Kabanata 1

20.4K 327 8
                                    

HIS LOVE, HIS OBSESSION

Keehana

“KAKAIN NA po ba tayo, ate? Uy!”

Napaigtad ako nang may humampas sa balikat ko.

Nilingon ko iyon. “Tania naman, masakit kaya,” reklamo ko. Totoo naman. Mabigat kasi ang kamay niya.

“Lah! Ngayon ka pa po nagreklamo! Tumayo ka na po kasi riyan, Ate! Gutom na ako, e!” reklamo nito at dumapo pa ang kamay sa tiyan nito. Tsk. Iba talaga ang ugali ng kapatid kong ito.

“Oo na, sandali lamang,” sambit ko at hindi na tumingin pa rito. Ipapasa ko na mamaya ang proyekto namin, patapos na rin naman ako. At saka may exam pa kami mamaya. Kailangan ko pang mag-review nito...

“Mama!” Napapikit ako nang may tumili sa likuran ko. Si Melanie Louise na pinakabunso sa aming magkakapatid, limang taong gulang pa lamang.

Ako ang tinatawag niyang Mama dahil malapit talaga kami sa isa’t isa. At isa pa ay hindi na siya naaalagaan ni Mama nang maayos minsan dahil sa trabaho nito sa bar.

At gustong-gusto ko rin namang tinatawag niya akong Mama.

Napahinga ako nang malalim at saka siya binalingan.
“Lanie, gusto mo ng milk?” paglalambing ko sa kaniya nang pagpantayin ko ang mukha namin.

Tumango ito at yumakap sa leeg ko na ikinatawa ko. Dumeretso ako sa kusina namin na hindi kalakihan at konti na lang ay bibigay na.

Napahinga akong muli nang malalim at pina-upo muna si Melanie sa tabi para makapagluto ako nang maayos.

Nagugutom na rin kasi ako dahil hindi pa ako nag-aalmusal.

May limang itlog pa naman na natitira at tamang-tama iyon para sa amin. Nag-init din ako ng tubig para sa gatas ni Melanie.

Nang matapos ako sa pagluluto ay binalingan ko ng tingin si Melanie na nakatunghay lamang sa akin, habang may nakapaskil na maliit na ngiti sa labi.

Tuloy ay nahawa ako sa ngiti nito.

Si Lanie-ng bungi ay nakangiti...

“Ang Mama ko talaga, napaka-ganda kahit saang anggulo!” pumapalakpak na anito. Ngumiti ako sa kaniya lalo at saka marahang pinisil ang pisngi nitong namumula. Nalahian kasi ito. Sa pagkakatanda ko ay isang Koreano ang lalaking nakabuntis kay Mama noon kay Melanie.

“Talaga? Maganda ako?” ngingiti-ngiti ko ring tanong rito. Tumango ito na ikinaluwang ng ngiti ko.

Napahinga ako.

“Ang bait talaga ng baby ko!” Pinisil ko ang pisngi nito dahil sa ka-cute-an nito.

“Mama, para po kayong angel. Tapos sexy pa. Gusto ko pong maging katulad ninyo paglaki ko po,” inosenteng wika nito na ikinatawa ko. Hinaplos ko ang buhok niya na palagi kong ginagawa sa kanilang magkakapatid.

Kasing kulay ng dilim sa gabi ang buhok nito, at makintab pa na tila pinahiran ng mantika.

Tumawa akong muli. “Sige, sige. Tawagin mo na ang mga ate at kuya mo para makakain na.”

Hinalikan ko muna ito sa noo bago maghanda ng pinggan. Natawa pa ako nang marinig ko ang tili nito. Mayamaya lamang ay nakarinig na ako ng mga yabag papalapit dito.

“Good morning, ‘te!” sabay-sabay na bati ng mga maliliit kong kapatid. Bumati rin ako pabalik at sinenyasan sila na maghugas ng mga kamay. At pagkatapos ay sabay-sabay kaming naupo sa sahig.

Wala naman kaming matinong lamesa kaya nagtitiis muna kami sa sahig. Ang pera ni Mama ay nagkakasya lamang para sa pagkain namin. Kaya minsan ay suma-side line ako dahil gusto kong mapaayos itong bahay namin.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon