit napaka imposible, napaniwala mo ko. Ang mga salita mo ang nagbigay ng lakas ng loob sakin para magkaroon ako ng mga bagay na mayron ako ngayon. Ang mga salita mo ang nagbigay sakin ng inspirasyon para patuloy na mangarap.
My life is like a fairy tale now, and you even made me feel like a Princess.
Sayo nag umpisa ang lahat. Ikaw ang pinaka una kong kaibigan.. at una kong minahal. Mas una pa nga kitang minahal kaysa sa Mama ko eh. Hehe.

BINABASA MO ANG
Unique Princess
Romance"Narealized ko, oo, mahirap ang may problema. Pero mas mahirap pala kapag sarili mo ang problema mo." -Deborah