Kabanata 6

9K 225 28
                                    

HIS LOVE, HIS OBSESSION

Keehana

Tumigil lamang kami sa kuwentuhan ni Al nang mag-bell na. Hudyat na tapos na ang lunch namin.

Ngumiti ako at tumayo upang magpagpag ng pang-upo. “Salamat sa lunch, Al. Ang sarap,” ngiting sambit ko. Nabusog ako roon at nais ko pang ulitin—biro lang.

Napangiti’t napailing ako sa mga naisip ko.

“It’s okay,” aniya at saglit na huminto. Kinuha niya sa akin ang styro at nilagay niya iyon sa paper bag niya, bago ako balingan ng tingin.
Ngumiti ito, ngunit bakas pa rin ang angas nito na tatak na ata niya. “I’ll drive you home later. Kakausapin lang kita.”

Unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi. Ang sinabi niyang iyon ay may pinalidad na, ni hindi man lang hiningi ang pagsang-ayon ko.

“U-Uh.” Bumuga ako ng hangin at nagkamot ng kilay. “Ano kasi, e...” Paano ko ba sasabihin na ayoko? Baka mamilit siya at alukin ako ng pagkain para lang pumayag ako. Okay lang naman sana iyon, pero kasi baka may makakita sa amin na mga kapit-bahay namin. Pag-uusapan lang ako roon lalo at ayokong mangyari iyon.

Narinig ko ang pagtikhim nito na ikinatingin ko rito. “Bakit? Ayaw mo ba akong makasama? Mas gusto mo ba iyong lalaki na kasabay mo noong nakaraan, hmm?” tila may halong galit pa nitong wika na agad kong ikinailing.

“Uy, hindi, ’no!” depensa ko, kahit na totoo naman ang sinabi niya. Mas komportable ako kapag kasama si Oliver kaysa sa kaniya dahil hindi ko naman siya gaanong kilala. At saka ayokong sumama sa mayayaman. Matsi-tsismis lang ako sa ’min. Isipin ay nanghuhuthot ako ng pera.
“I mean, alam mo naman ang sitwasiyon ko, ’di ba? Mainit ako sa mga mata ng mga tao roon. Baka kapag nakita nila akong may kasamang lalaki na—na mayaman ay isipin nilang gold digger ako,” pagdadahilan ko upang hindi niya na ako mapilit pa.

Ayoko talaga. Kahit na mabait siya sa akin ay ayoko pa rin. Si Oli ang kasabay ko mamaya at bukas.

At saka pu-puwede naman kaming mag-usap mamayang uwian. Ano ba ang pag-uusapan namin? Hindi naman ata aabot iyon ng ilang oras.

Pinakatitigan niya ako na tila ba inaalam niya kung nagsisinungaling ako. Lihim akong napakagat ng labi.

Ano ba namang klaseng tingin iyan, Al?

Huminga ito nang mapagtantong may dahilan ako. Hinilot niya ang panga bago muling tumingin sa akin. “What if... sa kotse na lang? I really wanna talk to you. Kahit saglit lang. May sasabihin lang akong importante,” pilit niya pa kaya tumango na lamang ako. Mas okay iyon, safe ako dahil walang makakakita sa amin.
“So, it’s already fine. See you later then,” aniya na umaliwalas na ang mukha.

Nagpaalam na rin akong aalis dahil may itutuloy pa akong gawain.

Bitbit naman ang mga pamunas at balde na may lamang tubig ay nilinisan ko ang mga salaming bintana ng bawat floor.

Pinagtitinginan at pinagtatawanan pa ako ng mga schoolmate ko dahil pahinga na sana namin itong week na ito pero heto ako at naglilinis.

Umismid lang ako sa isipan at ngumuso.

Sa tuwing naaalala ko kung bakit ako naririto sa kinalalagyan ko ngayon ay nag-iinit lamang ang ulo ko. Napaka-unfair sa akin niyon dahil nadamay lang naman ako sa kalokohan ni Marco. Nananahimik lang akong nag-e-exam doon tapos ganoon ang mangyayari. Nakakainis talaga ang mga mapang-api na iyon.

Pagod na nga ako sa kalilinis ng school at kasusunod sa mga utos, narumihan pa ang iniingatan kong record sa guidance. Iyon na nga sana ang pinakamaganda sa akin dahil mabait at matino naman ako sa klase, napurnada pa.

Love and ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon